Kabanata 21

472 9 2
                                    



Enjoy reading!

"Congratulations, anak!" Nakangiting sabi ni Mama nang matapos na ang graduation program namin.

Magkasama sila ni Papa na umuwi ng Iloilo para pumunta sa graduation ko.

"Salamat, Ma." Nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"I'm so proud of you, anak." Sabi ni Papa at niyakap din ako.

"Salamat din po, Pa." Sagot ko.

"Sayang at wala rito ang Kuya Edward mo. Hayaan mo may regalo naman iyon sa 'yo pagbalik mo ng Cavite." Turan ni Mama.

Sinabi rin iyon ni Kuya Edward noong tumawag siya noong nakaraang araw. Meron siyang regalo sa akin ngunit hindi niya sinabi kung ano iyon. Kapalit daw iyon nang hindi niya pagpunta sa graduation ko.

"Doon na lang tayo mag celebrate ng graduation mo sa Cavite, Ki? Bukas kasi ay babalik kami agad ng papa mo." Wika ni Mama.

"Opo, Ma. May mga aasikasuhin pa kasi ako rito." Turan ko. Tumango lang sila.

"Ki, congratulations!" Nakangiting bati ni Gichel at Kate nang lumapit sila.

"Thank you. Congratulations sa atin!" Masaya kong sabi at niyakap sila.

"Mamimiss ka namin, Ki." Sabi ni Kate at nawala ang ngiti sa labi.

"Bisitahin niyo na lang ako sa Cavite." Sagot ko at tumawa.

"Talagang pupuntahan ka namin doon." Sagot ni Gichel na ikinatawa namin.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ay agad na rin kaming nagpaalam dahil pupunta pa si Mama sa grocery store niya sa kabilang barangay.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong umalis ako ng Cavite at sa susunod na mga araw ay babalik na muli ako roon. Kahit papaano ay namiss ko rin umuwi roon.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-aasikaso na ng mga gamit sina Mama at Papa. Tanghali ang flight nila pauwi ng Cavite at kailangan pa nilang bumiyahe papunta sa airport.

"Anak, aalis na kami. Sumunod ka agad pabalik ng Cavite." Wika ni Mama.

"Opo, Ma. Ingat po kayo sa biyahe." Paalam ko. Agad nila akong niyakap at pagkaraan ay hinatid ko sila sa gate. Naroon na si Nica at Tita Wilma upang ihatid sila sa Airport.

"Bye, anak." Pahabol na sabi ni Mama bago sila tuluyang umalis.

Agad na rin akong nag asikaso dahil pupunta ako sa school para asikasuhin ang mga kailangan kong kuhanin doon bago ako umuwi ng Cavite.

Sabay kaming tatlo nina Gichel at Kate na pumunta sa school at hindi rin naman kami nagtagal doon.

At pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Denver sa labas ng gate at mukhang hinihintay akong dumating.

"Denver." Pagtawag ko sa kaniya. Agad siyang humarap sa akin at ngumiti.

"Hi, Ki." Bati niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong. May dala siyang isang maliit na paper bag at iniabot niya iyon sa akin.

"Regalo ko sa 'yo." Halatang nahihiya pa siyang binigay iyon sa akin. Agad kong tinanggap ang bigay niya at isang teddy bear iyon na kulay brown ang nasa loob.

"Thank you, Denver. Congratulations din pala sa 'yo." Nakangiti kong sabi.

"Thank you, Ki. Kailan pala ang alis mo papuntang Cavite?" Tanong niya.

"Sa makalawa. May inaasikaso lang ako." Sagot ko.

"Ganoon ba? Ingat ka sa flight mo. Sige, uwi na ako." Paalam niya at agad ding umalis.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon