Natapos ang buong klase ng eksaktong twelve ng tanghali. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ako makapaniwala na maraming nangyari ngayong araw.
Nakangiting nagliligpit ng gamit si Anne, ipinasok niya ang mga gamit niya sa loob ng bag niyang kulay itim.
"Cath, saan nga ulit ang bahay mo? Tanong niya at binuhat ang bag niya. "Hindi ko narinig kanina noong sinabi mo kay Neryl."
"Sa Flower Village" Inayos ko na rin ang bag ko. "Ikaw?"
"Sa Kasmer lang ako."
"Madadaanan ko ba yan? Malapit lang?" Hinagod ko ang buhok ko para hindi masira kapag nilagay ko na ang bag ko sa likod.
"Oo, malapit lang ang Kasmer. Bago mapunta sa village niyo madadaanan muna yung amin, iskinita lang yun" Kinuha niya sa bag niya at kulay blue na jacket at sinuot ito.
"Ang ganda ng jacket mo!" Maganda ang disenyo ng jacket niya at may mga bulsa sa loob. "Sabay ka na rin sa akin pauwi."
"Maglalakad ka lang ba?" Sinuot niya ang niya at naglakad na palabas.
Sumunod naman ako agad, "May sasakyan kami, sabay ka na!"
"Ay, hindi na." Nahihiya niyang tanggi sa akin. "Maglalakad na lang ako at nakakahiya rin sa parents mo."
"Hindi naman sila ang magsusundo sa akin, isa pa friends naman tayo." Yaya ko ulit sa kaniya, "Pumayag ka na please, ituring mo na lang 'tong pagpapasalamat ko dahil naging friends agad tayo."
Hindi na siya nakatanggi pa, sabay kaming nagtungo sa main gate para lumabas. Hindi namin kasabay si Rachel at Joyce dahil may dinaanan sila kasama si Damien.
Maraming mga estudyante ang papalabas at marami ring papasok pa lang. May morning class at afternoon class kasi rito, ibang grade naman ang mga papasok.
"Catherine, Anne!" Malakas na tawag mula sa likod.
Sabay kaming lumingon ni Anne at nakita sina Rachel, Joyce, tumigil ako sa paglalakad nang makita rin si Damien at Yssa? Tumigil din si Anne at binati sila.
"Hi?" Hindi makapaniwalang bati ni Anne.
Hinintay namin sila na makalapit at sabay sabay kaming naglakad palabas. Tahimik lang kami at naghiwalay na rin agad pagkatapos makalabas. Sila Joyce, Damien at Yssa ay naglakad papuntang kaliwa at kaming tatlo naman nila Anne ay pakanan.
Pumunta kaming tatlo sa waiting shed na malapit sa school, dumating naman agad si Mang Caloy. Bago sumakay ay niyaya ko si Rachel na sumabay na rin dahil sasabag si Anne.
"Sabay ka na sa amin Rachel" Yaya ko sa kaniya at binuksan ang passenger seat.
Ngumiti siya sa akin at tinignan ang kotse, "Nakakahiya naman sa inyo Catherine!"
"Wag kang mahiya, sasabay rin si Anne at isa pa nandito na rin naman si Mang Caloy." Binuksan ko rin ang back seat. "Sayang pamasahe."
"Mga hija, pumasok na kayo at baka malate pa ang uwi ninyo." Sabi naman ni Mang Caloy.
Sinarado ko na ang passenger seat, "Sige na, dito tayong tatlo sa likod."
Unang pumasok si Anne, sumunod si Rachel at ako ang huling sumakay.
"Nakakahiya talaga Cath pero salamat!" Sabi ni Rachel at nginitian ako.
"Saan ka pala nakatira?" Tanong ko sa kaniya. "Sa Kasmer ka rin ba?" Tumango siya. "Mang Caloy, sa Kasmer po sila ah!"
Ngumiti si Mang Caloy at pinaandar na ang kotse.
Nag-kwentuhan kaming tatlo tungkol sa mga nangyari lalong-lalo na ang nangyari noong recess. Naikwento nila sa akin na mahilig daw talaga si Joyce na magmatch make at tumulong na parang sa cupid kaya ganoon ang nangyari.⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰
"Salamat!" Sabay nilang sabi sa akin, hindi pa man nakakababa ng kotse ay todo na ang pagsabi nila ng salamat.
Bumaba silang dalawa sa kotse, hindi na namin maipasok ang kotse papuntang bahay nila dahil hindi na magkakasya sa daan. Kumaway sila sa akin at dahan-dahan na ring pinatakbo ni Mang Caloy ang kotse.
"Kumusta naman ang klase mo?" Tanong sa akin ni Mang Caloy.
"Nakakapagod po pero sobrang saya, nakahanap po ako agad ng mga kaibigan." Sagot ko naman at isinandal ang ulo sa upuan.
"Mabuti naman kung ganon, mukhang masaya nga ang kwentuhan niyo."
"Mang Caloy," Tawag ko sa kaniya. "Bukas po pala, pupunta tayo sa mall dahul gusto raw ni Toy."
"Sige, mga anong oras kaya 'yan?" Tanong niya at itinigil na ang pagmamaneho dahil nandito na kami sa bahay.
Bumaba ako ng sasakyan at bumaba rin naman agad siya.
"Mga two raw po!" Binuksan ko na ang gate ng bahay. Nagsilapit naman ang mga katulong namin para buksan ang gate para maipasok na ang kotse. "Una na po ako ah."
Pumasok naman agad ako at nakita si Nanay na naglilinis.
"Kumusta ang araw mo?" Bungad na tanong niya nang makita ako.
Ibinaba ko naman agad ang bag ko at umupo.
"Ayos naman po, maraming nangyari."
Tinignan ko ang orasan at one na pala ng hapon, tulad ng nakasanayan ay wala ang parents ko kapag ganitong oras. Kinuha ko ang remote control at binuksan ang TV para manood. Biglang tumunog ang cellphone ko at may nagpop-up bigla na message.
Catherine, bukas ng 2:00pm. Doon ulit.
-Hector
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at binuksan ang facebook, bigla ko na lang naisipan na i-search ang pangalan ni Damien. Iniisip ko baka kakilala ko talaga siya noon o nakita ko na kung saan kaya nasabi niya ang nickname na ginagamit sa akin noon ni Isko.
Dingdong, may nag-do-doorbell sa labas. Tumayo ako para sana buksan pero naunahan ako ng katulong namin.
"Ako na po magbubukas ma'am!" Prisinta niya.
Umupo ako at sinundan ng tingin ang katulong namin na papunta na sa gate. Pagkabukas niya ay sinearch ko na agad ang pangalan ni Damien, nag-scroll ako ng dalawang beses.
Tinignan ko ulit ang gate namin at wala na doon ang katulong namin, narinig ko siyang tumatakbo papasok.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Gwapo po!" Sabi niya.
Naisip ko na baka si Hector lang ito, baka binigay sa kaniya ni Mang Caloy ang address ko.
"Papasukin niyo na lang po!"
Tinignan ko ulit ang cellphone ko at nag-scroll pa, marami akong nakitang mga picture. Tumingin din ako sa pinto at nakitang pumasok ang katulong namin at kasunod si Hecto–
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Roman pour AdolescentsMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...