CHAPTER SIXTEEN (PRESENCE)

7.6K 193 2
                                    

Busy lahat ng mga empleyado sa Elite Corporation kasama na si Sabina.

Lahat pinaghahandaan dahil sa nalalapit na 51st Founding Anniversary ng kumpanya.

Dadating din daw ang mga may ari ng company pati na din ang mga partners nito.

Everybody is excited dahil madaming give away prizes para sa mga empleyado.  Generous ang company nila sa mga souvenirs as they value their employees like a family.

Sabina is busy making the quarterly report. Isa ito ang ipre-present ng Accounts Department. She's been working for this report for the whole month.

"Sobrang busy mo naman gerlash! Ka aga aga pa." Pang iistorbo sa kanya ni Letty. Nakatayo ito sa harap ng desk niya kasama ang dalawa pang katrabaho nila.

"Oo nga girl! Tignan mo nga halos kakapasok palang natin haggard ka na. Hindi mo na makuhang magsuklay. Bruha ka na!" Kantyaw naman ni Rose.

"Mag ayos ka gerlash, dadating daw ngayon ung major shareholder ng company natin. Mag mi-meeting daw about sa Anniversary Party. Mamaya madatnan kang ganyan. Wa poise! Losyang na kagad. Isipin pa nila pangit mga nag wo-work dito satin." Sang ayon naman ni Precious.

"Ang alam ko medyo istrikto yun kasi nga may edad na. Mamaya nyan mapagalitan ka pa." Gisa naman ni Letty sa kanya.

Inalis niya ang tingin sa computer tsaka hinarap ang mga nangungulit na katrabaho. "Ayaw niyo kong pagtulungan,no? Hindi nyo ba nakikita na busy ako? Kailangan kong maihabol itong report na ito para sa presentation ni boss. " sabay irap niya sa mga ito. "Don't  worry mag aayos ako mamaya. Grabe tong mga to! Ganun na ba ako ka-wasted para ganyanin nyo ko."

Sabay sabay tumango ang mga ito sabay abot sa kanya ng salamin.

Ayaw sanang tanggapin ni Sabina ang salamin pero inabot pa rin niya para lang tumigil ang mga ito at hayaan na siyang magtrabaho ng matiwasay at tahimik. Tinignan niya ang sarili at nakita nga niyang gulo na ang kanyang buhok at mejo kumalat na din ang eyeliner niya.

Nahihiya siyang napangiti sa mga ka-trabaho.

"Hay nako! Buti hindi nagloloko ng asawa mo. Syempre gusto ng mga lalaki yung mga babaeng inaalagaan ang sarili. Wala pa man din kayong anak losyang ka na." - Precious.

"Don't get us wrong Sabina, you're pretty pero you need to take care of yourself too. Tandaan! Daig ng malandi ang maganda." - Rose.

Naisip ni Sabina na dalawang beses na iyong nasabi sa kanya, una ay si Rowena nung namimili siya ng isusuot sa date nila ni Victor at nag propose nga ito. Tapos ngayon, "ganun na ba ka-outdated ang itsura at fashion ko?" tanong niya sa sarili.

"Katataba ng utak niyo!" sagot nalang niya tsaka tumayo at umalis sa table niya.

"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Letty.

"Mag aayos! nakakahiya sa mga itsura nyo." walang lingon na sagot niya sa mga ito. Narinig pa niyang nagtawanan ang mga ito.

Bago pa siya tuliyang makapasok sa comfort room, "Attention everyone!"  narinig niyang tawag ng ng Head Department nila.

Nagtagal siya ng sandali sa loob ng comfort room. Inayos niyang mabuti ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nag retouch na din siya ng make up.

Nang makuntento na sa ayos niya, lumabas na ulit siya ng comfort room at bumalik sa table niya.

Habang pabalik siya ay napansin niya na parang may nangyari habang nasa comfort room siya. Hindi mo malaman kung anong masasakit ba ang mga tiyan ng mga ka trabaho niya at parang hindi mapakali ang mga ito. 

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon