Enjoy reading!
Pagkatapos nang tanghalian namin ay nag presinta si Mama at si Caila na magligpit ng mga pinagkainan namin. Hawak ko naman sa kamay si Baste at sabay kaming lumabas ng kusina. Bibo siyang bata at madaldal. May hawak siya laruan at kinakausap niya ako ngunit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya kaya tango na lang ang ginagawa ko.
"Tata, milk." Sabi niya habang nakaupo kami sa sofa sa may sala. Katatapos lang namin kumain ngunit gutom na naman siya.
Hindi ko rin alam kung nasaan ba ang gatas niya at ang lagayan.
"Stay here, okay?" Sabi ko. Tumango naman siya na para bang naiintindihan ako kaya mabilis akong umalis sa tabi niya at pumunta sa kusina upang tanungin si Caila tungkol sa gatas.
"Caila, humihingi ng gatas si Baste." Wika ko. Huminto naman siya sa paghuhugas ng mga pinggan. Napahinto rin si Mama sa pagpunas ng mesa.
"Naroon sa kulay blue na bag, Ki. Apat na sandok lang tapos lagpas kalahati lang na tubig sa bote. " Turan niya. Ang akala ko ay siya ang magtitimpla. Paano kung matabang iyong gagawin ko?
Wala akong naggawa kung hindi ang bumalik sa sala ngunit nagulat pa ako nang makita ko si Jack Jendrick na kalaro na si Baste sa sofa. Babalik pa sana ako sa kusina ngunit huli na dahil nakita niya na ako.
Diretso ang lakad ko patungo sa kulay blue na bag sa maliit na lamesa. Hinanap ko roon ang lagayan ng gatas. Meron namang pang sandok sa loob at nagsandok ako roon ng apat at pagkaraan ay nilagyan ng tubig na lagpas kalahati.
"Need help?" Napatingin ako kay Jack Jendrick.
"H-hindi na. Kaya ko." Sagot ko. Ngunit kinakabahan ako sa kalalabasan ng tinimpla kong gatas. Baka hindi inumin ni Baste dahil matabang.
"Ako na." Nagulat pa ako nang inagaw sa akin ni Jack Jendrick ang bote at siya ang naglagay ng tubig doon. Siya na rin ang nag-ayos at ng mga gamit sa loob ng bag ni Caila.
Pagkaraan ay siya na rin ang nagbigay ng bote na may lamang gatas kay Baste. Bakit parang may alam na siya sa mga ganitong bagay? May anak na ba siya? Naging sila ba ni Chelzey? May anak na kaya sila? Ang dami kong tanong na siya lang din ang makakasagot. Ngunit hindi ko rin kayang itanong sa kaniya ang mga 'yon.
Hindi ko kayang manatili rito sa sala kasama siya. Kaya umakyat ako ng hagdan at pumasok sa kuwarto ko. Naroon na rin ang mga gamit ko na ipinagtataka ko kung sino ang naglagay ng mga ito rito?
Ngunit ganoon pa rin ang ayos ng kuwarto ko. Malinis rin ang paligid ng kuwarto at halatang nililinisan.
"Ki?" Napatingin ako sa pinto nang pumasok doon si Kuya Edward.
"Kuya."
"Kumusta? Bakit parang hindi ka pa rin tumangkad?" Pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hanggang ngayon ang sama mo pa rin. Hindi ko alam kung paano ka nagustuhan ni Caila." Turan ko na ikinatawa niya.
"Biro lang. I just want to congratulate you, Ki. Hindi ako makapaniwala na kinaya mong lumayo and I'm so proud of you." Sabi niya at ngumiti.
"Thank you, Kuya. Thank you sa lahat." Sagot ko at niyakap siya.
"You're always welcome, Ki. Nandito lang palagi si Kuya." Sagot niya. Pagkaraan ay humiwalay din ako ng yakap.
"Nag-usap na ba kayo ni Jack?" Tanong niya.
"May dapat ba kaming pag-usapan? At saka bakit siya ang sumundo sa akin kanina?" Tanong ko.
"Hindi pa tapos ang pagluluto ko kanina at umiiyak pa si Baste kaya pinatulog ni Caila. At walang katulong sina Mama sa pag-aayos. Mabuti na lang nandito si Jack kaya siya na ang nag presinta na sumundo sa 'yo." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...