CHAPTER TWENTY EIGHT (DANCE)

7.7K 213 40
                                    


Kasalukuyang busy ngayon ang mga empleyado ng Elite Corp. Lalo na ng Marketing Team sa pag aayos at pa finalize ng program para sa kanilang Anniversary Party.

Na postponed ng tatlong linggo ang kanilang celebration dahil madaming commitment ang mama ni Paul sa ibang bansa na mas na prioritize dahil mga investors sa ibang bansa ang mga ka meeting nito.

Ang Accounting Department naman ay tumutulong din para madali ang kanilang paghahanada. Hiningi ng Marketing Department ang tulong nila nga na postponed ito dati ngayon ay nagagahol sila sa oras dahil na reset ang program.

Balibalita din na sa gabi ng party nila ay ang siyang pagpapaaanunsyo ng mga bagong Board of Directors at ang pagpapakilala kay Paul bilang bagong Deputy CEO ng company.

Habang busy si Sabina sa tinatapos na list of guests ay naramdaman niya ang paglapit ng mga kasama.

Unang nagsalita si Rose. "I'm so excited na for the party mga girls."

"Ako din. Kaso wala pa kong dress na isususot." Sentimiento naman ni Precious.

Napairap lang si Letty. "Kayong dalawa party kaagad nasa isip. Hello?! Hindi pa tayo tapos mag prepare. And 4 days nalang party na. Nakakaloka talaga. Ang hirap ng ganito." Reklamo naman nito.

She save the file that she's working on at nilipat niya ang mga tingin sa mga ito. "Kaya nga. Ang hirap mag polish ng mga guests, mamaya kasi may makalimutan ako, mahirap na. Andun pa naman mga big bosses." Sabi niya sabay sandal sa kanyang upuan.

"Pero na distribute naman na yung invitations di ba?" - Letty.

"I thought komplete na yan noon pa? Di ba ok na yan dati bago pa ma postponed yung party?" - Precious.

"Oo. Double checking nalang tapos may mga additional eh. Tapos yung mga ko-cover pa ng party. May pupunta ding mga taga Business Magazine, para daw sa exposure ni Paul. So dapat wala talagang makalimutan." Sagot niya sabay himas ng sintido.

"Wow! Talaga? Mapi feature tayo sa magazines? OMG! Dapat maganda tayo girls." - Rose.

"Malay mo may maka discover satin." Sabi ni Precious sabay tili.

Kapwa nalang silang napailing ni Letty sa kakulitan ng mga kasama.

"Pero seryoso ako, wala pa kong isusuot." Dagdag pa ni Precious.

Bumuntong hininga siya. "Me too." Laglag balikan niyang sabi.

Natawa siya ng sabay sabay na umirap ang tatlong nasa harapan niya. "What?!" Kibit balikat niyang tanong sa mga ito.

Muling umirap si Rose bago nagsalita. "Alam naman natin na kahit hindi ka mag abala sa damit mo, meron at meron kang isusuot."

"Tama! Sapatos nga nabilan ka, dress pa kaya." Nakamatang sabi ni Precious.

"Eiyyy!!" Tili ni Letty. "Naalala ko nanaman nung nangyari nung isang araw! Grabe kilig ko dun Sab huh. Kung alam mo lang."

"Oo nga! Haba ng hair. Ang ganda ng shoes infairness, may taste ang Mr. CEO natin." -Precious.

Napaigtad siya ng bigla siyang kurutin ni Rose sa tagiliran. "Pwede ipakitang kiligin Mrs. CEO."

Kunwari naman itong tinampal sa kamay ni Letty. " Girl, ano ka ba? Hindi mo ba nakitang nagkulay mansanas na yung mukha ng babaeng iyan. Hindi na nga nakakain mabuti eh." Sabay tawa pa nito.

"Super romantic ni Sir Paul grabe!" - Rose.

"Never thought may mga ganun pa pala sa generation batin ngayon." -Precious.

"Wait lang." Sabi niya sa mga ito nang marinig na nagri-ring ang telepono niya.

Kumunot muna ang noo niya bago tuluyang sagutin ito. "Yes?"

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon