Catherine
Agad na dumilat ang aking mga mata nang marinig muli ang ingay mula sa aking orasan, pang-limang beses na ata 'to tumunog ngayong araw kaya naman tinignan ko na ang oras. Alas-otso na pala ng umaga, agad naman akong napabalikwas sa kama dahil naalala ko na ito pala ang unang araw ng pasok ko sa bagong paaralan na nilipatan ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay agad akong lumabas ng banyo, nakita ko naman ang bago kong uniform na nakasabit sa pintuan ng aking damitan. Papasok ako ngayon sa isang pampublikong paaralan na sikat sa lugar naming. Ang sabi sa akin ng mga magulang ko ay nararapat lang na nasa ganito akong paaralan dahil sa mga pinaggagawa ko, masyado na siguro akong spoiled kaya marami akong mga hindi tama na nagawa.
Nag-uuwian na ang iba kong kaklase ngunit naiwan ako rito sa aming silid-aralan kasama ang aking AP teacher. Ang subject niya kasi ang kinaiinisan ko kaya hindi na ako gumawa ng kahit anong effort para sa kaniya, ngayon, ito ako at naghahabol ng grades.
"Ma'am, I'm so sorry po. Can I make something to pass your subject? Like special project po?" Masaya kong tanong sa kaniya kahit na naiirita na ako sa kaniya. Kaunti na lang ay ma-i-re-report ko na siya. I know that I didn't make effort but I pass all the activities and project on time and take note I pass all her quiz and exam.
"There's no special project for you hija." Malumanay niyang sagot habang dahan-dahan na pinapalo sa akin ang makapal na papel na hawak niya.
Maya-maya pa ay pumasok ang isang estudyante at katulad sa akin ay nanghihingi rin ito ng consideration para maipasa ang subject niya.
"Sure, make powerpoint presentation about this topic" binuklat niya ang kaniyang libro at inayos ang kaniyang salamin, itinuro niya sa estudyante ang gagawan nito at mukhang tungkol sa mga isyu ng mundo ang gagawan niya.
"May pwede pa po ba akong magawa?" mahinahoon kong ulit na tanong sa kaniya ngunit tinawanan lang ako at nagbigay pa nang mukhang nakakainis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, "Anong nakakatawa doon? You're acting like a kinder student not a teacher, I'm asking you if I can do something and you say none and then what? When this student came-" I paused and I finger point the student, "you gave him something to do"
"Catherine, you-" Bago pa man siya matapos ay nakuha ko na ang libro niya at sinimulang pilasin ang mga pahina nito.
Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay naging sikat ako sa school namin, hindi dahil masama ang ginawa ko kundi dahil kinakampihan ako ng mga estudyante. Ang sabi pa ng iba ay dapat matanggal na ang aming guro sa Araling Panlipunan ngunit dahil isa siya sa makapangyarihan sa school, ako ang natanggal.
Magmula noon ay marami akong naging kaibigan at marami ring lumayo sa akin pero merong natitira at iyon ang pinakamatalik kong kaibigan at kinakapatid na si Bea, ninong ko ang daddy niya.
Nabalik ako sa katinuan mula sa pagflashback ng sarili ko noong napansin ko na nasa harapan ko na si mommy. "Maganda ang uniform ngayon ng Winslet ah, hindi katulad noon na parang mukhang nanay at tatay ang mga estudyante."
"Saan ang maganda d'yan. my?" nginusuan ko ang uniform na hawak-hawak ko. Tinignan ko ito magmula pantaas hanggang sa palda.
"Sa school na papasukan mo, doon kami nagkakilala ng daddy mo." Tumingin si mommy sa pinto at natanaw ko naman ang daddy na papasok na rin sa kwarto ko.
"Anak, bilisan mo na d'yan at sigurado akong naghihintay na si Bea sa kanila!" Lumapit siya kay mommy at hinawakan ang mga braso nito, "At ikaw naman, paulit-ulit ang kwento mo."
Tumango lang ako sa kanilang dalawa at pumasok na muli sa banyo para magbihis. Kulay puti lang ang uniform at may blue na ribbon sa kwelyo, ang palda naman ay blue na stripes naman ang palda at sobrang haba pa. Pagkatapos magbihis ay dumiretso na rin agad ko sa baba para sumakay at pumunta sa bahay nila Bea.
Pagkababa ay bumungad sa akin ang nakangiting driver namin na si Mang Caloy. "Anong oras ang klase mo?" tanong niya sa akin habang binubuksan ang pinto ng kotse.
"Ang sabi po sa akin ng administrator ay eleven hanggang one lang daw po dahil pinaglilibot po muna ako bago pumasok, punta po muna tayo kila Bea." sagot ko na lang.
"Sige, alas otso pa naman kaya sigurado akong makapagsasaya pa kayo ni ma'am Bea" Binuksan niya na ang makina. "Kumain na po ba kayo?"
Umupo ako nang komportable, "Opo pero mukhang dadaan pa po tayo ng fast food resto para bumili ng pasakubong"
Tumango lang siya at nang makarating kami sa fast food resto ay bumili na lang kami ng french fries at tatlong burger para meron din si Mang Caloy.
Mang Caloy is our driver since I was a kid, kinuha siya ni daddy matapos makapag-ipon at kumita ng malaking pera. Both my mom and dad came from rags famil, maswerte ako dahil ako ang anak nila.
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay nila Bea. Malaki ang bahay nila, kulay beige ang labas nito at mahahalata mo na ang pamilya ay mahilig sa halaman dahil may mini garden sila sa kaliwang bahagi ng bahay nila.
"Catherine! Buti nakadalaw ka ngayong araw, my Bea misses you!" bungad sa akin ni ninong at niyakap ako. "Pasok kayo Bea at Caloy!"
Nagmano ako sa kaniya pagkatapos makawala sa yakap niya, "si Bea po?"
"She's in her room, waiting for you."
I leave my slippers at the front door and shout, "Beeeeaaaaaaa!" Bukas ang kwarto ni Bea kaya naman pumasok na agada ko, hindi naman ako nabigo sa paghahanap dahil nandoon siya at nakatalukbong. "Why so lazy my girlie?"
"Hey! You're here, I missed you so much" Tumayo siya agad at niyakap ako. "Wala na akong kasama, ang tanga-tanga mo kasi."
Natawa ako at hindi na nakapagsalita dahil may kasalanan naman talaga ako sa nangyari sa amin ng Araling Panlipunan Teacher ko.
We went downstairs and checked their refrigerator, "Bea, may cake rito."
"Okay, lagay mo sa plato kainin natin dito sa lamesa." Sabi niya habang inaayos ang lamesa na pag-uupuan naming. "Ano palang flavor niyan?"
"Hindi mo alam? Chocolate, Vanilla, Mocha at Ube." Sagot ko naman habang nilalabas ang mga cake at naghiwa na.
"Okay, dalawang slice ng moch-"
"Mocha, alam ko." agad ko naming sabat sa kaniya.
Umupo na ako pagkatapos maghiwa, una kong kinain ang chocolate dahil ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng cake at syempre sinunod ko na ang vanilla, hindi matamis ang mga cake kaya sigurado na hindi ako mauumay. Maya-maya pa ay nagkwento siya tungkol sa mga nangyari sa dati kong school.
"Bea" tawag ko sa kanya habang pinaglalaruan ang tinidor na gamit ko sa pagkain ng cake.
"Oh?" Sagot niya naman habang sumusubo ng maliit na piraso ng cake.
"Pakikumusta naman ako kay ma'am Emortal." tumawa kaming pareho.
"Hinahanap ka nga eh, papakulam ka pa daw." Napabalikwas ako sa kakatawa.
Pagkatapos kumain ay sinimulan ko nang iligpit ang mga nagamit naming, ibinigay ko na rin sa kaniya ang mga pinamili ko para sa kaniya dahil masyado pang maaga kanina kung kakainin naming. Ipapainit niya na lang daw para masarap pa.
"Good luck Catherine, bumisita ka rito ulit" sabi sa akin ni tito habang nagble-bless ako sa kaniya.
"Opo kapag hindi po ako nabusy, thank you po tito at Bea" kumaway ako kay Bea at dumiretso na sa kotse. "Bye po!"
"Mauna na po kami sir." Paalam naman ni Mang Caloy.
Pinaandar na ni Mang Caloy ang sasakyan at nagmaneho nang mahinahon. "Magpahinga po muna kayo ma'am at mukhang mahaba-haba pa po ang byahe natin."
Tinanguan ko siya at nagsimulang tumingin sa labas ng bintana, traffic ngayon pero mukhang makakaabot naman ako sa oras dahil maaga pa. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang katawan na magpahinga kaya mukhang makakatulog ako.
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Roman pour AdolescentsMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...