Enjoy reading!
Sa buong isang linggo na bakasyon pagkatapos nang midterm exam namin ay ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga libro. Marami din iyon dahil naipon noong may pasok pa ako.
"Anak, gusto mo bang sumama sa amin ng papa mo bukas?" Biglang tanong ni mama habang kumakain kami ng hapunan.
"Saan kayo pupunta, ma? Hindi mo ba ako aayain?" Tanong din ni Kuya Edward na ikinatawa ko. Hindi ko kasi maintindihan ang mukha niya kung naiinis ba siya dahil hindi siya tinanong ni mama kung gusto niya sumama.
"Sigurado naman kasi kami ng papa mo na hindi ka sasama sa amin kaya ang kapatid mo na lang ang tinanong ko. Pupunta kami sa Baguio. Sasama ba kayo?" Tanong ni mama at mabilis akong tumango. Minsan lang kami lumabas kasama si mama at papa kaya hindi ko ito palalagpasin.
"Syempre sasama rin ako. Pero puwede ba natin isama rin si Jack, ma?" Tanong ni Kuya Edward kaya napatingin ako sa kaniya.
"Iyon ba 'yong minsan pumupunta rito sa bahay?" Tanong ni papa.
"Opo." Sagot ni Kuya Edward.
"Sige, kung gusto niya rin. Mas marami mas masaya." Nakangiting turan ni mama.
"Ikaw, Ki? Wala ka bang isasama na kaibigan?" Tanong ni mama. Sigurado akong hindi rin naman sila papayagan ng mga magulang nila dahil malayo iyon. At mukhang balak pa nilang mag overnight doon kaya hindi talaga papayagan ang dalawang iyon.
Umiling ako. "Wala po."
Pagkatapos naming kumain ay si mama na rin ang nag presinta na maghugas ng mga pinagkainan namin na ikinangiti ko.
Pagkatapos kong maghugas ng katawan ay pumasok na ako sa aking kuwarto at kinuha ang selpon sa maliit kong lamesa na sa tabi ng aking kama at humiga.
Agad kong pinindot ang Facebook app at pinindot ang friend request dahil may notification doon. Nakita ko ang pangalan ni Jack Jendrick Guerrero doon ilang minuto lang ang nakararaan noong nag send siya ng friend request sa akin. At dahil kilala ko naman na siya at kaibigan siya ng kuya ko ay pinindot ko ang 'confirm'.
Pagkaraan ay inaliw ko ang aking sarili sa pag-scroll up and down sa Facebook. Hindi nagtagal ay binalik ko muli iyon sa aking bed side table at kinuha ang libro na binabasa ko. Nangangalahati na ako sa binabasa ko at mahirap magbasa tuwing hating gabi kapag kinikilig na sa kuwento.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni mama. Pikit-mata akong bumangon at binuksan ang pinto ng kuwarto ko.
"Mag-ayos ka na, Ki. Aalis tayo ng 7 a.m." Sabi niya na ikinatango ko. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago inayos ang medyo magulo kong buhok.
Pagkaraan ay naglakad ako patungo sa kabinet kung saan naroon ang mga damit ko. Hindi naman nila sinabi na maaga kami aalis. Kulang na kulang ang tulog ko.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakasalubong ko pa si Kuya Edward na may kausap sa selpon. Hindi ko na siya pinansin at diretso akong naglakad patungo sa banyo.
Ilang minuto rin akong nagtagal sa banyo at doon na rin ako nagsuot ng damit na susuotin ko.
Paglabas ko ng banyo ay naroon na si mama at papa sa sala at mukhang kami na lang ni Kuya Edward ang hinihintay kaya patakbo na akong umakyat ng hagdan at mabilis na pumasok sa kuwarto ko. Hindi pa rin ako nakaayos ng mga damit na dadalhin ko dahil hindi ko alam na maaga kaming aalis.
Mabilis kong kinuha sa kabinet ang isang bag at kumuha ako ng tatlong pares na mga damit at pajama at mga pang loob na damit.
Mabilis ko ring sinuklay ang buhok ko at tiningnan ang sarili sa malaking salamin. At nang makita kong maayos na ay agad kong isinukbit ang bag ko at lalabas na sana ng kuwarto nang makita ko ang libro na binabasa ki kagabi. Mabilis kong kinuha iyon at lumabas na ng kuwarto ko at bumaba sa sala. Naroon na rin si Kuya Edward at nakatingin silang tatlo sa akin.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...