CHAPTER SEVENTEEN (AFFECTION)

7.4K 218 6
                                    

"San kayo nagkakilala ni Sabina?"

Hindi akalain ni Sabina na sobrang hirap sagutin ang tanong ni Rose. Maloloka sa siya kakaisip kung ano bang dapat sabihin sa mga ito.

At isa pang ikinaiilang niya ay ang pagtitig sa kanya ni Paul. Trying to communicated with her or what. Hindi niya din mabasa ang kung anong iniisip nito.

Magsasalita na sana siya ng biglang itong sumagot.

"Actually... It's a long story.. Lunch break will not be enough.. " kaswal na sagot nito.

Nakahinga naman ng maluwag si Sabina dahil sa sagot nito. At ngayon advantage ang pagiging boss ni Paul para hindi na ito kulitan pa ng mga ka officemate niya.

Nagpatuloy na sila sa pagkain. Pero muntik ng mabilaukan si Sabina sa dinugtong nito.

"What's important is... this lovely girl beside me is MINE." he said sweetly.

Nang ibaling ni Sabina ang tingin dito. Wrong move. Dahil pagkatamis ng ngiti nito sa mga labi. Hindi man aminin ni Sabina ay alam niya na kinilig siya sa loob loob niya. Well, who would not be? Who would not be affected by his charm. Even his personality added to his looks and charm.

Tila kinilig naman ang tatlong officemate niya. Hindi ito magkamayaw sa pag ngiti at sa pag kurot sa isa't isa. Mukhang mas sila pa ang kinilig kaysa kay Sabina.

-----------

After lunch ay bumalik na ulit sila sa taas. Hindi na din sila hinatid ni Paul sa Department nila dahil kailangan daw ito sa office niya. And to her surprise again, before going out in the elevator, Paul gave her a kiss on her head from behind. Hindi ito napansin ng mga officemate niya dahil nauuna ang mga itong maglakad.

When she's back to her senses ay muli siyang lumingon sa elevator pero nakasara na ulit ito.

"Gerlash! Nag daydream ka na naman." - Letty.

"Yaan mo na nasabihan kasi ng 'This lovely lady beside me is MINE.'" gaya nito sa sinabi ni Paul kanina at sabay kinikilig na tawag ni Precious. "Ay kinikilig ako!"

Hindi na lang niya pinansin ang pang aasar ng mga ito. At dumiretso na siya sa table niya.

At kagaya kaninang umaga ay hindi na niya mai-tuloy tuloy pa ang ginagawa dahil masyado nang maraming tumatakbo sa isip niya. Well hindi marami kundi may isang taong tumatakbo sa isip niya.

What's with him today? tanong niya sa sarili. Hindi naman siya ganun nitong mga nakaraang buwan? For sure he's not doing it for show kasi hindi naman namin kailangan magpanggap at paniwalain ang mga tao. Pwede ngang hindi namin sabihin na mag asawa kami. Hais!! nadukdok siya sa pag iisip sa mga inaakto ni Paul. Ano bang ginagawa niya?

Wala sa isip na hinawakan niya ang buhok, trying to feel again the kiss that he gave a while ago. Kailangan naming mag usap mamaya, hindi pwedeng hindi. Lalong magugulo ang buhay ko nito. Huminga siya ng malalim tsaka sinubukan ipagpatuloy ang ginagawa.

Mahado nang maraming nangyari ngayon kaya para tuloy napakahaba ng oras. Hindi na din natapos ni Sabina ang ginagawa dahil pagod na siya - pagod na ang utak niya kakaisip.

Nang oras na ng uwian, she decided na hindi siya mag o-overtime ngayon . Masasayang lang din ang oras niya dahil baka hindi din siya makagawa ng maayos at magkamali pa. Mas malaking problema pag nagkataon.

"Psst!" narinig niya habang inaayos niya ang bag niya. Hindi niya ito pinansin dahil sa pag aakalang hindi siya ang tinatawag.

"Psst! Hoy sabina! " tyaka lamang siya lumingon ng marinig ang pangalan. "Suplada ka. Kanina pa kita tinatawag." reklamo ni Rose sa kanya.

I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon