Enjoy reading!
Sa mga nakalipas na mga araw ay naging abala kami ni Mama sa pag-aayos nang nalalapit kong eighteenth birthday.
Una naming pinuntahan ni Mama ay ang nagre-renta ng mga gown. Halos lahat ay magaganda ngunit merong isang gown ang nakaagaw ng aking pansin.
"Pumili ka na ng gusto mong gown. Ako na ang bahala sa gastos." Pabulong na sabi ni Mama na ikinangiti ko. Agad kong nilapitan ang isang gown na parang galaxy ang disenyo. Hindi ko alam ngunit ang ganda niya tingnan.
"Iyan ba ang gusto mo?" Tanong ni Mama na ikinatango ko.
"Excuse me. Ito ang napili namin." Wika ni Mama sa nagbabantay. Agad namang lumapit sa amin ang isang babae at sinamahan ako sa kanilang fitting room upang sukatin iyong gown na napili ko.
Nang matapos kong suotin ay agad kong tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Lihim akong napangiti dahil ang ganda tingna ng gown.
"Tara na po sa labas para makita ng Mama mo." Pag-aaya sa akin ng babae at inalalayan akong maglakad palabas ng fitting room. Agad niyang binuksan ang pinto at tumingin sa amin si Mama.
"Ang ganda mo, anak." Nakangiting sabi ni Mama na ikinangiti ko rin.
"Okay na po ba 'yan, Ma'am?" Magalang na tanong ng babae kay Mama.
"Oo. Iyan na ang kukunin namin." Sagot ni Mama.
Pagkatapos kong magsukat ng gown ay agad na rin kaming umuwi.
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na dalaga ka na, Ki. Ang bunso ko ay legal age na." Biglang sabi ni Mama habang nagmamaneho kami pauwi.
"Ma, ako pa rin 'yong Kiera na bunso mo kahit anong mangyari." Nakangiti kong sabi.
"Alam ko balang araw hihiwalay ka rin sa amin ng papa mo at hindi ka na namin mapipigilan dahil may sarili ka ng desisyon." Malungkot niyang sabi.
"Ma, matagal pa po iyon. Hanggat nandyan kayo ay hindi ako aalis sa tabi niyo. Ako pa rin ang baby girl niyo ni papa." Turan ko na ikinangiti niya.
"Pero may nagugustuhan ka na ba, nak?" Nakangiti niyang tanong. Humarap ako sa kaniya.
"Kapag po ba sinabi kong meron ay magagalit po ba kayo ni papa?" Tanong ko.
"Bakit naman kami magagalit sa 'yo? Normal lang magkaroon ng crush. Basta alam mo ang limitasyon mo pagdating sa pag-ibig ay okay lang sa amin ng papa mo. Bata ka pa, Ki, huwag ka munang mag seryoso sa pag-ibig. Naiintindihan mo ba?" Wika niya na ikinatango ko.
"Opo, ma. Promise ko po sa inyo magtatapos po muna ako ng pag-aaral." Turan ko.
"That's my Kiera. By the way, who's the unlucky guy?" Natatawa niyang tanong kaya sumimangot ako.
"Ma, naman." Sabi ko at ngumuso.
"Nagbibiro lang, nak." Nakangiting sabi ni Mama.
Ilang minuto rin kaming bumiyahe bago nakarating ng bahay. At pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Jack Jendrick ang bumungad sa akin habang abala sa kaniyang selpon at katabi si Kuya Edward.
Napatingin silang dalawa sa amin nang pumasok kami ni Mama.
"Magandang hapon po, Tita." Magalang niyang bati kay Mama.
"Magandang hapon. Nag meryenda na ba kayo?" Tanong ni Mama.
"Hindi pa, Ma." Sagot ni Kuya Edward.
"Maiwan ko muna kayo. Gagawa lang ako ng meryenda natin." Paalam ni Mama kaya naiwan ako sa kanilang dalawa.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni Kuya Edward. Sinilip ko ang nilalaro nila at lihim akong napangiti dahil Mobile Legend iyon.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Fiksi RemajaWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...