Nagsisimula ng magbulungan ang mga bisita sa loob ng simbahan. Dahil na din sa tagal magsimula ng kasal.
"'Diba 9:30 ung kasal?"tanong ng isang bisita.
"Oo, yung nakalagay sa invitation."
"Bakit hindi pa nagsisimula?"
"Parang wala daw yung groom."
"Hindi ata sumipot yung groom."
"Oo, yun din yung narinig ko kanina."
"Grabe naman!"
"Sa araw pa mismo ng kasal iniwan."
"Tsk! kawawa naman si Sabina"
"Hay naku Mommy! Dapat talaga hindi na tayo nagpunta dito, such a waste of time." mataray ng angal ni Nicole, ang anak ng Tita Ana ni Sabina.
"Ambisyosa kasi masyado yang pinsan mo." sarkastikong sagot naman ng Tita Ana niya. "Akalain mo ba naman pangaraping magpakasal, yan tuloy nangyari." sinabayan pa nito ng nang iinis na tawa.
"Pathetic, sayang ang gastos sa kasal na 'to, hindi din naman pala matutuloy." dugtong pa ni Nicole.
"Akala kasi ng magaling na Sabina na yan may lalaking magpapakasal sa kanya, manang mana sa nanay niya." wala itong pakialam kahit marami ng nakakarinig sa mga binitawang salita nito.
At nagpalutoy ang kanya kanyang usapan sa loob at labas ng simbahan.
"Asan si Ms. Rea?" hingal na tanong ni Rowena sa driver ng Bridal car ng makita niya itong nakatayo sa pintuan ang simbahan.
Agad naman siya nitong sinamahan sa loob ng simbahan malapit sa altar.
Nang makita niya ito ay may kausap itong batang sakristan.
"Ms. Rea" tawag niya dito. "Can you arrange this again?" huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy magsalita. "Tuloy ang kasal."
Nagulat man ang Wedding Coordinator ay agad din itong kumilos para maayos muli ang lahat para sa kasal.
Agad naman sumunod ang mga dumalo sa kasal kahit nag aalinlangan dahil na din sa kaganapan kanila at inakalang hindi matutuloy ang kasal.
Habang abala ang lahat sa loob ng simbahan ay kasalukuyan naman inayos muli ang bride. Hair and makeup retouch. Nahirapan man sa simula ay itinago pa din ng make up ang namumuno niyang mga mata.
"Girl, salamat huh?" pasasalamat ni Rowena sa baklang nag make up kay Sabina. "Ang galing mo, hindi na halata na namamaga yung mata niya."
"Syempre ako pa!" pagmamalaki nitong sagot. "'Wag ka na ulit iiyak bride, sayang ang beauty, isa pa tuloy naman na yung kasal mu." nangingislap pa ang mga nito.
Nananatili lamang tahimik at nakatitig sa harapan si Sabina. Umalis na din ang make up artist at iniwan na sila sa loob ng sasakyan.
Hinawakan ni Rowena ang dalawang kamay ng kaibigan at iniharap dito para makausap ito ng maayos. "Mare, I know this is not easy after what happen earlier. " bungad niya. "Alam ko din this is not what we plan. But... we need and we have to do this" marahang pinisil ang mga kamay nito. "Para din sayo 'to. Don't give them the reason na pag tawanan at insultuhin ka dahil lang pangyayaring 'to. Everything will be fine. Just be strong." Inakap niya ito ng makita niyang walang reaksyon sa mukha nito.
Tumango na lamang si Sabina sa sinabi ng kaibigan makalipas ang ilang sandali.
"Ms. Sabina, be ready.... The wedding will start now." sabi sa kanila ng coordinator.
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
Tiểu Thuyết ChungI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...