Kabanata 13

353 6 0
                                    


Enjoy reading!

"Kiera, puwede ba tayo mag-usap?" Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto nang biglang pumasok doon si Kuya Edward habang napaka seryoso ng kaniyang mukha.

Araw ng linggo ngayon at kailangan kong magpahinga dahil ramdam ko ang sakit ng paa ko sa katatakbo kahapon.

Agad akong bumangon at umupo sa kama. Lumapit naman si Kuya Edward at umupo sa pang isahang sofa sa tabi ng maliit kong mesa.

"May sinabi si Jack sa akin kagabi," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung ano ang sinabi ng kaibigan niya. Hindi siya pupunta rito sa kuwarto ko nang ganiyan kaseryoso ang mukha kung hindi importante. Ngunit nagkukunwari akong walang alam.

"A-ano ang sinabi niya?" Pagkukunwari ko.

"May nagugustuhan ka raw? Sino 'yon?" Seryoso niyang tanong.

"Kuya, crush ko lang 'yon. Ikaw nga hindi nagkukuwento tungkol sa inyo ni Caila." Turan ko. Pumikit siya saglit bago muling tumingin sa akin.

"Okay, fine. Nililigawan ko si Caila. Ngayon, sabihin mo kung sino ang lalaking nagugustuhan mo?" Tanong niya muli. Kahit anong mangyari ay hindi ko pa rin sasabihin.

"Wala nga lang 'yon. At saka hindi rin naman niya ako magugustuhan." Sagot ko.

"Si Lennox ba?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Hindi. Huwag mo ng alamin. Malay mo sa susunod na linggo hindi ko na crush 'yon." Natatawa kong sabi ngunit nanatili pa ring seryoso ang mukha niya at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Kung hindi mo sasabihin ay aalamin ko na lang kung sino. At ako mismo ang magsasabi sa lalaking 'yon na layuan ka." Pagbabanta niya kaya nawala ang ngiti ko.

"Huwag mo na nga alamin. At saka crush lang naman iyon. Bawal na ba ako magka-crush? Bakit ikaw nga may nililigawan e." Sabi ko at kunwaring nagtatampo. Huminga siya nang malalim bago tumingin sa akin.

"Ki, ayokong masaktan ka. Marami ka pang makikilalang bagong tao. Gusto kong magtapos ka muna ng pag-aaral mo. At mas okay ng ako ang masaktan kaysa makita kitang umiiyak dahil lang sa isang lalaki. Naiintindihan mo ba?" Seryoso niyang sabi.

"Pero crush lang naman 'yon." Turan ko.

"Pero kapag nagtagal 'yan ay hindi na 'yan simpleng crush, Ki at sinasabi ko sa 'yo mahihirapan kang umalis sa sitwasyong 'yon. Ayokong makita kitang umiiyak sa isang lalaki." Aniya.

Nandoon na ba ako sa sitwasyon na sinasabi ni Kuya? Kaya ko pa bang umalis sa sitwasyong 'to? Happy crush pa ba 'tong nararamdaman ko kay Jack Jendrick?

"Sige na, manunuod pa kami ni Jack ng movie sa kuwarto." Paalam niya ngunit agad ko siyang pinigilan dahil sa pag banggit niya sa pangalan ni Jack Jendrick.

"Puwede sumama? Manunuod din ako." Wika ko at humawak pa sa braso niya upang magpaawa.

"Manuod ka na lang dyan sa selpon mo. Horror movie ang panunuorin namin." Sagot niya at pilit tinatanggal ang kamay kong nakakapit sa braso niya.

"Boring kapag ako lang mag-isa ang manuod. At saka hindi naman ako natatakot kapag may kasama ako manuod ng horror movie. Please, kuya," pagmamakaawa ko.

"Oo na. Tara na." Pagsuko niya. Agad akong napangiti at mabilis na kinuha ang selpon ko sa kama at mabilis na sumunod sa kaniya palabas ng kuwarto ko.

Magkatabi lang naman ang kuwarto namin at ilang hakbang lang iyon.

Pagbukas niya ng pinto ay agad kong nakita si Jack Jendrick na nakaupo sa sofa ni kuya. Tumingin siya sa amin nang pumasok kami.

"Sumama 'tong makulit na maliit." Pang-aasar ni kuya na ikinatawa ni Jack Jendrick.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon