Enjoy reading!
Pagsapit nang tanghali ay dumating din si Kuya Edward at Caila. Agad namang tumayo at patakbong lumapit sa kanila si Baste.
"Ki, sorry. Hindi ko kasi alam na sinabihan pala ni Edward si Mama na sabihin sa 'yo na bantayan si Baste. Sinabihan ko rin kasi kaninang umaga si Jack na bantayan si Baste ngayong araw." Paliwanag ni Caila. Pilit akong ngumiti sa kaniya.
"O-okay lang." Sagot ko.
"Dito na kayo kumain ng tanghalian. Marami kaming binili na pagkain." Wika ni Kuya Edward habang bitbit ang mga plastic na naglalaman ng mga pagkain. Naglakad siya patungo sa kusina. Agad naman akong natakam kaya tumayo agad ako.
"Maiwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako." Paalam ni Caila at umakyat ng hagdan. Naiwan muli si Baste sa amin ni Jack Jendrick. Ngunit hindi siya lumapit sa akin. Umupo siya sa sahig at naglaro muli. Nahuli ko naman si Jack Jendrick na nakatitig sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Ayoko ng maiwan muli kasama siya kaya mabilis akong naglakad at pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si Kuya Edward na abala sa paglagay ng mga binili niyang pagkain sa mesa.
Umupo ako sa bakanteng upuan habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. Pagkaraan ay tumingin ako kay Kuya Edward. Nakangiti siya na para bang inaasar ako.
"Nag reklamo sa akin kagabi si Jack tungkol sa 'yo. Sinusungitan mo raw siya. Bakit?" Tanong niya.
"Bawal na ba ako magsungit, Kuya? Pagod lang ako kagabi." Turan ko.
"Hindi ka naman ganiyan noon. Kinikilig ka pa nga tuwing magkausap kayong dalawa. Sigurado ka bang tanggap mo na talaga?" Tanong niya.
"Tanggap ko na. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala na akong gusto sa lalaking 'yon." Inis kong sabi na ikinangiti niya. Bakit parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko?
"Sige, sabi mo e." Sagot niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.
Ilang sandali pa ay sabay na pumasok sa kusina si Caila at Jack Jendrick habang buhat niya si Baste.
"Wow, yummy foods." Sabi ni Baste na ikinangiti ni Jack Jendrick.
"Let's eat. Jack, maupo ka na at kakain na tayo." Turan ni Kuya Edward at kinuha si Baste sa kaniya. Umupo naman si Caila sa tabi ni Kuya Edward habang pinapagitnaan nila si Baste.
At kukuha na sana ako ng pinggan nang maunahan ako ni Jack Jendrick. Mabilis siyang kumuha ng kanin at sunod ay ulam. At nagulat ako nang inilapag niya iyon sa harap ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hon, sa 'yo rin 'to." Napatingin naman ako kay Kuya Edward nang bigyan niya ng pagkain si Caila.
"Thank you, hon." Sagot ni Caila at ngumiti pa. Nakakaasar!
Tiningnan ko lang ang bigay niyang pagkain at hindi ko alam kung kakainin ko ba 'yon.
"May gusto ka pa bang kainin?" Tanong ni Jack Jendrick na umupo sa tabi ko.
Agad akong umiling at nagsalita. "Wala."
Nakita ko naman ang mapang-asar na ngiti ni Kuya Edward at Caila habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa ni Jack Jendrick o maiinis. Ito na naman siya sa mga ginagawa niya na hindi ko alam kung kaibigan lang ba o mas higit pa roon. Naiinis rin ako sa sarili ko.
Hindi na ako muli pang nagsalita. At sa halip ay kumain na lang ako. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Jack Jendrick sa tabi ko ngunit hindi ko na lang siya pinansin.
Nagsimula na rin silang kumain at panay rin ang pag-uusap ni Kuya Edward at ni Jack Jendrick tungkol sa trabaho na hindi ko naman maintindihan. Habang si Caila ay hawak si Baste sa upuan.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...