CHAPTER FIFTEEN (MEMORY)

6.8K 196 4
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Pumapasok na ulit siya sa trabaho at pilit intinutuon nag buong atensyon sa trabaho ng sa ganoon ay hindi niya maisip ang mga bagay na  nangyari sa mga nakalipas na araw.

Unang araw na bumalik siya sa trabaho ay agad siyang kunilit ng mga ka-officemate niya tungkol sa kasal. Pati na din sa honeymoon. Pero nginitian nalang niya ang mga ito at wala siyang balak i-detalye ang mga nangyari at madalas siyang sabihan na KJ ng mga ito.

Marami din nagtanong sa kanya kung ano ng nangyari kay Victor dahil akala ng mga katrabaho ay ito ang boyfriend niya dahil madalas ito ang nakikitang nanunundo sa kanya. Again she just smile at them.

Good thing that she managed to keep their relationship in private. Madami din naman siyang kaibigan sa office pero hindi lang talaga siya pala kwento tungkol sa lovelife niya. 

"Kamusta ang bagong kasal?" tanong sa kanya ng ka-officemate niyang si Letty.

Nag angat siya ng ulo mula sa pagkakatutok sa computer. "Oh, kelan ka pa nakabalik?" balik tanong niya. Isa ito sa mga malalapit na ka-officemate niya. Kagagaling  lang nito sa maternity leave kaya matagal din nawala. Hindi na din ito nakapunta sa kasal niya dahil nagpapahinga at nag aalaga ng bagong silang na anak.

"Ngayon lang. Uy ninang ka ni baby Lester huh." 

"Hindi pwedeng tumanggi di ba?.." nagbibiro niyang sagot dito.

"Oo, masama, hindi ka magkakaanak. Maiba tayo, Hindi ka ba magku-kwento about sa kasal mo? Kelan ko mami-meet ulit asawa mo?" 

"Some other time Letty. Please." May paumanhin niyang sagot dito. Hindi pa siya handang pag usapan at mag kwento sa nangyari sa kasal niya. Although natuloy naman at hindi siya nasabihang tinakbuhan na groom kaya hindi natuloy, still, ang lalaking dapat makakasama niya habang buhay hindi pa din sumipot sa kanilang kasal.

Nakuha naman kaagad ni Letty ang gustong iparating ni Sabina. Nagtaka man ay hindi na ito muling nangulit.

Hiniling na lang ni Sabina na sana one day kaya na niya iyong i-kwento sa iba na hindi na nasasaktan at hindi na ganito ka apektado sa twing naiisip ang mga nangyari.

-------------

Naging maayos din ang araw araw na pamumuhay nila Sabina at Paul sa iisang bubong. 

Napapakisamahan nila ng isa't isa. Although hindi pa din sila nakakapag usap ng masinsinan about sa current situation nilang dalawa. Wala din naman nag o-open ng topic about sa nangyari. They are giving themselves time to adjust and accept things that had happened.

"How's work?" tanong ni Paul isang hapon pagkagaling ni Sabina sa trabaho.

"Tiring" sagot niya lang habang hinuhubad ang sapatos. "Daming work ngayon 3rd quarter reporting kasi. Buti nga next two weeks pa yung submission kaya maaga pa ko nakakauwi. How about you?"

"Toxic." sabi nito habang nakasandal ang ulo sa sofa. "You know what happened? I know its not my story tell but.... I will say it anyway... One of the engineer's wife made a commotion in the site. She's gone crazy.. She was shouting as if she swallowed a megaphone.. That her husband is cheating on her.. Her husband has a 18 year old mistress..  And you'll get surprise how old is the man..."

"How old?" Tanong niya ng biglan tumigil ito.

"Fifty eight.." casual na sagot nito na nagpanganga kay Sabina. "Yeah I know, parang anak na niya. At hindi lang 'yon, habang hindi pa lumalabas ang asawa niya pinagbabato niya ang ilang mga construction materials. Maybe if she's carrying a gun it would be a massacre. Then, we just talk to him to fix his wife 'because it's a bad image in our site and in the company for such scandal."

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon