It's been two weeks ng magyate sila. Di makapaniwalang nilanghap ni Lauren ang sariwang hangin sa malawak na baybayin. Siya lamang mag-isa ang naiwan sa Bahay ni Santiago dahil umalis ito kaninang tanghali para sa huling laban nito sa kaso. Naging busy rin ito mula pa noong nakaraang mga araw at naintindihan naman niya iyon. Nalalagi rin si Gabriel sa Isla dahil sa inaasikaso nitong kaso na kasama sila. Pero sa mga araw na nandito ang Lalaki ay napapansin niyang di nag kikibuan ang dalawa.
Yumuko siya at naramdaman na niya ang pagpatak ng mainit na likido sa kaniyang mga mata. Nalulungkot na siya sa kaisipang mga ilang linggo na lang at tapos na ang Kontrata niya sa Boss niya.
Parang hindi niya kaya, alam naman niyang sinabi na niya sa sarili na pagkatapos nito ay aalis na siya at kakalimutan ito pero sobrang hirap. Hindi pa tapos pero nasasaktan na siya. Ni hindi niya alam kong makakaya ba niyang basta na lamang itong kalimutan.
It's not easy especially that they have shared a lots of memories in the Island. Idagdag pa iyong nasa Berlin sila at ng una silang magkakilala sa eroplano. Nakapa ng Dalaga ang kaniyang dibdib dahil masakit iyon.
Umupo na lamang muna siya sa may buhangin, tinanggal niya ang suot na sapin sa paa at pinaglaruan ang pinong buhangin.
Kinapa niya ang Cellphone niya sa kaniyang bulsa. Inilabas niya iyon saka tiningnan ang Kaniyang Instagram account. Muli niyang binalikan ang notifications noong nakaraang araw pa kong saan siya finallow back ni Santiago. Di nga siya makapaniwalang ginawa nito iyon, hiyang-hiya pa siya dahil millions ang followers nito samantalang siya ay 4.51k followers ang meron siya.
Saka pa lang din niya nakita ang mga post and recent posts nito dahil private ang account ng Boss niya.
Napakagat labi siya ng makitang halos topless shoots ang mga larawan nito. Every post has thousands of likes ang comments. Hinanap niya kong may mga pictures ba ito kasama ang Asawa pero wala.
Karamihan sa pictures nito ay nasa iisang kuwarto?? Sinubukan niyang i-zoom ang background nito pero di pala iyon puwede. Medyo blurred kasi ang likod pero maraming mga frames ng Babae and some of the shoots is may mga paintings na background.
Parang familiar sa kaniya ang painting pero di niya ganoon ka klaro. Hindi niya na lang iyon pinansin at nag scroll back, sa highlights naman siya napunta. Halos kapusin siya ng hininga ng makitang may highlights roon na silang dalawang magkasama pero pareho silang nakatagilid kaya di masyadong kita ang buo nilang mga mukha. Binasa niya ang caption 'Lust of the Island' with fire emoji.
Iyon iyong mga kuha ni Anita sa kanila noong naligo sila sa dagat at dumating ito.
Sa kabilang highlights naman ay solo pictures niya kong saan nakatalikod siya at naka sideview with the caption 'Meine Frau'. Di niya naman alam kong ano ang ibig sabihin non.
Mas lalo siyang nalungkot, bakit naman nito inilagay sa highlights ang mga larawan na iyon? Mas lalo siyang mahihirapan nito sa pag-alis pagkatapos ng Trabaho niya dito.
Para maiwasang mag-isip ng kong ano-ano ay tinigil na lang muna niya ang pangi-stalk dito.
Nagpunta na lamang siya sa messages upang tingnan kong nag reply naba si Viron. Kahapon kasi ay nagpaalam itong lalabas ang mga ito kasama ang Daddy nila. Nakauwi na ito ng Pilipinas at pansamantalang nanunuluyan sa isang Hotel kong saan nagtatrabaho si Roxan.
She insisted na puwede naman itong mag stay sa Mansion but their Dad refused it dahil nirerespeto siya nito at masaya siya doon. Ramdam niyang mabuting Tao ang Daddy ng mga Kapatid niya. At alam niyang kong anuman ang magiging desisyon nito para sa dalawa ay makakabuti iyon sa lahat.
Pagkauwi niya sa Pilipinas sa susunod na mga linggo ay mag-uusap sila nito.
Medyo madilim na ang paligid ng mapagdesisyunan ni Lauren na tumayo na. Sakto ring naglalakad na siya patungong Bahay ng dumating si Santiago.
YOU ARE READING
BEYOND LUST
RomanceA flame start to burned on their body, pinakawalan nito ang labi niya at pinagkatitigan siya ng sobrang lalim. A pure lust was there on Santiago's captivating eyes. Nakaplaster ang nahihiyang ngiti sa labi niya, she want to divert his gaze but he wa...