"Mama, natatandaan mo noong bata ako at nakita ko kayong nag aaway ni papa?"
Tumango lang ang Mama niya.
" Tinanong ko kayo kung bakit kayo nag aaway ng Papa?" malungkot niyang kwento.
"Ang sagot mo noon, "Maiintidihan mo din paglaki mo Sabina." sabay sabay pumatak ang luha niya na kaina pa niya pinipigilan.
"Mama, malaki na ko, bakit hanggang ngayon hindi ko pa din naiintidihan?" patuloy pa din siya sa pag iyak.
Walang nagawa ang kanyang ina kundi yakapin ang aluhin siya. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na anong salita sa bibig. Alam niyang kahit anong sabihin niya ai hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ang anak.
"Mama, ang sakit sakit, siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Pero bakit hindi pwede?" tumingin siya sa kanyang ina para makakuha ng sagot, pero malungkot lamang itong nakatingin sa kanya.
"Bakit hindi pwede?!! Bakit Ma?!" sigaw niya.
"Nang dahil lang sa kapirasong papel nagbago na ang lahat?! Nang dahil sa kapirasong papel hindi na ko pwedeng sumaya?! Nang dahil lang sa kapirasong papel hindi ko na siya pwedeng makasama?!" paulit ulit na tanong ni Sabina habang patuloy sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
General FictionI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...