Makalipas ang sampung minuto ay may nagdoorbell, ako na ang nagpresinta para magbukas ng gate dahil sigurado naman ako na si Damien ang nasa labas.
"Pasok!" Utos ko sa kaniya at sumunod naman siya agad.
Nagpunta kami sa terrace para walang makarinig sa akin habang umiiyak. Hindi naman siya nagreklamo kaya dumire-deritso na lang kami.
"Oh, chips!" Binato niya ang dala niyang chips, hindi ko napansin na may dala siya dahil sa kaiiyak ko.
"Paano mo nalaman n-na g-gusto ko 'to?" Pinunasan ko ang luha ko
"Wala lang." Walang gana niyang sagot ko. "Bakit ka umiiyak?"
"Si Hector!" Humagulhol ako, natarantang lumapit sa akin si Damien. "Magkasama sila."
"Magkasama?" Nagtataka niyang tanong.
"N-Naghalikan silang dalawa!" Sigaw ko sa kaniya.
"Baka silang dalawa?" Tanong niya sa akin.
"B-Baka nadulas lang si Yssa, hindi ba?" Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang cellphone. "Baka mali lang ang nakita ko?"
"Nasa harapan mo na ang ebedensya, Catherine." Lumayo siya sa akin, "Huwag kang magpakatanga!"
"Gusto mo bang itusok pa sayo ang ebedensya para maniwala ka?" Galit niyang tanong sa akin."Why you're jumping to conclusions?" Galit ko siyang dinuro. "Hindi mo alam ang possibilities!"
"Sana nasa possibilities na sinasabi mo ang fact na sila!" Sigaw nito sa akin. "Paniwalaan mo ang nakita mo, gusto mo tanungin mo para malaman mo!"
"Wow, itong lalaki na nasa harapan ko kung sino kung makasalita." Hindi ko mapigilan na magalit sa kaniya at gamitin sa kaniya ang mga bagay na ikahihina niya. "Ikaw nga imbis na maging matapang ka, anong ginagawa mo? Hinahayaan mo 'yung taong gusto mo, ikaw nga hindi makaamin eh!"
"Ikaw rin naman ah? Hindi mo mga magawang maamin kay Hector na nahuhulog ka na sa kaniya tapos ngayon iiyak-iyak ka na parang naging kayo kahit ang totoo wala naman, tanga ka lang talaga dahil nahulog ka sa kaniya!"
Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yan, para akong tinutusok ng pako. Bawat salita, parang pako na tumutusok sa katawan ko diretso sa puso ko.
"Sana hindi na lang ako nag-transfer, napakawalang kwenta mong kaibigan!" Alam ko na masasaktan siya sa sinabi ko at tama, umurong siya sa sinabi ko.
"You shouldn't have text me, wala ka naman palang pake sa opinyon ko." Naglakad ito palabas sa terrace.
"Ano bang pake ko sa opinyon mo, kaibigan lang naman kita." Galit na sigaw ko sa kaniya.
Napatigil siya, hinarap niya ako at nilapitan. Malapit ang mukha niya sa mukha ko at halata mo ang galit sa mga mata niya."Yeah, I'm just your fucking friend!" Tumigil siya at naglakad palabas. "Hindi kita sinusumbatan pero sana nakita mo na ako 'yung kaibigan mo na laging nand'yan pero iba pa rin pinipili mo."
Kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na "Ano?"
Tuluyan siyang lumabas ng bahay, umiiyak akong tinawag ang pangalan niya. Nakita ko siyang lumabas ng gate at lumiko, hindi siya lumingon o bumalik.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari, umupo ako at humagulhol. Tama siya, alam ko naman na hindi naging kami ni Hector pero bakit nasasaktan ako? Umaasa ako na baka gusto niya ako kasi pinapakitaan niya ako ng motibo.
Humiga ako at hinayaan ang sarili na makatulog, hindi ko alam kung anong meron kay Damien pero mas nasasaktan ako dahil galit siya.
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Teen FictionMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...