Hindi mapakali si Sabina habang nakasakay siya ng elevator papababa sa department nila.
Ilang beses na din siyang huminga ng malalim para mabawasan ang tensyon na nararamdaman at bilis ng tibok ng puso niya.
Tumingin siya ulit kung anong floor na dahil parang sobrang tagal ng elevator bumama. Pinindot niya paulit ulit ang level ng department nila dahil sa tingin niya mapapabilis nuon ang pagbaba niya.
Agad siyang lumabas ng elevator pagbukas na pagbukas nito. Dahil sa pagmamadali ay nakabangga pa niya ang isang empleyado. Dahil sa tensyon na nararamdaman ay hindi na din siya humingi man lang ng pasensya o sinulyapan man lang ito.
Nagtuloy tuloy siyang pumasok sa kanyang Department dumiretso sa kanyang table. Una ay umupo siya sa kanyang silya, pero dahil hindi pa din siya mapakali tumayo ulit siya. She cover her mouth with her both hands to prevent her in screaming.
Nagpabalik balik na din siya sa paglalakad. Hindi din siya makapaniwala sa kanyang ginawa. Ano nga bang ang naisip niya bakit niya hinalikan si Paul?
AHH!! Sabina, ano ba yang pinag gagawa mo? Nasisiraan ka na talaga, pagalit niya sa sarili.
"Hoy Sabina! Ano ba yang ginagawa mo? Ako nahihilo sa iyo." pigil sa kanya ni Rose.
Tumigil siya sa paglalakad tyaka umupo . Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "I kissed him." sabi niya sa hindi makapaniwalang tono.
"Sino?" Takang tanong ni Rose. "Si Sir Paul? Bakit ganyan ka maka react? Natural lang yun asawa mo siya noh? Minsan talaga Filengera ka din eh, makareact ka, first kiss mo girl?" litanya nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. If only things are normal between them then hindi na kailangan pang makaramdam siya ng ganito na tila may ginawa siyang pagkakamali sa buhay niya.
Mayamaya ay lumapit si Letty sa table niya at may nilapag sa folder sa table niya. "Oh! Yan yung mga papers na pina-sign mo daw kay Sir Paul. Iniwan mo nalang daw kasi sabi Jenny. Hahanapin ni Manager yan"
Nakamata lamang siya dito at hindi niya naiintindihan ang mga sinabi nito. Masyado siyang na-te-tense ngayon. Sinubukan niya ulit huminga ng malalim baka sakaling kumalma siyia. Pakiramdam niya kasi parang kumukulo hanggang ngayon ang dugo niya sa buong katawan.
"Hoy Gerlash! Ok ka lang ba? Bakit ba para ng may sakit ka? Ang pula pula mo pa!" - Letty.
"Kaya nga, ewan ko din ba diyan kanina pa ganyan yan e, kung anu ano pa sinasabi. Parang first kiss nila ni Sir Paul kung maka react." sarkastikong sabi ni Rose.
Letty look at her closely. Binabasa nito ang reaksyon at kinikilos ng kaibigan. Napapansin din niya na parang kakaiba ang mga kilos nito simula nung naging in charge na ang asawa niyo sa kumpanya nila.
"Sumama sa akin." kinuha ni Letty ang kamay niya tsaka hinila palabas ng kanilang Department.
Nakarating silang dalawa sa open area ng building na isang palapag lang mula sa floor nila tsaka pa lamang binitawan nito ang kamay niya.
"Magsalita ka na. At wag mong sasabihing wala lang. This past few months laging malalim ang iniisip mo. Lagi kang pre occupied at hindi lang yun, you need to explain your marriage with Sir Paul." tuloy tuloy na komprontasyon nito.
Naupo siya sa bench malapit sa may pintuang rooftop. Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin dito ang totoo.
Tumabi ito sa kanya tsaka hinawakan ang kamay niya. "Sab, you can talk me. You can trust me."
Huminga muna siya ng malalim bago napa desisyon ng ikwento dito ang nangyari.
"What?!" sigaw nito ng sabihin niyang hindi siya sinipot ni Victor sa kanilang kasal. "Kaya nagtataka ko kung bakit si Sir Paul ang asawa mo. G*go naman pala yung Victor na yun eh! Wag siyang magpapakita sa akin kundi puputulan ko siya. Grabe! nagawa niya yun sa'yo?"
BINABASA MO ANG
I'm His Accidental Wife
General FictionI only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with him". I'm Sabina, and today is my wedding day. I'm so lucky that I am marrying the man of my dreams, the man who will complete me. Everything...