Noong inanunsyo sa akin ng adviser namin na may bagong papasok sa room ay nagulat ako dahil second quarter na at bilang ako ang presidente ng klase, ako ang unang nakakaalam ng nangyayari. Ibinigay niya sa akin ang pangalan ng bago at mas lalo akong nagulat noong makita ang pangalan ng kababata ko, Catherine Zauza Ignacio.
Nakita ko siya sa labas ng gate, mukhang ito ang unang araw niya. Bumaba siya sa kotse nila gamit ang isang kamay at maraming nagtinginan dahil sa ganda niya. Nakasuot siya ng uniform, nakamake-up na bagay na bagay sa kaniya, nakangiti, cat eyes at mas lalo pang nanliliit ang mata niya kapag nakangiti siya, matangkad na rin siya ngayon.
Nang makapasok siya sa gate, tumitig siya sa akin na animo'y kinikilala ang buong pagkatao ko. Nilapitan ko siya dahil akala ko nakilala niya ako.
"Ms? Anong section mo?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman na magiging kaklase ko siya. "Gusto mo ba ng tulong?"
"No, thank you!" Nagmadali naman siyang naglakad papunta sa ibang direksyon.
Aaminin ko, nagalit ako sa kaniya dahil hindi niya ako nakilala pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil mismong ako ay nakikita ang pagbabago ko.
⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰
Uwian na, lagi akong tumatambay sa park. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na naman siya na nakaupo sa bench, lumapit ako.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng magandang araw at bagong kaibigan?" Tanong niya sa sarili habang humihigop ng binili niyang inumin.
"Paano ka kasi magkakaroon ng kaibigan kung ganiyan ang ugali mo? Masungit, mayabang at maarte!" Pangangasar ko sa kaniya.
Namukhaan niya ako pero hindi bilang kaibigan niya kundi bilang lalaki na nakasalubong niya kanina sa pagpasok at pinagkamalan pa akong stalker.
Pagkatapos ng eksena namin ay nakangiti akong iniwan siya, magiging kaklase ko siya pero kinalimutan niya pa rin ako.
⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰
Papasok na ako sa room nang makita kong nakaluhod si Anne sa harap ni Catherine, narinig ko pa na nanghihingi ito ng tawad. Hindi naman ganito ang ugali ni Catherine noon kaya nagalit ako sa nakikita ko.
Galit akong lumapit sa kanila at inalalayam si Anne na tumayo, "Tumayo ka na d'yan!"
"Sorry talaga Catherine." Naiiyak na sabi nito sa kaniya.
"Huwag niyong gawing santo 'yang babaeng 'yan, bago lang siya pero–"
"I know so manahimik ka na lang." Pagputol niya sa sinabi ko at nagmamataray pa.
Nilagpasan ko lang sila at pumunta na sa upuan ko sa dulo.
Napuno ang classroom namin at pumasok na ang una naming teacher para sa klaseng 'to. Sa totoo lang, siya talaga ang pinaka-ayaw kong teacher dahil hindi talaga pwedeng magsalita ng Ingles sa klase niya kung hindi naman talaga kailanga kaya noong bumati si Catherine ng good morning ay binara ko agad siya, ako naman ang napagalitan.
Nagsaya naman ang lahat ng mga kaklase ko nang masagutan ni Catherine ang pinapasagutan ng math teacher namin, nakatutuwang isipin na kahit papaano ay may nasagutan siya.
Gusto ko siyang inisin ulit kaya naman gumawa ulit ako ng ikaiinit ng ulo niya, matapang siyang lumapit sa akin kaya hinamon ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa balikat niya kaso dumating si Hector.
Mukhang matagal na sila magkakilala ni Catherine at kung titignan mo ang mga mata niya ay kumikinang ito. May gusto siya sa teacher namin, student teacher at manliligaw ng pinsan ko.
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Teen FictionMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...