41

86 3 0
                                    

Nagising na lamang si Lauren ng marinig ang announcement ng Captain gamit ang radio call na dumating na sila sa destinasyon nila. Nahihiyang napatingin siya sa Boss niya dahil mukhang napasarap pa ang tulog niya pero nginisihan lamang siya nito.

Sa napakataas na tuktok sila ng Building naglanding. She's not afraid of heights kaya baliwala lang ito sa kaniya. Hinintay lang din ni Santiago na huminto ang Chopper at bumaba si Gabriel to say his thanks.

"Bro.."

"I know I owe you so thanks..."

"Whatever. I'm happy that you're getting better now. And you finally found her. But you know the consequences. .."

Tumango siya dahil wala na din naman siyang ibang sasabihin kaya nagpaalam na siya paalis pero pinigilan siya nito lalo na ng lumapit sa gawi nila si Lauren and she's giving him a smile the f-ck.

He's jealous d-mn it.

"Let's go."He held her hand and tug her.

"Wai- wait Bro!"

Inis niyang nilingon ang Kaibigan at pasinghal na sinagot."What?!"

"Won't you introduce me to her??".

"No."Diritsahan niyang sagot.

Naramdaman pa niya ang pagkagulat ni Lauren dahil sa sagot niya.

Is he obviously jealous??

This is bullsh-t!

Wala na siyang nagawa ng ito na mismo ang nagpakilala sa sarili. Ngiting-ngiti naman ang Kaibigan niyang halata na nang-aasar lang sa kaniya. That's why he hate Gabriel sometimes for being this so crazy.

Nagkamay ang dalawa. Gusto niya sanang pigilan iyon but it's too late dahil nagkalapat na ang mga kamay ng dalawa na kinainis pa niya lalo. Ng maramdaman niya ang susunod na gagawin ni Gabriel ay doon na siya sumabog sa inis at inilayo na niya ang Dalaga mula dito.

"Godd-mn it Pollman! No cheek kiss!"

"Okay, okay she's all yours I swear.." Hagalpak nito ng tawa.

Sinuntok niya ito sa braso at sinigurado niyang magpapasa iyon, hindi naman ito nagreklamo at tumatawa paring umiling. Napahilamos siya ng mukha ng makaalis na ito, sa exit stairs ito dumaan.

Samantalang sa malaking pintuan naman sila dahil mage-elavator sila pababa. May dalawang armadong mga Lalaki doon na nagbukas ng pintuan para sa kanila.

"Kaninong Building ito??"Curious na tanong ni Lauren sa Boss niya.

Umirap ito sa kawalan, napangiti tuloy siya ng wala sa oras dahil sa ginawa nito. Ang sexy kasi nitong tingnan habang nakairap.

"That assh-le."Napipilitang sagot nito.

This Building is owned by Gabriel's Family kaya kilala na siya ng mga Tauhan na nandoon.

Isa sa sikat na Fashion Designer ang Mom nito who nearly retired at Model ang nag-iisa nitong Kapatid na Babae. And his Dad, just like them he's a Business Man.

Pagkababa nila sa parking lot ng Building ay nandoon na ang kotseng gagamitin nila sa paglilibot sa Milan. Volvo iyon ng Kaibigan niya, wala na kasi siyang oras para ipadala pa ang sasakyan niya dahil nasa Isla iyon. May isang Audi naman siyang iniwan sa Condominium ni Gabriel at iyon ang ginagamit niya kapag may lakad siya that connected to his Job. Pero dahil nga sa Milan ang punta nila ay mas hassle so he decided to borrow his car.

Isang tauhan mula sa building ang nag-abot ng susi sa kaniya at tinanggap niya iyon. Tumango lamang siya dito, ng pareho na silang makasakay ni Lauren ay saka niya minaniubra ang kotse paalis sa lugar na iyon.

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now