Habang nasa byahe papuntang simbahan ay hindi pa din mawala ng kaba at sayang nararamdaman ni Sabina.
Naramdaman niyang hinawakan ni Rowena ang kanyang nanlalamig na kamay at marahang pinisil tyaka siya nito nginitian. Laking pasasalamat niya dahil kasama niya ito sa loob ng sasakyan.
Naulinigan pa niyang may kausap sa telepono ang coordinator na nakasakay sa harapan. Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito dahil sobrang hina at hindi marinig ng malinaw ang mga sinasabi nito. Binalewala na lamang niya ito dahil hindi tama ang makinig sa pinag uusapan ng ibang tao.
Halos ramdam ni Sabina ang bawat minutong lumipas sa kanilang biyahe. Bawat stop light at liko ng sasakyan ay halos mabilang na niya.
Ganito pala ang ikakasal, hindi mo ma-explain ung feeling, nakakaloka! sabi niya sa sarili.
"Hoy mare!" agaw atensyon si Rowena sa kanya. "Gumalaw galaw ka naman, mamaya ma stroke ka 'di ka na umabot ng simbahan"
Tinignan niya lamang ito ng masama at bumuntong hininga. "Grabe ang kaba ko mare, hindi ko siya ma-explain."
"Oy kalma kalma lang, mamaya niyan matae ka sa kaba, paghintayin mo pa ang groom mo." patawang komento nito.
Nang hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng muka niya ay hinawakan ni Rowena ang magkabila niyang pisngi. "Mare, ikakasal ka lang hindi ka bibitayin."
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Nagpapasalamat talaga siya dahil kasama ito sa loob ng sasakyan kundi ay kanina pa siya siguro nawalan ng malay dahil sa kaba.
Tatlong beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Salamat sa Diyos at effective naman nabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.
Makalipas ang ilang minuto ng sa wakas ay nakarating na sila sa simbahan. Huminto ang bridal car sa gilid ng simbahan.
Laking pagtataka ni Sabina at Rowena kung bakit doon sila huminto na dapat sana'y sa harapan.
"Ms. Rea." tawag ni Rowena sa coordinator. "Bakit dito tayo huminto? 'Di ba dapat sa harapan?"
"Sandali lang po may aasikasuhin lang ako." paalam nito at bigla na lamang bumaba ng sasakyan.
Kahit nagtataka ay pinag kibit balikat na lamang nilang dalawa ang sinabi nito. Marahil ay may kailangan pang ayusin sa loob ng simbahan.
Lumipas ang trenta minuto ay hindi pa din ito bumabalik at wala pa ding nagsasabi sa kanilang magsisimula na ang kasal.
Nagpasyang bumaba si Rowena para tignan ang nangyayari sa loob ng simbahan. "Dito ka muna huh? 'wag ka munang bababa.Titignan ko lang kung anong nangyayari at sinansapot na ko kakahintay" sabi nito sa kanya.
Tumango lamang siya dito bilang sagot.
Hindi na niya mapigilang makaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Nang tumingin siya sa orasan ng sasakyan ay 10:15 na, 9:30 naka-schedule ang kasal nila.
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
General FictionI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...