CHAPTER TEN (NEW DAY)

8K 174 3
                                    

Kasalukuyang silang nagba byahe ni Paul papuntang apartment niya. Tahimik silang pareho. Naka-focus si Paul sa daan habang nakatingin naman sa bintana si Sabina.

Huminto ang sasakyan dahil nagka- red ang traffic light. natapat sila isang construction site kung saan may ginagawang bahay. Malaki ang pinapatayong bahay dahil kitang kita sa structure nito ang malalaking pader na magiging pundasyon ng bahay.

Nakatingin lang si Sabina habang pinapanuod ang mga manggagawa. "You're an Architect, right?" biglang tanong niya kay Paul habang nakatingin pa din sa ginagawang bahay.

Tumingin si Paul sa gawi niya na nagtataka sa biglaang pagtanong nito. "Oo."

Hindi pa din lumingon si Sabina kay Paul tyaka nagpatuloy, "Is it really important for you na makitang nag e-exist ang disenyo na nai-imagine o ginawa nyo?"

Wala siyang narinig na sagot mula kay Paul. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pag salita "Gaano ba kaimportante na kayo yung nag design ng building, ng bahay at ng kahit anong pwedeng itayong gusali?" Pilitan mang itago ni Sabina ang sakit na nararamdaman pero parang pilit pa ding ipinaparamdam sa kanya ng mundo ang sakit ng pag iwan sa kanya ni Victor.

"if you get the project and your design is the best among those who presented it, how does it feel?..... Is it really a boost on your ego?....." puno ng hinanakit na sabi niya. "Ikaw Paul," lumingon siya dito "Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo makuha lang ang bagay na pinapangarap mo?"

Tinignan lang ni Paul sa mata si Sabina. Halatang nagpipigil ito ng pag iyak dahil namumula ang mga ito. Kitang kita ang lungkot na nararamadaman.

For a moment ay ganun lang silang dalawa. Magkatitigan. Walang nagsasalita. Walang nag aalis ng tingin. Taking this moment to read their emotions through their eyes.

Sabina is staring at him as if she will have the answers on her questions.

BBBEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!

Nahinto ang tinginan nila ng bumusina ang sasakyan sa likuran nila. Nag -green na pala ang traffic light.

Pinaandar na ni Paul ang sasakyan at ibinaling muli ni Sabina ang tingin sa labas ng bintana. Bawat segundo na lumilipas ang parang ramdam na ramdam ni Sabina. Bawat daan na nadadaanan nila tila napakahaba at walang katapusan. Ramdam na ramdam pa din niya ang sakit na unti unting sumisira sa loob niya. Unti unting pumapatay sa kanya.

Pasimple niyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata. Nagkamali siya dahil ang akala niya ay naubos na iyon sa magdamag niyang pag iyak. Akala niya ay mababawasan ang sakit sa paglipas ng magdamag. Gusto man niyang paniwalaan ang sinabi ni Rowena na magiging maayos din ang lahat, naisip niya na hindi na siya bata para maniwala pa dun ng ganun kadali. 

Pano magiging maayos ang lahat kung ang sarili niya mismo ang hindi maayos? Paano maayos ang lahat kung ang nag iisang aayos sa kanya ang siya mismong dahilan kung bakit niya nahihirapan.

Nagtagal ng 45 minutes ang byahe nila papuntang apartment ni Sabina ng dahil sa traffic. Hindi na sila ulit nag usap mula kanina. 

"Tuloy ka." Aya ni Sabina kay Paul ng buksan niya ang pinto ng apartment niya. "Pasenya ka na kung magulo at maliit 'tong apartment ko... Alam ko hindi ka sanay sa ganito." 

"Huh?.." takang tanong ni Paul. "Wala naman akong sinabi ahh... Kanina pa ko nakatahimik.."

"In case lang, at least nakahingi na ko ng pasenya sa'yo." 

Tinaasan lang siya ng kilay ni Paul. " Adik ka ba? Maayos naman dito ahh... Ano akala mo sa sa akin, Prinsipe?!"

Hindi na sumagot si Sabina at umakyat sa kwarto niya upang kuhanin ang mga gamit. Hindi naman 2-story ang apartment niya, meron lang 5 baytang na hagdan papunta sa dalawang kwarto sa taas.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon