CHAPTER TWENTY SEVEN (FITS PERFECTLY)

6.9K 227 27
                                    


Nakatulala lang si Sabina sa harap ng kanyang monitor.

Bumalik na agad ang mga empleyado pagkatapos ipakilala si Victor sa kanilang department.

At hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na nakakaharap na niya ang taong iniiwasan niya.

Na nakikita na niya si Victor. At nakakasama araw araw sa trabaho.

Hindi na itatanggi ni Sabina sa sarili na hanggang ngayon, Victor has still effect on her. The same effect on her.

"Sabina!"

Nakatigtig pa din siya sa kanyang monitor habang malalim na nag iisip.

"Hoy Sabina!" Sigaw sa kanya ni Rose na kanina pa siya tinatawag.

Agad siyang napatingin dito. "Bakit?" Balewalang tanong niya.

Hindi naman naiwasan ni Rose na irapan ito. "Kanina pa kita tintawag Mrs. CEO. Nakakaloka ka! Hindi ko alam kung nagfo-focus ka sa work o talagang nag space out ka lang diyan."

Sinimangutan niya lang ito. "Bakit nga?" Ulit niyang tanong dito.

"Ito pang galit." Mahinang sagot ni Rose. "Kanina ka pa po pinapatawag sa taas. Mr. CEO is looking for you. Kanina pa kaya tunog na tunog niyang phone mo. Kung ano ano kasi iniisip. Siguro iniisip mo kung anong gagawin niyo mamaya si Sir Paul." Malisyoso nitong sabi.

"Dami mong alam Rose. Sobra!" Pinandilatan nalang niya ito.

Inayos niya muna ang sarili bago tumayo at matungong opisina ng asawa.

Habang sakay siya ng elevator ay hindi pa din niya maiwasang mag isip ng malalim. Na kahit siya naiinis na sarili sa kakaisip ng nangyayari ngayon sa buhay niya.

Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Victor kanina. "I'm willing to work it out to make it right." Paulit ulit na sigaw ng utak niya.

She shake her head to wake her senses. Sakto naman paghinto at pagbukas ng evelator sa floor kung nasaan ang opisina ni Paul.

He went straight to his Secretary Jenny. "Hi Jenny." Bati niya ditong nakangiti.

Nag angat naman ito ng tingin sa kanya at hindi nakatakas sa kanya ang sandaling pagkunot ng noo nito ng makita siya.

"Your Boss is available?" Taas noo niyang tanong dito. Hindi man niya gusto magmaldita pero ilang beses na kasi niyang napapansin ang kakaibang pakikitungo nito sa kanya. Kahit na bihira mag krus ang landas nila pero sa tuwing nagkikita naman ang napapansin niya ang pagsimangot nito sa kanya.

She hates to brag it but she's still the CEO'S wife after all.

Muli nitong yumuko ng hindi man lang siya binati pabalik. She just ignores it. Nakita niyang tinignan niyo ang notebook na sa hinala niya ang schedule ni Paul sa maghapon.

Makalipas ng sandali nag angat na ito muli ng tingin sa kanya. "He's available. You can come in." Pormal na sagot nito.

"Thanks." Tipid niyang sagot sabay lakad papasok sa opisina ni Paul.

She knocks three time then enter the glass door.

Nakita niyang busy si Paul sa pagbabasa sa mga papel sa lamesa nito.

"You're looking for me?" Bungad niya.

Paul gives her a I-can't-beleive-you-are-here look.

Hindi naman niya maiwasan matawa sa reaction nito ng makita siya.

Hininti nito ang ginagawa at sumandal sa upaan nito. "Let me guess you didn't read my note again." Sabi nito na tila sinesermunan siya.

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito, dahil wala naman talaga siyang nabasa. He leave a note?. Tanong niya sa sarili.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon