Enjoy reading!
Dumaan ang ilang buwan at kahit papaano ay natapos rin namin ang grade eleven na magakasama pa rin kaming tatlo nina Jasmin at Mojica. At kahit papaano ay nakakaya naman namin ang pagiging grade twelve.
Plano rin naming tatlo na sa iisang university lang din kami papasok. At napag desisyunan namin na doon din kami papasok sa university kung saan pumapasok si Kuya Edward at Jack Jendrick. Hindi rin naman ako papayagan ni Kuya Edward na sa ibang university papasok.
Ilang buwan na lang ay graduate na ako ng senior high school. Hindi ko alam ngunit excited na akong mag college upang palagi ko ng makikita si Jack Jendrick sa school. Iisang university na lang kami kapag nangyari iyon. Lihim akong natuwa sa mga naiisip ko. Gusto ko ay palagi kaming magkasabay na uuwi.
Dahil graduating ay maraming pinapagawa sa amin at dahil malapit na rin ang exam. Minsan ko na lang din nakikita si Jack Jendrick. Bihira na lang din siya pumupunta sa bahay dahil na rin sa pagbabawal ni Kuya Edward.
Dala ang dalawang libro ay lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kuwarto ni Kuya Edward. Naabutan ko siyang abala sa paglalaro sa selpon kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko. Lumapit ako sa kaniya at doon lang niya ako napansin. Tumingin siya saglit sa akin bago bumalik sa nilalaro niyang online games.
"What is it, Ki?" Tanong niya habang nakatutok pa rin sa kaniyang selpon.
"Ipabibigay ko lang sana kay Jendrick." Mahina kong sabi at pinakita sa kaniya ang hawak kong libro kahit hindi siya nakatingin. Matagal bago siya sumagot at nang matapos ang nilalaro niya agad siyang tumingin sa akin at sunod ay sa hawak kong libro.
"Hindi ba pinagbawalan na kita kay Jack?" Turan niya.
"Kaya nga sa 'yo ko iaabot 'tong libro. Hindi ko rin naman babasahin ang mga 'to dahil nakakatakot." Turan ko.
"Last na 'to, Kiera. Masasaktan ka lang kay Jack." Wika niya at inabot ang hawak kong libro.
"Thank you, Kuya." Turan ko at ngumiti sa kaniya ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.
"Malapit na ang graduation mo. May napili ka na bang university na papasukan?" Tanong niya.
"Oo, meron na." Sagot ko.
"Saan?" Tanong niya.
"Sa university kung saan ka nag-aaral." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"No. Hindi kita tutulungan na makapasok doon. Sa ibang university ka na lang." Mabilis niyang sabi.
"Pero gusto ko roon. Kung hindi mo ako tutulungan e 'di tulungan ko ang sarili ko na makapasok doon." Wika ko.
"Kiera, nandon si Jack tapos doon ka rin?" Saway niya.
"E ano naman? Sabi niyo nga doon na lang din ako para mabantayan niyo ko 'di ba? Bakit biglang nagbago?" Masungit kong sabi.
"Dati 'yon noong hindi ko pa alam na may gusto ka kay Jack. Bakit ba ang tigas ng ulo mo." Sabi niya na para bang suko na sa katigasan ng ulo ko.
"Bahala ka. Basta doon ako papasok ng college." Sagot ko bago lisanin ang kuwarto niya.
Lumipas pa muli ang mga buwan at mas lalo akong naging abala sa nalalapit kong graduation. Sa wakas ay makakapagtapos na rin ako ng high school.
"Congrats, anak!" Masayang bati ni Mama nang matapos ang graduation program.
"Thank you, Ma." Nakangiti kong sabi at niyakap siya.
"Congrats, Ki." Bati rin ni Kuya at may regalo pang binigay at agad kong inabot iyon.
"Thanks, Kuya. Nag abala ka pa ng regalo." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
JugendliteraturWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...