CHAPTER THIRTY SIX (FALLING)

6.1K 242 127
                                    


"Kamusta ka naman Mare?" Maingay na bati sa kanya ni Rowena pagkaupong pagkaupo nito sa harapan niya.

"Na-miss ko ingay mo in fairness." Natatawang sabi niya. "San ka ba naglalagi?"

Malawak itong ngumiti. "Raket." Tinaas taas pa nito ang mga kilay.

"Raket o lalaki?" Mapanuksong tanong niya.

She smile widely. "Both." Tila kinikilig kilig pa.

"Basta lalaki tuwang tuwa ka. Wala ka namang boyfriend." Natatawang dagdag niya.

"Hep hep!" Tinaas nito ang kamay para pigilan siya sa mga sasabihin pa niya. "Sabi ko naman sayo masyadong pinapaganda ni Lord ang love story ko kaya it takes time. And I believe in the saying that.. 'Great things come to those who wait.' Kaya hintay hintay ka lang. Kapit lang."

"May nakilala pala ako. Ang gwapo! Super gwapo!" Kumikislap kislap pa ang mga maga nito. "Kasing gwapo ng asawa mo, promise."

Napataas ang kilay niya. "Weh? Di nga?"

Naningkit naman ang mga mata nito. "Ang yabang mo din no. Oo nga maniwala ka. Ang gwapo, as in! Makalaglag panty. May ari nung bar na kinakantahan ko. Mabuti nga hindi ako nagde-destruct pag kumakanta ako."

Napatango siya. "Babaero for sure."

"Tumpak!" Pumalakpak pa ito dahil tama ang sinabi niya. "Iba iba nga babae nun halos gabi gabi." Balewala nitong dagdag.

"Eh bakit gusto mo pa din?"

"Challenge yun Mare. At ang masaya pa dun, ayaw niya sa akin." Natutuwa pa nitong sagot.

"At masayang masaya ka pa talaga huh."

"Of course! Gusto ko hard to get
And I have a feeling. This is it! This is really is it!"

"Good luck dun sa lalaki. Ngayon palang naaawa na ko sa kanya."

"I'm so touch Mare, napaka suportive mo talaga kahit kelan." Note the sarcasm in her voice. "Maiba tayo, tumataba ka Mare." Puna sa kanya ni Rowena.

Napairap siya. "Stress na nga ako nataba pa. Hay naku! Ang sarap kasing kumain."

Natawa naman si Rowena habang hawak ang baba niya. "Double chin ka na."

Tinabig niya ang kamay nito saka binato niya ito ng tissue dahil sa inis. "Bwisit ka! Na-conscious tuloy ako sa weight ko."

Mas lalo lang natawa ang kaibigan niya. "Mare, mag balik 'A' program ka na. Sige ka matisod si Prince P sa kandungan ng iba, hindi ka makawala."

"Napakadami mong alam Rowena." Napailing nalang siya.

Bigla namang sumeryoso si Rowena at tumitig sa kanya.

She felt uneasy all of a sudden.

Biglang napalitan ng tensyon ang kaninag masayang usapan nila.

"Sabagay, mukha namang wala kang pakialam kahit na kuhanin siya ng iba. Baka nga hindi mo pa mamalayan na nawala na siya sa iyo." Sabi nito sabay inom sa kape nito. "Because you were too busy finding answers to all your questions." Dagdag nito.

"And to add to that, you were to busy entertaining your ex."

Umiwas siya sa tingin dito. "Alam mong hindi totoo yan." Sabi niya sabay inom sa Mocha Frappe niya.

"You can fool others. But you can't fool yourself Sabina."

Binaba niya ang hawak na frappe. "Gulong gulo na ko Rowena. Kahit sarili ko kinu-kwestyon ko na. Alam kong kung sinong mahal ko. Pero ang gulo gulo na."

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon