"Mukhang masaya ka ngayon Ine.." Pamumuna ni Manang Rosa sa kaniya. Nasa kaniyang silid sila ngayon dahil naglalagay sila ng kurtina.
Hindi kasi mawala-wala sa isipan niya ang endearment na tinatawag ng Boss niya sa kaniya.
'Baby'
Isang linggo na ang lumipas simula ng nanggaling sila sa Farm. At tinotoo nga nito ang chance na hinihingi sa kaniya.
Ni hindi niya inakalang seryuso ito ng gabing iyon, mula ng bumalik sila sa Bahay nito everything changed. Isa na doon ang pagtrato nito sa kaniya, and he's getting close to her. There are times na tumatabi ito sa kaniya sa pagtulog sa kaniyang kuwarto. Maging sa pagluluto ay salitan sila dahil sa kagustuhan nito. Di nga rin niya inakalang marunong itong magluto dahil wala sa hitsura nito.
Si Manang Rosa naman ay nagkabalik na sa Trabaho nito kahapon kasama ang Apo at dinalhan pa nga siya nito ng maraming rosas kaya pinaglalagay niya ang mga iyon sa flower bases.
"Ah opo. Masaya lang po ako dahil parang gumagaan na ang loob ni S-sir kumpara noong nakaraang buwan na nakilala ko siya. Na tila nag-iisa at nagtatago sa katauhan niya.."
"Santiago..."Koreksiyon ng Matanda. Ngumiti ito at hinawakan siya sa parehong kamay."Ne. Alam kong may namamagitan sa inyo ni Sir. Nakikita ko sa mga mata ninyong dalawa at tulad ng damdamin, hindi ito nagsisinungaling..."
Pinamulahan siya ng mukha at tila tinubuan ng hiya sa katawan. "H-hindi naman po Manang. Hindi p-po ako m-magagawang mahalin ni S-Santiago dahil m-mahal niya parin ang Asawa niya.."
"Kong alam mo lang ang totoo.." Bulong nito.
"Po??"
"Ay wala. Teka at paano mo naman nasabi iyan? Sinabi na ba niyang hindi ka niya mahal??"
"H-hindi n-naman po..."
"Yun naman pala. Huwag kanang Malungkot at magiging ayos din ang lahat.."
"Pero paano po kong bumalik ang A-asawa niya.."
Ngumiti ulit ito."Alam mo Ine. May mga taong hindi na maaaring bumalik kapag nang-iiwan. Pero, may taong puwedeng pumalit lalo na kong sa una pa lang ay naging parte na.."
Naguluhan siya sa sinasabi nito. Pero alam niyang may malalim itong dahilan. Magtatanong pa sana siya ng nagpaalam na ito dahil may gagawin pa sa ibaba. Napailing na lamang siya at ginala ang tingin sa loob ng kuwarto niya. Sobrang ganda at aliwalas na ng paligid.
Kinuha na lang niya ang nakahanda niyang damit saka pumasok sa loob ng banyo para makapagpalit. Pagkalabas niya ay naabutan niya si Santiago na naka di kuwarto ng upo sa sofa na malapit lang sa kama. Tumayo ito agad ng makita siya at malaki ang ngiti.
"Beautiful..."
"Thank you.."
"Are you ready?"
"Oo naman.."
Sinipat niya kong anong oras na at alas otso na ng umaga. Aalis kasi sila at tama lang ang oras na pababa na silang dalawa. Pupunta sila sa Milan. Ang balak sana nito ay sa Sicilia Outlet Village sila but he changed his mind. Yon ang sinabi nito sa kaniya kagabi, wala kasi itong trial ngayon sa court. At naisipan nitong pumunta sila sa City dahil may bibilhin ito na di naman niya alam kong ano ang mga iyon.
Pumayag lang din siya dahil wala naman siyang Trabaho dahil hindi siya nito pinagtatrabaho sa Bahay kahit pa gustong-gusto niya. Nagagawa niya lamang ito kapag wala ang Boss niya.
Sumunod lang siya dito pababa sa hagdanan pagkakuha niya ng bag niya. Nakita niya si Anita na nagpupunas ng mga picture frames na nasa sala, Anita mouthed that she's beautiful at nagpasalamat siya.
YOU ARE READING
BEYOND LUST
RomanceA flame start to burned on their body, pinakawalan nito ang labi niya at pinagkatitigan siya ng sobrang lalim. A pure lust was there on Santiago's captivating eyes. Nakaplaster ang nahihiyang ngiti sa labi niya, she want to divert his gaze but he wa...