CHAPTER ONE. (THE ENGAGEMENT)

19.1K 237 4
                                    

 "Mare, dalian mu naman kumilos diyan maabutan tayo ng matinding traffic. 10 years kung gumayak!" pagmamadaling sabi ni Rowena sa kaibigan. "kung makapag ayos ka diyan parang date muna ahh!"


Nagkasundo ang magkaibigan na magpunta sa mall para mamili ng isusuot para sa pinakahihintay na date ng kaibigan kinabukasan.


"Wait ka lang dyan mare, maaga pa naman kung makapagmadali ka parang tatakbo ang mall sayo" sakastikong sagot ni Sabina sa kaibigan


Bukas ang 3rd Anniversary ni Sabina at ng boyfriend niyang si Victor. At nagpasama siya sa kaibigan para bumili ng susuotin nya sa celebration nilang dalawa.


"Alam mu mare, feeling ko magpro-propose na si papa Victor sayo." Kinikilig na sabi ni Rowena habang pinapanuod mag ayos ng buhok ang kaibigan.


"Ano ka ba?! 'wag mu ngang sabihin yan mamaya mag expect ako tapos hindi naman pala mangyayari di na hurt ang feelings ko pag ganun." Suway ni Sabina.


"Kunwari ka pa diyan! If I know kaya ka magpapaganda, yun din kasi inisip mu!" pairap na sagot ni Rowena. "Epal nito! May pa hurt hurt pa ng feelings na nalalaman, malakas ako kumutob kala mu!"


"Tyaka, for me, Victor is your destiny! Your soul mate! Your one and only true love! Your habibi! Your everlasting love!  Your everything!" sigaw pa ni Rowena.

"Corny mu! Mas excited ka pa skin."  Hinampas niya ng bag ang kaibigan. "Daldal ka ng daldal diyan, tara na!" at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto niya.


"Tigan mu 'to!" sumunod na din itong lumabas ng kwarto. "Oh My God Almighty, bakit nyo po ako binigyan ng ganiton g friend?! Pakipot!"



After 15 minutes na rating na nila ang mall. Hinila kagad ni Sabina ang kaibigan sa jeans section.


"Mare! Bakit diyang tayo pupunta?"  pigil ni Rowena.

"Anu ka ba?! Di bibili, anu pa bang gagawin natin dito magkakape?"

"Ay ina apo! Anu bang klaseng babae ka?!" napakamot ng ulo si Rowena. "San ka nakakita anniversary date naka jeans, umamin ka nga tomboy ka noh?!"


"Grabe ka naman!" pinanlakihan nya ng mata ang kaibigan."porket naka jeans tomboy na agad, hindi ba pwedeng mas komportable lang 'pag naka jeans?" sabay irap niya sa kaibigan.


"Alam mu mare"  sabay lagay ng dalawang kamay sa balikat ni Sabina. "sa panahon ngayon hindi na in ang boyish lalo na sa eded natin. Ang trending ngayon mga skirts, dresses, shorts, GANUN!" pinandidilatan pa siya nito "Yung nagpapakita ng skin. Makinis ka naman db? Wala ka naming piso-piso sa binti. Bahala ka magpakamanang ka diyan mamaya masulot pa sayo si papa Victor, ikaw dn?! Sising alipin ka. Sabi nga nila "daig ng malandi ang maganda"


"Kaloka ka Rowena, ang dami mu ng sinabi. Super advance ang thinking mu, grabe"  natatawang sagot ni niya. "Tyka hello? Bata pa ko noh? Bente singko lang ako FYI!" sabay nguso sa kaharap.


"Ikaw na bata! Ako na 29!. Ang sinasabi ko lang naman, dapat mag ayos ka" pangugulit pa din ni Rowena habang namimili sila.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon