CHAPTER THIRTY ONE (REGRET)

6.6K 194 57
                                    


Inubos niya ang laman ng bote ng beer at muling nag order ng panibago.

"One more."

Agad naman siyang binigyang ng panibagong bote ng bartender.

Hindi na niya mabilang kung pang ilang bote na niya iyon ngayong gabi.

It's his every night habbit since he found out that the love of her life is already married.

Married to his Boss.

"Argh!" Daing niya sabay hilamos ng palad sa mukha.

Nasuntok din niya ng mahina ang sementadong bar table.

Lagi siyang naiirita at hindi malaman ang gagawin sa tuwing sinusuntok siya ng realidad.

Realidad na hindi na sa kanya ang kaisa isang babaeng minahal at pinangarap.

Tila masisiraan siya ng ulo kapag naaalala ang lahat ng mga masasayang araw na kasama niya si Sabina. Panahon na hawak niya ito. Na yakap siya nito. Ang mga halik at tawa nito. Na siya lang nag tanging nakikita nito. Na siya lang ang nag mamay ari at wala ng iba pa.

Frustration.

Depression.

Irritation.

Regret.

Pain.

Lahat na ata ng pwedeng salita para mag describe ng sakit na nararamdaman niya ay hindi pa din sapat.

Akala niya magiging maayos ang lahat pagbalik niya galing Singapore. He's very excited when he found out that the company will send him to Philippines.

He made plans to get Sabina back. Alam niyang masakit ang nagawa niyang pag iwan dito sa mismong araw ng kasal nila. But he is willing to do everything just win her heart again. 

Naisip niyang maiitindihan nito ang ginawa niya, dahil alam nito ang lahat ng mga pangarap niya. Kung gaano ito kaimportante sa kanya. Pangarap bilang arkitekto at pangarap na magksama sila.

She's planning to surprise her. He found out that the company he's working now and the company she's working with, have the same owners. And apparently doon din siya sa opisina nito nag o-office. Inakala niyang mapapadali ang pag suyo niya dito dahil magkakasama sila araw araw.

Kaya naman sobra siyang na excite ng araw na nag umpisa siyang magtrabaho sa Elite Corp. 

So when he saw her face that day, God knows how much he try to stop himself from pulling her closer to him. To make her his again.

But the desire and determination he have, vanished in a blink of an eye when a man put his arms around Sabina in front of him.

He's speechless.

It caught him off guard.

That was the last thing he expected.

Sabina in the arms of the other man.

Napapikit siya ng mariin ng maalala ang araw na iyon . At mas lalo siyang na frustrate dahil wala siyang magawa. 

Naangat ang ulo niya sa bar ng may unakbay sa kanya. "Pare. Andito ka na naman." 

He chuckled. "Bakit ayaw mo ba na nandito ako? Nagbabayad naman ako ah." Sagot niya sa kaibigan niya na may ari ng bar.

"Its not that pare. I mean, lagi ka nalang nagmumok dito." Sagot ni Tristan.

Inubos niya ang laman ng hawak niyang baso at muling nag order na isa pa.

Hinintay niyang naibigay sa kanya ang in-order na alak bago nagsalita muli. "I found her." Malungkot niyang sabi.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon