Enjoy reading!
Madilim na nang dumating si Kuya Edward sa bahay nina Jack Jendrick. Inaya na rin kami ng mga magulang niya na dito na rin kumain ng hapunan ngunit tumanggi si Kuya Edward at nakakahiya raw.
"Alis na po kami, tita, tito." Magalang na paalam ni Kuya Edward sa mga magulang ni Jack Jendrick.
"Sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi. Edward, minsan ay isama mo rin dito ang kapatid mo sa bahay kapag bibisita ka." Bilin ng mama ni Jack Jendrick na ikinangiti ko.
"Sige po, tita. Hindi po ba naging pasaway 'to sa inyo kanina?" Pagtatanong ni kuya kaya sinulyapan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Hindi naman. Alam mo naman na matagal ko ng gustong magkaroon ng babaeng anak at natutuwa ako sa kapatid mo." Nakangiting sabi ng mama ni Jack Jendrick.
"Sige po. Salamat po ulit." Sagot ni Kuya Edward at hinawakan ako sa ulo upang sabay kaming naglakad. Kumaway pa akong sa mag-asawa bago kami lumabas ng bahay.
Habang naglalakad kami patungo sa gate ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.
"Kumusta practice?" Napalingon ako sa dahil biglang nagsalita si Jack Jendrick. Hindi ko alam na sumunod pala siya sa amin.
"Okay na. Ready na bukas para bumagsak." Natatawang turan ni kuya na ikinatawa rin ng kaibigan niya.
Nauna akong lumabas ng gate at sumunod naman silang dalawa.
"Good luck bukas." Sabi ni Jack Jendrick na ikinatango lang ni kuya. Agad naman siyang tumingin sa akin.
"Bye, Ki." Paalam niya at ngumiti.
"Bye." Paalam ko at ngumiti. Pagkaraan ay pumasok na ako sa front seat at pumasok na rin sa driver's seat si kuya.
"May practice ka ulit bukas?" Tanong ko habang bumibiyahe kami pauwi.
"Wala na. Bukas na ang reporting namin. Bakit?" Tanong niya habang nakatingin sa daan.
"W-wala lang. Nagtanong lang." Walang gana kong sagot at tumingin sa bintana ng kotse. Sayang, si Jack Jendrick sana ulit ang susundo sa akin bukas!
Pagdating namin sa bahay ay naroon na sina mama at papa. Nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Akmang kukuha ako ng isang pirasong manok nang hinampas ni Kuya Edward ang kamay ko.
"Magbihis ka muna. Akala mo naman isang linggong hindi kumain." Saway niya sa akin.
"Edward." Saway ni mama sa kaniya na ikinangiti ko. Agad akong umalis ng kusina at umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto ko.
Inilapag ko ang aking bag sa kama at mabilis na nagpalit ng damit at nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina upang kumain.
—
Kinabukasan, pagpasok ko sa loob ng classroom ay nakatingin na agad sa akin si Jasmin at Mojica. Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa tabi nila. Nagtaas ako ng kilay habang tinitingnan sila."Hindi ba kaibigan iyon ng kuya mo?" Tanong ni Jasmin. Noong una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngunit agad kong naalala si Jack Jendrick na sumundo sa akin kahapon.
"S-si Jendrick iyon. Oo, kaibigan ni kuya." Turan ko. Agad namag naningkit ang mga mata niya.
"E bakit ka sinundo kahapon?" Tanong niya. Kapag talaga sila ang kasama ko ay kailangan kong magpaliwanag dahil binibigyan nila ng issue.
"May pinuntahang practice kasi si kuya kahapon kaya nakisuyo siya kay Jendrick na sunduin ako." Paliwanag ko at mukhang naniniwala naman sila sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...