Kabanata 1

1.4K 18 4
                                    

Enjoy reading!

"Mauna na ako sa inyo." Paalam ko at agad na inayos ang mga gamit ko at inilagay iyon sa aking bag. Katatapos lang namin gumawa ng group project at pagabi na rin.

Isa akong grade 11 student at hindi madali maging estudyante lalo na kung iyong professor ay malala kung magbigay ng mga gawain.

"Ang aga pa, Ki. Kumain ka muna ng tinapay at uminom ng juice." Gulat na sabi ni Jasmin.

"Sa susunod na lang. Nasa labas na kasi ng gate niyo si Kuya Edward at sinusundo na ako. Baka pagalitan pa ako ni mama at papa." Turan ko at isinukbit ang aking bag.

"Sige, ingat kayo. Mamaya pa ako uuwi." Sagot naman ni Mojica habang kumakain ng tinapay.

"Bye, girls." Paalam ko ulit at agad na tumayo at naglakad na palabas ng bahay ni Jasmin. At dahil hindi naman ganoon kataas ang gate nila Jasmin ay agad kong natanaw ang kotse ni Kuya Edward na nakahinto mismo sa tapat.

Nakangiti akong lumabas ng gate at agad ding sinarado iyon at pagkaraan ay binuksan ang pinto ng front seat at bumungad sa akin ang naka busangot na mukha ni Kuya Edward.

"Hindi ba bawal kang mag pagabi?" Sermon niya nang makasakay na ako sa kaniyang kotse. Ngumuso lang ako. 

"Hindi pa naman gabi. Tingnan mo ang ganda pa nga ng sunset." Turan ko at tinuro ang papalubog ng araw. Tiningnan niya ako saglit bago muling tumingin sa daan. Umiling lang siya at hindi na muli pang nagsalita na ikinangiti ko. Sa aming dalawa ay siya madalas ang pikon.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami ng bahay. Ngunit wala pa si mama at papa dahil sigurado akong mamayang gabi pa ang dating nilang dalawa. May-ari ng grocery store ang mga magulang ko at mayroon na silang iilang branches niyon.

"Magbihis ka na roon at tulungan mo akong magluto sa kusina." Utos ni Kuya Edward na ikinanguso ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ang tumulong sa pagluluto lalo na kapag siya ang kasama. Ang dami niyang inuutos palagi.

"Kuya, kaya mo na 'yan. Alam kong masarap kang magluto." Pang-uuto ko sa kaniya ngunit hindi tumalab.

"Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Kiera. Magbihis ka na roon at pumunta ka agad sa kusina. Kapag ikaw hindi sumunod ay susunduin kita sa kuwarto mo." Pagbabanta niya at agad na naglakad patungo sa kusina.

Padabog akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kuwarto ko. Dumiretso ako sa kabinet at naghanap ng puwedeng suotin.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa kuwarto at nang pumunta ako sa kusina ay seryosong mukha ni Kuya Edward ang nakita ko habang nakatingin sa akin.

"Maghugas ka na lang ng mga plato." Utos niya. Walang gana akong naglakad patungo sa lababo at lihim akong napangiti nang makita kong kaonti lang ang hugasin. Mas okay na 'to kaysa tulungan siyang magluto.

Ganito ang routine namin tuwing hapon. Kung walang hugasin ay

Mabilis kong hinugasan ang mga plato at sigurado naman akong malinis ang mga iyon. Patapos na rin si Kuya Edward sa kaniyang niluluto. At napatingin ako sa may sala nang makita ko roon si mama at papa na kararating lang kaya agad akong ngumiti.

"Mama! Papa!" Pasigaw kong tawag sa kanila at pati si Kuya Edward ay nagulat sa pagsigaw ko. Ngumiti ako sa kaniya ngunit sinamaan niya ako ng tingin.

Patakbo akong lumapit kay mama at yumakap.

"Nako, bakit parang ang lambing natin ngayon?" Nakangiting tanong ni mama.

"May hihingiin lang 'yan, ma." Singit ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon