CHAPTER ELEVEN (WITHOUT YOU)

7.5K 170 9
                                    

Dumiretso sila Paul, Sabina at Rowena sa kainan. Gaya ng aya ni Paul sa kanila ay Bulalo ng ang inorder ni Paul.

Laking gulat pa nilang dalawa ng dalin sila nito sa isang simpleng canteen lamang na mga simple tao lang ang mga kumakain.

"What?!" takang tanong ni Paul ng makitang nakamata silang dalawa dito ng umupo at makapili sila ng lamesa. "Hindi ba kayo kumakain sa ganito? Masarap kaya sa ganito. Mura pa."

Lalong pinalakihan ng mata ni Sabina si Paul. Gulat na gulat siya dahil kumakain pala ito sa ganitong klaseng kainan. Kung titignan mo ito ay kitang kita ng anak mayaman o may sinabi sa buhay. Sa suot nitong pink na polo shirt ay hindi maiwasan ng mga taong kumakain sa canteen na tignan ito. Mukha kasing sobrang bango ito at malinis. Sosyal kung baga.

"Nagulat lang kami na kumakain ka sa ganitong lugar. Well malinis naman dito. Pero hindi ko lang talaga inaakala na napapakain sa ganito. At sa mura pa." - Sabina.

"Sabi mo nga malinis dito. Tsaka praktikal mura pa, sarap kaya bulalo dito." paliwanag nito. "Lagi kaming nandito ng mga barkada ko nung college kami. Naalala mo yung mga ugok kaninang maga sa bahay? Lalo na si Miko, kayang umubos ng dalawang order yun. Swerte nga ng ugok na yun, kahit napakatakaw, hindi tumataba." komportableng kwento nito.

Paul is such a breath of a fresh air for Sabina. Bagong tao sa bagong buhay niya. Isa pa mukhang hindi ito tulad ng mga anak mayaman na maselan at kahit Architect ay mukhang napakadali pa ding lapitan. Misteryo pa rin sa kanya kung bakit siya nito tinulungan at pumayag na makasal sa kanya. Eventually magsasabi din nito ang sariling dahilan. Parang wala itong problema at sobrang gaan lang ang tingin sa buhay. Chill lang. At ang mga banat nitong hindi mo malaman kung seryoso ba o hindi.

"Nakatitig ka na naman, my wife." sinapo nito ang baba tsaka tumingin sa kanya habang nakangiti. 

Inirapan niya ito. Naisip ni Sabina na ilang beses na nitong nahuli na nakatitig siya dito. Nakakahiya at baka mamaya anong isipin. At ilang beses na siya nitong tinawag na 'my wife' na para bang nang aasar lang at hindi alam kung anong ibig sabihin noon.

"Ehem!" agaw pansin sa kanila ni Rowena. "Uhm.. pwede mamaya na kayo mag lambingan. Alam kong honeymoon stage niyo pa pero wag niyo naman akong i-OP.... Aray!!"

Kinurot niya ito sa tagiliran para huminto na sa pagsasalita. 

"Pasenya ka na. Mapanakit lang talaga 'tong kaibigan ko. So ikaw na bahalang umilag kapag sinusumpong na naman. Masasanay ka din. 'Wag mo nalang din idemanda ng physical injury, kawawa naman." paliwanag ni Rowena kay Paul.

Kukurutin pa sana ulit ito ni Sabina ng dali dali itong lumipat at umupo sa dulo ng lamesa. Nangungulit na ito na parang hindi nangyari na kanina lang ay tameme at hindi makapagsalita sa harap ni Paul.

Parang nabasa naman ni Rowena ang iniisip niya at bigla nitong kinausap si Paul. "Pasenya ka na kanina. Nag-malfunction yata yung utak at katawan ko kaya hindi ko nakapagsalita nung  kinausap mo ko..." nakangiti pa ito. "Ganun yata ako kapag nakakakita  ng gwapo."

Inilagay nalang niya ang kanang kamay sa mukha  at tyka umiling dahil sa sinabi ng kaibigan. Minsan talaga umiiral ang pagiging taklesa nito at hindi na iniisip ang mga sinasabi. Masyadong madaldal. Mamaya isipin ni Paul ganun silang klaseng babae.

Pero imbis na ma-turn off  si Paul ay lalo itong natawa sa sinabi ng kaibigan. "It's fine, wala yun." tsaka tumingin at kumindat sa kanya. "Magkakasundo kayo ni Marlon. Sobrang kulit din nun. I wonder kung kaya mo siyang hindi pagsalitain."

"Well, I want to meet him one day..." tumingin ito kay Sabina na magkasalubong na ang kilay sa kanya. "Or not..."

Nahinto ang pagku-kwentuhan nila ng dumating na ang in-order nilang Bulalo. Umuusok pa ito ng inihain sa mesa.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon