Enjoy reading!
Hindi rin naman ako nakatulog sa kuwarto nang iwanan ako kanina ni Jack Jendrick. Halos tiningnan ko lang ang mga gamit na naroon sa kuwarto.
Nang magsawa ay napagpasiyahan kong lumabas at bumaba ng sala. At nadatnan ko roon si Jack Jendrick na abala sa pagbubukas ng kaniyang cake mula sa karton.
Nang tuluyan na akong makababa ng hagdan ay agad akong lumapit sa kaniya upang tulungan siyang ilapag ang cake sa mesa.
"Hindi ka natulog?" Tanong niya nang tulungan ko siya.
"Hindi." Sagot ko.
"Edward called me. Hindi sila makakapunta rito dahil dinala pa nila sa doctor si Baste." Wika niya. Inaasahan ko naman na hindi talaga sila makakapunta ngayon. Ngunit ang problema ko ay dalawa lang kami rito at wala pa naman akong kwenta kausap. Hindi ako madaldal na tao kaya sigurado akong isang tanong, isang sagot lang ako.
"O-okay lang. Naiintindihan ko naman." Tanging sagot ko. Ilang segundo rin niya akong tiningnan bago siya nagsalita.
"Let's eat?" Tanong niya. Agad akong tumango at ngumiti sa kaniya.
Ngunit ang ipinagtataka ko ay parang hindi naman pang birthday party ang ayos ng mesa niya. Medyo madilim ang sala at mayroon pang maliit na lamp ang nasa gitna ng mesa.
"For you." Napatingin ako sa hawak niyang isang bouquet ng mapupulang bulaklak.
"H-hindi ba dapat ay ako ang magbigay sa 'yo nito dahil birthday mo?" Nahihiya kong sabi at hindi pa rin tinatanggap ang bulaklak na hawak niya.
"I want to give you a flowers, Ki." Tanging sagot niya kaya agad kong kinuha mula sa kaniya iyon.
"Salamat." Sagot ko at inamoy pa iyon.
"You're always welcome, Ki." Turan niya at pinaghila pa ako ng upuan kaya mas lalo akong nahiya. Ngumiti lang ako sa kaniya ay agad ng umupo habang hawak pa rin ang bulaklak.
At mas lalo pa akong nagulat sa kilos niya nang nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit siya ganito?
"Let me put this first beside you." Sabi niya at kinuha sa akin ang bigay niyang bulaklak. Inilagay niya iyon sa sofa na nasa tabi ko lang at pagkaraan ay umupo na rin siya sa kaharap kong upuan.
"J-jendrick, para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko na kinaya pa dahil kanina pa talaga ako naguguluhan sa mga kilos niya.
Napahinto siya sa pagkuha ng pagkain at tumingin sa akin.
"I will tell you later, Ki. Eat first." Sagot niya at nagpatuloy na muli sa pagkuha ng pagkain.
Kahit naguguluhan ay sinunod ko ang sinabi niya. Ngunit habang kumakain ako ay kung ano-ano na ang mga naiisip ko. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin. Aamin ba siya? Ano naman ang aaminin niya sa akin? Na gusto niya ako? Liligawan niya na ba ako? Dream come true na ba ito? Kung totoo man itong mga naiisip ko ay sana man lang nagbihis ako nang maayos. Hindi iyong mukha akong dugyot.
Minsan ay tinatanong niya ako kung masarap ba iyong mga inihanda niyang pagkain. Lahat naman masarap dahil lahat naman iyon ay mga paborito ko. Kahit iyong dessert ay mga paborito ko rin. At syempre hindi mawawala ang chocolate ice cream.
Kaya nang matapos akong kumain ay halos hindi na ako makatayo sa sobrang kabusugan. Halos lahat ng pagkain yata ay ipinatikim niya sa akin kaya halo-halo na ang laman ng tiyan ko.
"Thank you sa pagkain." Wika ko nang matapos na kaminh kumain.
"I'm happy that you enjoyed all the foods." Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...