Wakas

837 14 0
                                    

Enjoy reading!

"Tita, Tito, pasensiya na po kung biglaan itong pagsabi ko." Pagsisimula ni Jack Jendrick.

"Pero matagal ko na pong gusto si Kiera. Hindi ko lang po sinasabi kay Edward at lalo na sa kaniya dahil bukod po sa apat na taon ang agwat ng edad namin ay nag-aaral pa po kami noong mga panahon na 'yon." Dugtong niya na ikinagulat ko.

Hindi ko aakalain na gagawin niya ito. Halatang ako lang ang walang alam sa nangyayari ngayon.

"Sinabi ko po sa sarili ko na ayoko pa po siyang ligawan hanggat wala po akong maipagmamalaki sa inyo. I tried to hide my feelings for her. At akala ko ay mawawala iyon nang mag-aral siya sa Iloilo pero ganoon pa rin." Sabi pa niya.

"Jack. . ." Tawag ko sa pangalan niya. Tiningnan niya lang ako at ngumiti.

"Let me fight for you, Ki. Hayaan mong ako ang gumawa ng paraan ngayon." Mahinahon niyang sabi.

"Jack, hindi sa tinututulan ko ang pagmamahal mo sa anak ko. Pero bunso namin si Kiera, nag-iisa rin siyang babae na iniingatan namin. Marami pa kaming pangarap para sa kaniya." Turan ni Papa.

"Alam ko po iyon, Tito. Pero pinapangako ko po sa inyo na hindi po ako magiging sagabal sa pangarap ni Kiera. Gusto ko rin po siyang makita na maabot lahat ng pangarap niyang kasama ako. Makakaasa po kayo." Magalang niyang sabi.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa ginagawa niyang ito. Makikita sa mukha niya na totoo lahat ng mga sinabi niya.

"Makakaasa rin ba kami na hindi mo sasaktan ang anak ko, hijo? Dahil hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak ko." Sabi pa ni Papa.

Seryoso siyang nakatingin sa amin. "Makakaasa po kayong lahat na hinding hindi ko po sasaktan at paiiyakin si Kiera. Hinding hindi ko po makakayang gawin iyon sa kaniya. God knows how I love her."

"Mabuti kung ganoon at nagkakalinawan tayo, Jack. Hinding hindi ko kakalimutan lahat ng mga sinabi mo. Pumapayag na akong ligawan mo si Kiera. Iyon ay kung papayag din siya." Pagkatapos sabihin iyon ni Papa ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya Edward at ni Mama.

Halatang naghihintay sila ng desisyon ni Papa. Kahit ako ay kinabahan din sa magiging desisyon ni Papa. At hanga ako sa tapang na meron si Jack Jendrick upang magpaalam pa sa magulang ko.

"Thank you po, Tito. Thank you so much po sa tiwala at pagpayag." Masaya niyang sabi. Tanging tango at ngiti lang ang sinagot ni Papa.

"Jack, dito ka na kumain. Caila, samahan mo ako sa kusina at maghahain tayo." Wika ni Mama.

"Sige po, Tita. Salamat po agad." Turan ni Jack Jendrick.

"Maiwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako." Paalam rin ni Papa at umalis na.

"Labas lang kami ni Baste." Paalam din ni Kuya Edward habang buhat ang anak niya.

Kaya dalawa na lang kami ni Jack Jendrick ang naiwan sa sala. Tiningnan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin din sa akin.

"Ang tapang mo para magpaalam pa kila Mama at Papa." Pagsisimula ko.

"Mataas ang respeto ko sa kanila, Ki. Gustuhin ko man na huwag ng magpaalam na ligawan ka ay matagal ko na sanang ginawa. Naging mabuti sila sa akin simula pa noon hanggang ngayon. Makokonsensiya lang ako kapag hindi ako nagpaalam." Paliwanag niya.

Paanong hindi ako magkakagusto sa lalaking 'to? Feeling ko ay na sa kaniya na lahat ng hinahanap ko. Para sa akin ay napaka perpekto na niya. Halos lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kaniya na. Kaya kahit lumayo man ako nang ilang taon ay hindi nawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang hirap niyang kalimutan.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon