30

91 2 0
                                    

Nasa likod Bahay si Lauren kasama si Manang Rosa. Niyaya kasi siya nitong gumawa ng bungkos nang Bulaklak para dadalhin niya mamaya pag-uwi sa Bahay ng Boss niya. Sobrang nakakataba ng puso dahil sa magandang pagtanggap nito sa kaniya.

Masaya rin siya ng malamang malapit si Santiago rito.

"Heto pa at idagdag mo riyan.." Inabutan siya nito ng puting rosas.

"Salamat po..."

"Kumuha kapa ng kahit anong gusto mong kulay. Huwag kang mahiya Ine."

"Okay na po ito..."

Kumuha ito ng maliit na paso saka doon inilagay ang napitas nilang bulaklak upang hindi malanta. Wala pa din naman kasi siyang balak na umuwi dahil siya lamang mag-isa doon at wala naman siyang ibang gagawin.

Nabanggit kasi kanina ni Anita habang kumakain sila ng maha na nasa Taormina City si Santiago kasama si Mang Rudy at baka ay gabihin pa ang mga ito sa pagbalik sa Isla. Hindi din niya alam kong ano ang ginagawa nito doon.

Napatingin siya kay Manang Rosa at tinawag ang pangalan nito."Manang Rosa..."

"Hmmm??"

"Mahilig po ba sa Bulaklak si Sir?" Pasimple niyang tanong, hindi siya nagpahalatang interesado siyang malaman iyon.

Tumawa ito ng mahina na ikinapula ng magkabilaan niyang pisngi."Sir??"

"Ah o-opo Boss ko po si Mr. Baldivino. Private Flight Attendant po ako at naka-kontrata ako ng tatlong buwan sa kaniya.."Sagot niya rito.

Hindi naman talaga nito tinatanong kong ano siya nito or what is her connection with him pero inunahan na niya dahil sa titig pa lang na binabato nito ay alam na niyang iba ang nasa isip nito.

"Akala ko ay ikaw na ang Girlfriend ni Santiago. Pero Ne bagay kayo ng Sir mo."Saad nito, biglang tumibok ng hindi normal ang puso niya. Ito na naman ang pakiramdam na pilit iniiwasan niya. "Pero sa tanong mo. Hindi naman sa mahilig at di rin sa oo.."

"Ah ganoon po ba?"Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito.

"Oo.."Lumakad 'to palapit sa kaniya, Manang Rosa genuinely hold her hands and smiled."Alam mo bang ikaw lamang ang babaeng dinala niya rito sa Isla??"

Hindi makapaniwalang napasinghap siya."P-po??"

"Totoo iyon. Kahit ang Asawa niya ay hindi niya nadala rito maliban na lang sa mga larawang pinadala niya dito noon ng namalagi siya rito..."

"Bakit naman po? Parang impossible naman po Manang Rosa na hindi pa niya nadala rito ang Asaw-"

"Ay naku at totoo iyon. Pero siguro may dahilan kong bakit dinala ka niya rito.."

Binitawan nito ang mga kamay niya. Niyaya siya nitong magpunta na sila sa loob upang maisaayos ang pasong gagamitin. Pumasok siya sa looban para tulungan ito.

Pagkatapos nilang gawin iyon ay pinunasan narin nila ang bawat paso para matuyo ang basa non gawa ng may tubig para presko parin iyon at hindi masira.

Nagpaalam muna ito sandali na may kukunin lamang sa loob na nginitian niya. Ng siya na lamang mag-isa ang naiwan ay nagmuni-muni siya at inalala ang naging malungkot na kuwento nito sa kaniya tungkol sa buhay ng Boss niya.

Ngayon niya lubos na naintindihan kong bakit ganito ang Binata. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil hindi nga naman madali ang nangyari rito.

Kaya pala malayo ang loob nito sa sariling Pamilya ay dahil doon.

Pero masaya siya na kahit papaano ay masasabi niyang medyo okay na ang communication nito sa mga Pinsan nito, Tito't Tita at kay Mrs. Corazon Baldivino. At sana ay magtuloy-tuloy na ito para maibalik sa dati ang Binata gaya nga ng sinasabi ni Mrs. Corazon at ni Manang Rosa.

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now