Kabanata 6

442 7 0
                                    



Enjoy reading!

Pagsapit nang lunes ay himala na hindi nagreklamo si Kuya Edward sa akin. Lihim akong napangiti dahil mukhang maganda ang umaga niya ngayong araw kaya tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Anong ngiti 'yan?" Tanong niya nang makita niya akong nakatingin sa kaniya habang bumibiyahe kami papunta sa school.

"Kuya, umamin ka nga may girlfriend ka na ba?" Tanong ko na ikina-kunot ng noo niya at tumingin sa akin saglit at bumalik din sa daan.

"Umamin ka nga rin, Ki, nababaliw ka na ba?" Balik na tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako nababaliw. Himala kasi na wala kang dalaw at hindi ka masungit ngayon," wika ko.

"Kung ganitong palagi kang maaga gumising at hindi ako nale-late ay talagang magkakasundo tayo." Turan niya kaya ngumiti na lang ako.

Pagdating sa harap ng gate ng school ay agad na akong lumabas ng sasakyan at nagpaalam sa kaniya.

"Bye, kuya. Ingat." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Kumaway lang siya at agad na pinaandar ang kotse niya palayo.

Pagpasok ko sa loob ng school ay agad kong nakita si Lennox na nakatayo sa gilid at nang makita niya ako ay agad siyang lumapit.

"Good morning, Kiera." Bati niya.

"Good morning din, Lennox. Sinong hinihintay mo rito?" Tanong ko at lumingon sa likod ko at baka naroon ang hinihintay niya.

"Ikaw. Ang sabi kasi ng mga kaibigan mo ay wala ka pa raw kaya hinintay kita rito." Turan niya na ikinagulat ko.

"H-hindi mo na sana ako hinintay rito. Baka nagsisimula na ang klase niyo." Sagot ko at nagsimula na muli sa paglalakad at sumabay siya sa akin.

"Hindi pa naman nagsisimula." Turan niya.

Nakayuko ako habang naglalakad dahil may iilan na nakatingin sa amin. At nang nasa harap na kami ng classroom ko ay agad na rin akong nagpaalam sa kaniya.

"Sige, Lennox, pasok nako. Pasok ka na rin sa classroom niyo. Bye." Paalam ko at kumaway. Tumango lang siya at naglakad na rin.

Nang makalapit ako sa inuupuan nina Jasmin at Mojica ay kita ko agad ang mga pang-asar nilang ngiti habang nakatingin sa akin kaya tiningnan ko sila.

"Talagang hinintay ka sa gate, ano?" Pang-aasar ni Jasmin.

"Kanina ka pa hinahanap no'n e." Sabi naman ni Mojica at tinusok pa ang tagiliran ko gamit ang daliri niya.

"Tumigil nga kayo. Magkaibigan lang kami ni Lennox, okay? At hanggang doon lang iyon." Turan ko kaya nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha.

"Kung hindi mo gusto si Lennox, sino ang nagugustuhan mo?" Tanong ni Jasmin. Agad na pumasok sa isipan ko si Jack Jendrick. Naalala ko na naman noong sinamahan niya akong bumili ng libro. Isa iyon sa pinaka masayang nangyari sa akin dahil nakasama ko siya.

"Nakangiti, Jas. Hindi ka namin pauuwiin mamaya hanggat hindi mo sinasabi kung sino 'yan." Nakangiting sabi ni Mojica kaya nawala ang ngiti ko.

"Pero hindi na ako makapag hintay kaya ngayon mo na kaya sabihin, Ki," sabi ni Jasmin.

"Puwede rin." Agad na sabi rin ni Mojica. Tutal ay kaibigan ko rin naman sila at ayoko rin naman ilihim pa sa kanila 'to.

Umayos ako ng upo at agad naman silang dalawa na lumapit sa akin.

"Meron akong crush pero ayoko munang sabihin sa inyo kung sino." Sabi ko.

"Ang daya naman, Ki. Akala ko naman sasabihin mo na." Nakangusong sabi ni Jasmin na ikinatawa ko. Ngunit agad din kaming umayos nang biglang pumasok ang unang subject teacher namin ngayong umaga.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon