Kabanata 19

388 13 6
                                    



Enjoy reading!

Kinabukasan, ay tanghali na ako gumising. Madaling araw na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil sa pag iyak. Hindi ko akalain na ganito kasakit ang magmahal.

Bumangon ako at agad na inayos ang aking higaan. Pagkaraan ay napatingin ako sa malaking salamin sa aking kuwarto at napatingin ako sa aking mata na maga sa kaiiyak ko kagabi. Hindi ko alam kung paano ako haharap mamaya sa kila Mama at Papa na maga ang mga mata.

"Ki?" Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto nang marinig ko ang boses ni Kuya Edward. Pagkaraan ay bumukas iyon at pumasok siya.

"Why?" Tanong ko.

"Hindi ka pa kumakain ng umagahan. Sabay na tayong kumain." Pag-aaya niya. Tumango lang ako at agad nang naglakad palabas ng kuwarto habang nakasunod siya.

"Maga ang mga mata mo. Huwag kang haharap kila Mama mamaya na ganiyan pa rin ang mata mo." Sabi niya habang pababa kami ng hagdan. Hindi ko rin alam kung paano ko ba tatakpan 'tong pamamaga ng mga mata ko mamaya pag-uwi nila Mama at Papa.

Sabay kaming kumain ni Kuya at panay rin ang pagkukuwento niya. Ngayon lang siya naging madaldal sa akin at nakakapanibago 'yon. Madalas kasi ay sinusungitan niya ako.

"Ang alam ko ay may sale ngayon ang book store. Gusto mo bang bumili ng libro? Sasamahan kita." Sabi pa niya. Hindi ko pa natatapos basahin ang mga binili kong libro noong isang araw kaya wala pa akong balak na bumili ng panibagong libro.

"Hindi ko pa tapos basahin ang mga libro ko." Turan ko. Sandali siyang nananahimik.

"Laro na lang tayo ng online games," sabi niya ulit. Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi niyang 'yon. Napalaro lang naman ako ng Mobile Legend dahil kay Jack Jendrick. May mga gabi na nagpupuyat ako sa paglalaro ng online game na 'yon para lang matuto kung paano laruin. Ayokong maglaro na no'n dahil maaalala ko lang siya.

Agad akong umiling. "Ayoko."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya Edward.

"Kapag kailangan mo ng kausap nasa kabilang kuwarto lang ako. Don't worry, hindi ko sasabihin kila Mama at Papa ang nangyari." Sabi pa niya. Tumango lang ako. Kahit papaano ay ang suwerte ko rin dahil meron akong kuya.

Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang nag presenta na maghugas. Habang si Kuya Edward ay pumunta sa sala habang abala sa kaniyang selpon.

Hindi rin naman marami ang hugasin sa lababo kaya mabilis rin akong natapos. Pagkaraan ay umupo rin ako sa sofa at nanuod ng tv. Ayokong magkulong sa kuwarto at baka umiyak lang ako nang umiyak buong araw at madagdagan pa 'tong pamamaga ng mga mata ko.

Kahit papaano ay gumagaan naman ang pakiramdam ko ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga narinig ko kagabi.

Tahimik kaming dalawa ni Kuya Edward sa sala habang nakaupo at may kaniya kaniyang mundo ngunit biglang tumunog ang selpon niya hudyat na may tumatawag sa kaniyang messenger. Huminto siya sa paglalaro at napatingin sa akin at pagkaraan ay sa kaniyang selpon.

"Hello." Pagsagot niya.

"Free ka ba bukas? Samahan mo ako." Rinig ko ang boses ni Jack Jendrick mula sa kabilang linya. Naka video call silang dalawa kaya rinig ko ang pag-uusap nila.

"Hindi e. May gagawin ako bukas." Sagot ni Kuya Edward. Napakunot-noo naman ako dahil nakahiga lang naman siya palagi sa kuwarto niya at naglalaro.

"Sayang. Pupunta ako sa resort namin sa Batangas kasama mga kaklase natin. Nag-aya kasi si Chelzey at doon nila gusto." Napatingin muli si Kuya Edward sa akin. Nanatili akong kalmado ngunit nasasaktan ako sa tuwing binanggit niya ang pangalan ni Chelzey.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon