And the day has finally come.
Today is the wedding of Victor and Sabina.
Kasalukuyan silang nasa hotel room ngayon kung saan inaayusan ang mga bridesmaids and iba pang parte ng ceremony.
"Mare, wag kang kakabahan huh? Lumakad ka lang ng dahan dahan. Kalma ka lang. " sabi ni Rowena pinapanood siyang inaayusan ng buhok.
"I-feel mo lang ang moment." dagdag pa nito habang umiikot hawak ang kanyang bouquet.
Napailing nalang siya habang tinitignan ito. "Parang ikaw pa ata 'tong kinakabahan at mas excited pa sakin eh."
"Of course, Maid of Honor ako eh! Ang ganda ko pa sa red. Buti nalang ito ang motif mo." sinabayan pa nito ng tawa. "Tapos ang papabol pa ng partner ko." tili nito.
"Alam mo ikaw, dapat inaasikaso mo yang lovelife mo eh, masyado kang nakafocus sa lovelife ko. hello? 29 ka na kaya?"
"'Wag kang panira ng moment diyan huh?!" irap nito. "Saya kayang single."
"Sige ka mamaya niyang kaka-enjoy mo mapaglipasan ka ng panahon. 'Rowena the old maid'" tukso niya dito.
"Sorry ka mare, hinahanda pa ni Papa G ang pag ibig ko.'The greatest love story of all time' Romeo and Juliet lang ang peg." sabay kumpas pa nito ng kamay habang nakatingin sa taas.
"Ay girl, wala pa ding Happy Ending dun dahil dedbol silang dalawa.!" sabad ng baklang nag aayos sa kanya.
Nagtinginan silang magkaibigan at sabay natawa sa sinabi ng bakla.
Naputol ang kanilang pagtawa ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello." nakangiti niyang sagot sa cellphone.
"Hi, my dear bride." malambing na bungad ng nasa kabilang linya.
HIndi napigilan ni Sabina ang kiligin at mapangiti. "Asus" Narinig pa niya ang kantyaw ni Rowena at ng baklang nag aayos sa kanya.
"So ready ka na bang maging Mrs. Rivera?."
"Ahm.. medyo." biro niya dito.
"Bakit parang nag aalangan ka pa?. hoy, Ms. Sabina Mendez wala ka ng kawala sakin." banta nito.
"Grabe natatakot ako" patol niya sa biro nito.
"Humanda ka sa'kin pag nakasal na tayo."
"Magtigil ka nga." suway niya dito. "anyway, tapos na ba kayong mag ayos? tumawag ka na ba sa papa mo?"
Hindi makakarating ang Papa nito dahil hindi pinayagang umuwi ng employer sa Canada. At ang Mama naman nito ang matagal ng napayapa noong 12 years old palang ang binata.
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
BeletrieI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...