Enjoy reading!
"Ki, pwede ba tayo mag-usap?" Napatingin ako kay Kuya Edward nang magsalita siya sa tabi ko.
Bumisita sila sa bahay at dahil wala rin namang mga trabaho dahil linggo kaya napagpasyahan nilang dito na lang pumunta sa bahay.
Abala sina Mama at Caila sa pagluluto sa kusina habang kalaro naman ni Papa si Baste kaya dalawa na lang kami ni Kuya Edward ang nakaupo sa sala.
Sa tuwing seryoso ang boses ni Kuya Edward ay talagang kinakabahan ako.
"Pwede naman. Bakit?" Tanong ko.
"Kinausap ako ni Jack kagabi. Nagpaalam siya sa akin." Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"A-anong sinabi niya sa 'yo?" Kinakabahan kong tanong.
"Nagpaalam daw siya sa 'yo na ligawan ka niya noong birthday niya sa Batangas?" Tanong niya.
Ibig sabihin ay sinabi na ni Jack Jendrick kay Kuya ang plano niyang manligaw sa akin.
"Yes. Pero hindi ko pa siya pinayagan." Sagot ko na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Why, Ki? Hindi ba iyon naman talaga ang gusto mo mangyari? You like him, right?" Tanong niya na para bang nagtataka kung bakit hindi ko pa pinapayagan ang kaibigan niya na manligaw sa akin.
May balak naman talaga sana akong sagutin ang panliligaw ni Jack Jendrick ngunit iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Chelzey noong nakaraan sa akin. Iyong pagmamakaawa niya na ipaubaya na lang si Jack Jendrick sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit naaawa pa rin ako sa kaniya kahit nasasaktan din ako sa isiping ipapaubaya ko si Jack Jendrick.
"Nagkausap kami ni Chelzey noong pumunta kayo sa Batangas noong birthday ni Jendrick." Pagsisimula ko.
"Nagmakaawa siya sa akin na ipaubaya ko na lang si Jendrick sa kaniya." Pag dugtong ko sa sasabihin ko.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Tapos susundin mo siya, ganoon ba?"
Hindi ako sumagot at sa halip ay umiwas ako nang tingin.
"Paano ka? Iiyak ka ulit tulad ng dati? Habang nakikita silang masaya na magkasama, ganoon ba, Ki?" Kahit mahina ang boses niya ay halata ang galit doon.
"Hindi ko kayang maging masaya habang may nasasaktan akong tao, Kuya." Turan ko.
"Ki naman. Kahit ngayon man lang ay piliin mo naman 'yong sarili mo. Dahil bilang isang kuya mo ay hindi ko rin kayang makita kang nasasaktan tulad ng dati. Kung hindi ko lang pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin ni Jack noon ay baka matagal na kaming magkaaway." Wika niya.
Lihim akong napangiti dahil kahit papaano talaga ay napaka suwerte ko sa Kuya ko.
"Pero paano si Chelzey, Kuya? Nagmakaawa siya sa akin at hindi ko alam ang gagawin ko," turan ko.
"Mahal mo ba si Jack?" Tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.
Sobrang mahal. Iyong tipong kahit ilang beses niya akong saktan nang hindi niya naman alam ay patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Dahil hindi ko alam kung paano ba ako makakaalis sa pag-ibig kong ito sa kaniya.
Sa halip na magsalita ay tanging tango lamang ang ginawa ko.
"Hindi ko alam kung bakit inuuna mo iyong iba kaysa sarili mo, Kiera. Kaya ka nasasaktan. Hindi ka liligawan ni Jack kung may gusto siya kay Chelzey. Pero na sa 'yo pa rin ang desisyon." Seryoso niya pa ring sabi.
"Ang seryoso yata ng pag-uusap niyo?" Napatingin ako kay Caila nang dumating siya at umupo sa tabi ni Kuya Edward.
"Pinagsasabihan ko lang si Ki." Mahinang sabi ni Kuya sapat lang upang marinig naming tatlo.
Napatingin naman si Caila sa akin habang nakangiti sabay hawak sa braso ni Kuya.
"Hayaan mo na si Ki. Kung ano man ang sinabi mo sa kaniya ay pag-iisipan pa niya 'yan. Alam kong matalino siyang tao at magaling siyang mag desisyon para sa sarili niya. Hindi ba, Ki?" Nakangiti niyang tanong.
Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. Nakita ko ang pag kindat niya sa akin kaya mas lalong lunapad ang pagkakangiti ko.
"Oo na, talo na naman ako sa inyong dalawa. Basta, Ki pag-isipan mo muna nang ilang beses bago ka mag desisyon." Turan ni Kuya.
"Yes, Kuya." Sagot ko.
Ilang oras din kaming tatlo na nagkuwentuhan at inabot na sila nang gabi sa bahay kaya rito na lang din sila naghapunan. Kahit papaano ay natutuwa ako dahil kahit may sarili ng pamilya si Kuya Edward ay naiisip pa rin nilang bumisita sa bahay upang maramdaman ni Mama at Papa na buo pa rin kami at ang masaya pa ay may nadagdag pa sa maliit naming pamilya.
"Kumusta naman ang trabaho mo, Edward?" Tanong ni Papa habang kumakain kami.
"Okay naman, Pa. Sa awa ng Diyos ay marami akong client." Sagot ni Kuya.
Abala naman si Caila sa pagpapakain kay Baste na panay ang inom ng soft drink.
"Ikaw, Ki? May nahanap ka na bang trabaho na papasukan mo? O gusto mo pa muna magpahinga?" Tanong ni Papa sa akin kaya napahinto ako sa pagkain.
Okay na rin naman kahit saglit lang akong nagpahinga. Kahit papaano ay na-enjoy ko rin naman ang bawat araw. At wala rin akong balak na magpahinga nang matagal.
"Maghahanap pa lang po ako ng trabaho pa. Marami rin namang mga naglalakihang kompanya rito sa atin." Turan ko.
"Ayaw mo bang mag-apply sa business natin? Sa 'yo rin namin ipapamana iyon, Ki." Wika ni Mama.
"Yes, Ki. Mukhang walang balak na tanggapin ng Kuya Edward mo ang pag manage ng mga grocery store natin kaya napag-usapan namin ng Mama mo na sa 'yo na lang dahil related din naman sa kurso mo." Paliwanag ni Papa.
Napatingin ako kay Kuya Edward at nakita ko ang pagtango niya.
Tumatanda na rin sina Mama at Papa at wala na rin naman silang pagpapasahan ng negosyo na iyon kung hindi ako dahil ako ang bunso. Totoo rin naman na ang layo ng kurso ni Kuya kung siya ang magma-manage ng negosyo namin.
"Puwede rin naman po." Sagot ko.
"Totoo ba, anak? Ang akala ko ay tatanggihan mo kami," wika ni Mama at halata sa mukha niya ang pagkatuwa.
Ngumiti ako sa kaniya. "Opo, Ma. Hahanap pa po ba ako ng ibang trabaho kung makakatulong naman po ako sa inyo,"
Nakita ko ang pagngiti ni Papa sa akin. Makita ko lang na masaya sina Mama at Papa ay sapat na iyon.
Pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay tuloy-tuloy na rin ang pagkain namin. Hindi na rin nagtagal sina Kuya dahil gabi na rin at inaantok na rin si Baste. Kaya nang matapos ang pagkain namin ay agad na rin silang nagpaalam.
"Bye, Ma, pa." Paalam nila.
"Bye, Ki. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko sa 'yo kanina." Wika ni Kuya Edward bago siya tuluyang pumasok sa driver's seat. Tumango lang ako bilang sagot.
"Mag-ingat kayo." Pahabol ni Mama bago tuluyang umalis ang kotse nina Kuya Edward.
"Thank you, anak." Biglang sabi ni Mama at niyakap ako.
"Wala po 'yon, Ma. Gusto ko rin po kayong tulungan." Turan ko.
"Gusto mo bang sumama bukas sa amin, Ki? Ipapakilala kita sa mga staff natin doon." Wika ni Papa at halata sa boses niya ang pagkatuwa.
"Sige po." Sagot ko.
Halatang excited silang dalawa na sumama ako bukas. Ilang beses lang ako nakapunta sa main store namin at hindi ko na alam kung ilang branches na ba meron ang meron ito ngayon.
Ngunit kinakabahan din ako dahil wala pa akong karanasan pagdating sa pagnenegosyo. At hindi ko alam kung kakayanin ko ba.
••••
Thank you for reading!
Miss_Terious02
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Roman pour AdolescentsWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...