"Kailangan muna talagang madala sa Hospital Ate. Tama si Lola, kailangan nating maagapan kong anuman iyang nararamdaman mo bago paman lumala.."
Malayo ang tanaw ni Lauren sa karagatan. It's been four days, apat na araw na ang lumilipas at di parin siya bumabalik sa Bahay ng Boss niya. Wala na din siyang naging balita tungkol dito, ang huli niyang nalaman patungkol sa Binata ay ang pagwawala nito kinaumagahan nong umalis siya dahil sa kagustuhan nitong makita siya.
Nakatanggap siya ng text messages galing kay Gabriel nong umagang iyon at hindi na iyon nasundan pa.
Nagpapasalamat na lamang siya na nandoon si Gabriel para sa Boss niya dahil hindi niya kakayanin kong siya ang nandoon.
"H-hindi ko alam Ani. Huwag na lang siguro, kaya ko naman. Nawawala din naman ang sakit, di naman ganoon ka grabe..."She answered.
Ilang araw ng sumasakit ang tiyan niya sa hindi malamang dahilan. Ilang beses narin siyang pinilit nina Mang Rudy at Manang Rosa na magpunta na siya sa Hospital pero ayaw niya. Natatakot siyang malaman sa possibleng rason kong bakit siya nagkakaganito.
Bukod doon ay ayaw niyang makaabala sa mga ito. Kailangan pa nilang tumawid sa Isla para makarating sa Siyudad kong nasaan ang Hospital. Masyado na siyang nakakapurwisyo at ayaw na niyang magdagdag pa.
Kaya naman niya, nawawala naman ang sakit pero paminsan- minsan ay bumabalik rin kaya hirap siyang gumalaw.
Sa apat na araw na iyon ay kina Anita muna siya pansamantalang nanunuluyan. Masaya siya at malaki ang pasasalamat sa mga ito dahil tinanggap siya.
Alam narin ni Manang Rosa ang totoong nangyari ng gabing iyon at labis na labis ang pag-aalala nito sa kanilang dalawa ni Santiago. Nakumpirma rin niyang totoong naging obsessed ang Binata sa kaniya noon paman. Nasabi rin nito na kaya siya nito nakilala noong bagong dating siya sa Isla ay dahil minsan na niyang nahuli si Santiago na pinipinta ang mukha niya at paulit-ulit nitong sinasabi na malalim ang parte niya sa puso nito pero hindi nito alam kong ano ang mas tamang sabihin.
Hinayaan lamang nila ito noon dahil nasa stage pa ito ng pagmo-move pagkatapos ng mga masasakit na pinagdaanan nito.
Araw-araw din naman itong nagpupunta sa Bahay ni Santiago pero wala itong sinasabi tungkol dito kapag umuuwi na, ganoon din si Mang Rudy.
Tanging si Anita ang palagi niyang kasama dahil hindi siya nito iniiwanan mag-isa.
"Pero paano kong grabe na iyang nararamdaman mo??"Hindi siya sumagot.
Ang ginawa niya ay hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. Gusto niyang makausap ang mga Kapatid niya, ang mga Kaibigan. Bigla niya kasing na-miss ang Pilipinas. Isang linggo na lang naman ay uuwi na siya, pero habang nalalapit ang linggo ay tila ito bumabagal.
"Maaari ko bang mahiram ang Cellphone mo?"
"Oo naman po. Kukuhanin ko lang ho, sandali.."
Iniwan siya nito saglit, naiwan siyang mag-isa doon. Ng matanaw niyang nakapasok na ito sa loob ng Kubo ay saka namalisbis ang masagana niyang luha.
She miss him pero hanggat hindi niya nalalamang ayos na ito ay di na muna siya magpapakita rito.
"Ito na po Ate..."
"Salamat, makikitawag lang ako sa'min.."
"Ay saktong-sakto po at may load pa iyan..."
Nagpaalam itong aalis ulit para kumuha ng makakain nila. Maghahanap din daw ito ng lighter para ipang-apoy sa bonfire nila. Hapon na kasi at madilim narin.
She dialed Viron's Cellphone number. Mga ilang ring pa bago nito sinagot ang tawag niya.
"Hello? Who is this?"
YOU ARE READING
BEYOND LUST
RomanceA flame start to burned on their body, pinakawalan nito ang labi niya at pinagkatitigan siya ng sobrang lalim. A pure lust was there on Santiago's captivating eyes. Nakaplaster ang nahihiyang ngiti sa labi niya, she want to divert his gaze but he wa...