CHAPTER SIX

182 38 7
                                    

Umupo kami ni Anne nang maayos, kinuha ko ang isang notebook ko mula sa bag ko. Tinignan ko si Anne at tumingin sa likuran, nakatingin sa akin ang lalaking mahilig sumingit.

"Ganiyan ba talaga siya?" Tanong ko kay Anne at kumuha na rin ng ballpen.

"Sino?" Nagtatakang tanong niya. "Ah, 'yung lalaki kanina?"

"Oo!"

"Ngayon lang siya ganiyan pero matulungin 'yan." Sagot niya sa akin, "Bakit?"

"Nagkita kasi kami kahapon sa park, ganiyan na rin ang pakikitungo niya." Kwento ko sa kaniya, "Medyo masungit na talaga siya."

Dahan-dahang napuno ang classroom, halos lahat ng mga pumnapasok ay kumakaway sa akin at ang iba naman ay nagtataka. Marami sa kanila ang nag-iingay at nagchichikahan sa kung ano-anong bagay, hindi ko intenstyon makinig pero ilan dito ay tungkol sa love life, pamilya at kung ano-ano pang mga problema. Maya-maya pa ay may teacher na sa labas ng classroom, nanahimik naman ang mga kasama ko sa loob ng classroom, palinga-linga pa ang teacher na nasa labas bago siya pumasok. Maliit lang ito, nasa 5'1 siguro ang height nito, morena siya at may bilugang mata.

"Magandang umaga, klase!" Magiliw niyang bati kaya nagsitayuan ang mga estudyante, sinundan ko naman sa kaniya.

"Magandang umaga po, Binibining Kristina!"

Umupo naman kami agad pagkatapos niyang tumango, naiwang nakatayo ang lalaking nagpakulo ng dugo ko.

"Magandang umaga po, may bago po kaming kaklase." Ngumiti siya sa gurong nasa harapan.

Tinignan isa isa kaming tinignan ng gurong nasa harapan, na-estatwa siya nang makita ako. "May diyosa ba akong kaharap? Napakaganda ng bagong mukha sa klase ninyo!"

Napatayo ako nang sabihin niya iyon, "Magandang umaga po!"

"Sinabi ko bang tumayo ka binibini?" Seryosong tanong niya sa akin.

Para akong napahiya sa tanong niya kaya naman naupo ako agad at yumuko. "Pasensya na po."

"Tsk!" Rinig kong pagkairita mula sa likuran.

"Biro lang binibini, tumayo ka na at magpakilala." Nakangiti niyang sabi at tinitigan ako.

Tumangin ako kay Anne, tinanguan niya ako para i-cheer ako. Tinignan ko naman ang lalaki sa likuran na nakangisi lang, tumayo na rin agad ako para hindi na mahintay ang mga tao sa akin,

"Good morning—"

"Walang good sa morning kapag gumamit ka ng ingles sa klase ng Filipino!" Sigaw ng lalaki mula sa likuran, ngayon lang siya umupo.

Tumingin si guro namin sa mayabang na lalaki. "Ginoong Pineda, maaari bang manahimik ka muna?" Naasar na tanong sa niya. "Presidente ka ng klase hindi taga bara ha?" Pangaral ni ma'am sa kanya. "Ipagpatuloy mo anak"

"Isang magandang araw sa inyong lahat, ako po si Catherine Zauza Ignacio. Labing anim, mahilig sa tula at mga instrument." Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Ano naman ang gusto at ayaw mo, Binibining Catherine?" Tanong sa akin ng aming guro.

"Ayoko po ng mustard sa pagkain, sa tao naman po ayoko ang pakielamero tulad ni Ginoong Pineda." Tinignan ko siya mata sa mata, nagulat siya sa sinabi ko pero ngumisi lang siya. "Ang gusto ko naman po ay mga papel at sa pagkain naman ay french fries."

"Wow, mukhang mainit-init ang pagkaayaw mo kay Ginoong Pineda ah?" Komento niya na hindi ko na rin ikinagulat. "Maaari ka nang maupo, ngayon naman ay mga officer naman ang magpapakilala sayo."

Naupo agad ako, hinintay ko na tumayo at magpakilala ang mga officer.

Naunang tumayo ang mayabang na lalaking kanina ko pa tinitignan ng masama, Pineda.

"Ako ang presidente ng klase, Damien Risco Pineda." Tinignan niya ako nang masama, "Mas lalong ayaw ko sayo!"

Pagkatapos niya ay tumayo naman agad si Joyce, "Kilala mo na ako, hindi ba?" Panimula niya at ngumiti sa akin. "Joyce ang bise presidente." Nilingon niya si Anne bago magsalita ulit. "Uyy Anne, ikaw na!"Tumayo si Anne na gulat na gulat. "Ako ba?" tumawa siya at ang iba pa. "Ako si Anne ang pinakacute na kalihim ng klase"

"Ha?" Gulat na napatayo si Anne, nagtawanan naman ang iba naming kaklase dahil mukha siyang lutang. "Ako si Anne Quinn ang pinakamagandang kalihim ng klase at pinakalutang."

Tumayo ang lalaking nasa likuran ko, disente ang kaniyang pananamit, malarosas ang kaniyang labi, singkit at matangos ang ilong. "Ako si Luke Maragsa," Panimula niya at inilahad ang kamay para makipag-shake hands, hindi ko naman ito tinanggihan. "Hindi mayaman peroingat-yaman ng klase." Binitawan niya ang kamay ko ang ngumiti, maganda ang ngiti niya, may dimples siya sa magkabilaang pisnge.

"Neryl Shine, PIO." Maripid na sabi ng babaeng katabi ni Rachel malapit sa bintana, maikli lang ang buhok nito at mukha siyang character sa isang palabas.

"Annyeong, ibang lengwahe pero alam ko namang maiintindihan mo." Tumayo siya mula sa pwesto niya sa likuran papuntang harapan at nilapitan ang isa pang lalaki. kamukha niya ito. "Ako si Winston at ito naman si—" Agad namang tumayo ang lalaking nilapitan niya.

"Wilson, kami ang LUFIN duo." Binigyan niya ng diin ang Lufin. "L-O-F-N ang spelling."

Nagtinginan silang dalawa at sabay na sinabi na Srgt. At Arms silang dalawa. Halos magkamukha sila, nagkaiba lang sa hairstyle. Parehong bilugan ang kanilang mga mata. matangkad, kulay kayumanggi ang kanilang balat dahilan para mapansin agad ang mukha nilang kaaya-aya.

"Catherine!" Tawag sa akin ni Rachel. "Rachel Gomez, muse" Ngumiti siya sa akin at tinignan ang lalaking nasa kabilang row ng upuan.

Tinitigan ko ang lalaking magsasalita na, hindi ko mabigyan ng description ang itsura niya. Mukha siyang lalaki sa k-drama, matyangkad, singkit, matangos ang ilong, malabuhangin sa beach ang balat at mukhang lumaklak ng baby powder.

"Tutal ikalawang markahan na ngayon, nais kong subukin ang inyong memorya patungkol sa mga aralin natin noong nakaraaang markahan." Masayang sabi niya at binuklat ang librong nasa lamesa. "Ako si Binibining Kristina Delos Reyes, ang mga makakasagot at makakakuha ng isang papremyo mula sa akin."

"Balik aral? Eh wala nga kaming natutunan?" Narinig kong bulungan ng mga tao mula sa likod.

"Sino ang mauuna?" Tanong sa amin ni Binibining Kristina.

Bakit sila nanahimik? Ako na lang kaya? Baka mapahiya ako? Baka 'di ko masagot? Hayaan mo na nga, at least sinubukan ko.

Nagtas ako ng kamay at tumayo, "Ako na lang po." Ano bang ginawa mo Catherine? Pag 'di mo nasagot yan pagtatawanan ka.

Ngumiti si ma'am, mukha siyang proud dahil sa ginawa ko. "Malakas ang loob mo binibining Catherine, hindi ko sigurado kung napag-aralan mo ito sa dati mong paaralan pero sino ang nakatuluyan ni Cupid?"

"Si Psyche po?" Hindi siguradong sagot ko sa kaniya, tumunganga ako dahil iniisip ko kung tama ba ang sagot ko.

"Sigurado ka ba?" Mapanghamong tanong niya kaya naman nag-isip muli ako.

Tama ba? Baka mali? Nanay ni Cupid si Venus, kaya imposibleng namang magkatuluyan yung mag-ina?

"Opo!" Buong lakas ko na sagot sa kaniya.

"Magaling! Gusto ko ang siguradong boses mo." Natutuwang bati niya. "Maupo ka na, magaling Binibining Catherine."

Umupo ako at tinapik ni Anne agad ang magkabilang balikat ko, tuloy-tuloy lang si Binibining Kristina sa pagtatanong sa iba at mukhang makakuha ako ng premyo sa kaniya bukas dahil sa nangyari. 

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now