Nasa park ako ngayon kung saan ako unang tumambay at uminom ng milktea. Pinapanood ko ang mga tao, merong naglalaro, nag-aaway at nag-aaral. Maraming tao sa loob ng parke na ito pero iba iba ang kanilang ginagawa, mga mukha, tangkad at galaw.
"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong sa akin ng lalaki mula sa likod ko.
"Nakaupo lang." Sagot ko naman at patuloy na pinanood ang mga tao. "Ikaw? Bakit ka nandiyan?"
"Hinahanap kasi kita." Sagot niya naman at tumalon papuntang harap ko. May hawak itong rosas na ibinigay naman agad sa akin. "Para sayo, natanggap ako sa college admission."
"Talaga?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap siya. "Congratulations!"
"Thank you, happy 19th birthday Catherine!" Niyakap niya ako pabalik at may nilagay sa leeg ko. "Huwag kang mag-alala, alam kong babagay sa iyo kahit anong necklace."
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinayaan akong hawakan ang necklace na nasa leeg ko. Nakaukit ang rosas dito.
"Isko, sinasagot na kita." Mabilis kong sabi at lumayo sa kaniya.
"Ano?"
"Sinasagot na kita!" Sabi ko at mas lumayo.
Nasa magkabilaan na kami ng fountain na nasa park.
"Hindi kita marinig!" Sigaw niya mula sa kabila.
"Sabi ko, sinasagot na kita!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.
Nagtinginan ang mga tao dahil sa sigaw ko at bigla na lamang gumana ang fountain na nasa harap namin. Kinuhanan ito ng mga tao ng litrato.
Lumapit agad sa akin si Damien at hinalikan ako sa noo, "Narinig ko gusto ko lang ulitin mo."
"I love you, Isko!"
"I love you, Catherine."
⊱ ────── {.⋅ THE END ⋅.} ────── ⊰
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Fiksi RemajaMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...