CHAPTER TWELVE (LOVE AND DRESS)

7.2K 290 8
                                    

Everything went smoothly so far. Lumipas ang mga araw na magkasama sila Paul at Sabina sa bahay. May mga adjustment dahil sanay silang mag isa lang sa bahay.

Hindi naman masyadong nahirapan si Sabina sa paglilinis ng condo dahil twice a week ay may nagpupuntang house keeping para mag linis at mag ayos dito.

Naka-leave siya ng two weeks sa opisina dahil sa honeymoon niya 'dapat'. Pero dahil nga sa nangyari she's spending it on Paul's condo - resting.

"Kelan ka nga pala papasok ulit sa office mo?" tanong sa kanya ni Paul habang magkatabi silang nanunuod ng movie sa living room ng condo.

"Naka-leave ako hanggang next week." walang tingin na sagot niya kay Paul habang sumusubo ng chips. "Ikaw?"

"Next week din papasok na ako. Nakakainip din pag walang ginagawa. Sayang brain cells ko."

Napatingin si Sabina sa sinabing iyon ni Paul. Hanggang ngayon ay nabibigla pa din siya mga banat nito. Napailing nalang siya at muling ibinalik ang atensyon sa TV.

"By the way." sabi ulit nito. "Tonight is my Grandma and Grandpa's wedding anniversary.. So I will take you there and introduce you as my wife."

Naibuga niya bigla ang iniinom na pineapple juice sa narinig niyang sinabi nito. 

"What happened to you?' agad siyang binigyan nito ng tubig at tissue.

Ininom niya ang tubig ang nagpuans ng tissue bago nagsalita. "Are you even serious Paul?"

"Do I look like I'm making a joke?"

"Ang daming araw na lumipas na pwede mong sabihin sakin about dito. Why just now?" napataas na ang boses niya sa nararamdaman na inis.

"What's the problem? We're just going to attend the party. What's the big deal?!"

Napapikit nalang si Sabina sa frustration niya. Hindi naman sa ayaw niyang makilala ang mga kamag anak niyo. At wala din naman siyang balak maging secret wife. Naging mabilis na nga ang pangyayari sa kasal nila tapos itatago pa siya. At hindi niya pahihintulutan iyon.

"Don't tell me wala kang isusuot kaya ka nagkakaganyan?!" amaze na tanong sa kanya ni Paul.

Lalo siyang sumimangot dahil totoo ang sinabi nito. Hindi naman kasi siya mahilig mag formal dress o party dress dahil hindi naman siya madalas magpunta sa mga ganung okasyon. Puro casual, jeans, t shirt at pang office ang mga damit niya. Naiisip pa lang niya na pumunta doon suot ang iyon ay for sure na iba nag magiging tingin sa kanya.  'first impression last' sabi nga nila. 

Hindi napigilan ni Paul ang pag ngiti sa dahilan niya kung bakit siya nagmamaktol.

"'Wag mo nga kong pag tawanan. Nakakainis ka!!... Ang daming araw, di sana nakabili pa ako ng isusuot ko." sabay hampas ng throw pillow dito.

"Someone wants to impress her in laws" tukso sa kanya nito.

"Ayokong humarap doon ng mukha kong gusgusin.. Taska kahit saan lugar at okasyon dapat presentable ka lagi." maktol niya dito. "Hindi mo kasi ako naiintindihan."

Huminto sa pagtawa at pang aasar si Paul. "Do you think I will let you look like that in front of my family. No offence, you are beautiful, but I won't let them look down on my wife." tumayo ito at dumiretso sa kwarto nito.

Pag labas nito ay meron na itong bitbit na black paper bag at inabot sa kanya.

Kinuha niya ito at agad tinignan ang laman. It's a black dress with full lace sleeves at hangang kalahati ng binti ang haba. Maganda ang tela at halatang mamahalin. 

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon