"Pinapakawalan na kita.""Bakit? Hindi mo ba ako mahal?"
"Bakit? Ako ba mahal mo?"
Nagulat siya sa tanong nito.
"Alam nating dalawa ang totoo. So bakit pa natin pahihirapan ang isa't isa."
Napapikit siya.
"Alam kong mahal mo pa din siya." Umiling ito. "Nakikita ko iyon. At hindi ako bulag."
"Pero ikaw na ang kasama ko ngayon. At iyon ang mas mahalaga." Pagsusumamo niya.
"I can't be with you. May mahal akong iba."
Nagulat siya sa sinabi nito. Aaminin niyang may mali din siya pero....
"May mahal kang iba. May mahal akong iba bakit pa natin pinagtatagal tong relasyon na ito."
Pumatak ang mga luha niya. Ang sakit.
"For weather forecast: Magiging maulan po buong maghapon na may kasamang marahang ihip hangin."
"Ang drama masyado ng pinapanood mo." Reklamo ni Paul sa kanya.
Napanguso siya sa paglipat nito ng channel ng TV.
"Minsan ko lang mapanood ung drama na yun, hindi mo pa ako pagbigyan." Maktol niya.
Tumabi na ito sa kanya sa sofa at inakbayan siya.
Sumandal siya at ginawang unan ang braso nito.
"My dear wife, dapat current events ang pinapanood mo para updated ka sa mga nangyayari sa mundong ibabaw."
"Tss."
Patuloy ito sa paglipat ng channel at tila hindi mapakali.
"Anong channel na ulit iyon?" Tanong nito sa sarili.
Habang siya naman ay pinagmamasdan lang ang tv na paiba iba ng channel.
She lazily put her feet over the center table.
"Nahihilo na ko. Anong channel ba ang gusto mo?""Wait lang. Just relax."
Nang makita ang hinahanap na channel ay tumuwid ito sa pagkakaupo at ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
She give him a what-are-you-doing-look.
Nang napansin nitong nakatingin siya at hinawakan nito ang mukha niya at pinihit paharap ng TV.
Mag po-protesta sana siya pero napatitig nalang siya sa TV ng makitang ini-interview ang asawa niya sa Lifestyle Network.
"Kailan yan?!" Manghang tanong niya.
Nagkibit lang ng balikat si Paul.
"Mr. Cervantes, can you give us a brief information regards the new contract which you signed with The Montreal Incorporated." Tanong ng interviewer.
"And what do we expect from that project." Dagdag pa nito.
"Well. Of course, a world class design buildings and subdivisions is our vision and provide the market....."
Madami pang sinabi ang asawa niya. Pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil nakatitig lang siya sa asawa habang nagsasalita ito.
She got stunned with his oozing appeal. To the way he talks. To the way he answered those questions flawlessly.
Everytime he tilt his head and give a boyishly smile when he crack a joke, you can here gigles from the audience.
And everytime he's looking straight to the camera, she got hypnotize. His eyes is talking to her.
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
Ficción GeneralI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...