Kabanata 30

507 9 0
                                    

Enjoy reading!

Kinabukasan, maaga pa lang ay ginising na ako ni Mama. Halata talagang excited sila na ipakikilala ako sa kanilang mga staff.

"Maligo ka na at magbihis dahil sabay na tayo ng Papa ko kakain sa baba." Wika ni Mama.

"Sige po, Ma." Turan ko at tuluyan ng bumangon at inayos ang higaan ko.

Pagkatapos ay agad na akong pumunta sa damitan ko upang maghanap ng pwede kong suotin ngayong araw. Nang matapos ay naglakad na ako patungo sa banyo.

Hindi ako sanay makihalubilo sa ibang tao dahil hindi ko alam kung paano ko ba sila kakausapin. Kaya minsan ay pinipili ko na lang na mag-isa o 'di kaya ay magbasa na lang ng mga libro. Ngunit nang mag college ako ay sinusubukan ko rin namang makipag kaibigan at pumunta sa mga party o iyong sa maraming tao. Ngunit hindi rin naman ako makatagal.

Kaya kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam kung paano ba ako makikisama sa mga empleyado ng mga magulang ko.

Nang matapos akong maligo ay agad na akong nagbihis at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.

Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko roon si Mama at Papa na abala sa paglalatag ng mga plato sa mesa. Nang makita nila ako ay agad silang ngumiti sa akin.

"Good morning po, Mama, Papa." Pagbati ko sa kanila.

"Good morning din, Ki. Maupo ka na at kakain na tayo." Turan ni Mama. Tumango lang ako at agad ng umupo sa katabi niyang upuan.

"Ready ka na ba mamaya?" Tanong ni Papa habang kumakain kami.

"Opo. Pero, Pa pwede po ba sa mababang pwesto po muna ako? At kung pwede po huwag niyo na po ako ipakilala sa mga staff." Wika ko.

Agad silang nagkatinginan at para bang pinag-iisipan pa ang sinabi ko.

Ayokong magkaroon ng special treatment sa sarili naming negosyo. Alam kong anak ako ng may-ari ngunit gusto ko rin maranasan maging isang simpleng empleyado muna dahil wala rin naman akong karanasan pa pagdating sa pagnenegosyo.

"Are you sure, Anak?" Tanong ni Papa.

"Opo, Pa." Nakangiti kong sabi.

"Pero, Ki, ikaw rin naman ang magmamana ng negosyo natin. Bakit kailangan pang nasa mababang pwesto ka?" Wika ni Mama na halatang hindi sang-ayon sa sa gusto ko.

"Hayaan mo na ang anak natin. Iyan ang gusto niya." Turan ni Papa. At sa huli ay wala ring naggawa si Mama kung hindi ang sumang-ayon sa kagustuhan ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad na rin kaming nag-asikaso ng mga gamit namin at sabay-sabay na umalis ng bahay.

Ilang taon na rin akong hindi nakakapunta sa opisina nina Papa at Mama. Hindi rin naman kalayuan ito sa bahay namin ngunit hindi naman nila ako sinasama noon.

Sa halos kalahating oras na biyahe namin ay huminto ang sinasakyan naming kotse sa dalawang palapag na gusali. Ito ang pinaka main ng grocery store. Dito dinadala lahat ng mga products na ide-deliver sa mga braches ng grocery store namin.

Nang lumabas ng kotse si Mama at Papa ay agad na rin akong lumabas. Nauuna silang maglakad at nakasunod lang ako sa kanila.

"Good morning po, Ma'am and Sir." Pagbati ng security guard kila Mama at Papa. At halatang nagulat pa siya nang makita akong nakasunod.

"Good morning po." Mahina kong pagbati.

"Good morning din po, Ma'am." Turan niya. Ngumiti lang ako at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

Lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa akin at napapayuko na lang ako dahil hindi ako sanay na tinitingnan nang maraming tao.

Napahinto lang ako sa paglalakad nang may kinausap si Papa na isang lalaki. Tumango naman ang kausap niya at tiningnan ako saglit bago umalis sa harapan namin.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon