TWENTY TWO

124 17 1
                                    

Tahimik lang kaming kumukuha ng mga pagkain, tapos na ang paglalaro at luminya na kami para kumuha ng pagkain. Agad na naubos ang dala kong puto, marami ang lumapit sa akin at nagsabing masarap ito.

Kumuha ako ng spaghetti, salad at fried chicken. Dumiretso agad ako sa upuan ko, nandoon na rin sila Anne, Joyce at Rachel na nagkwekwentuhan.

"Oo, si Damien ang tumulong sa amin." Narinig kong sabi ni Rachel kaya nakinig pa ako.

"Tumulong saan?" Tanong naman ni Anne sa kaniya at sumubo.

"Last time kasi nag-away kami ni Jack tapos tinawagan ako ng mama niya sabi hindi pa raw siya umuuwi." Kwento ni Rachel sa amin. "Tapos tinulungan niya akong hanapin siya."

Nakinig lang ako sa kwento nila, nakisali na ako noong tapos na kumain.

"Nakipagsapakan ata 'yan eh." Tumawa si Joyce. "Catherine, please lang sana magkaayos na kayo kung ano man ang meron sa inyo."

Tinignan ko lang siya dahil hindi ko rin alam kung ano ang sinasabi niya, sinubukan kong kausapin si Damien kanina pero iniwasan niya lang ako at tuwing nagtatama ang mata namin ay iniiwas niya naman agad.


⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰



"Ms. Ignacio" Pangalawang tawag ni Joyce sa akin bago ako tuluyang tumayo. "Pwede mo na ibigay ang regalo mo."

Lumapit ako sa pwesto ni Damiem, hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa ibaba at tila ba'y hindi nararamdaman ang presensya ko, ibinaba ko sa arm chair niya ang regalo. Nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumayo, kinuha niya ang regalo ko sa kaniya at itinapon sa basurahan. Bumalik ako sa upuan ko nang nanginginig, para akong tinusok na naman ng mga pako pero sa pagkakataon na ito ay hindi ako umiyak pero ang loob ko ay nagwawala na at halos sasabog na.

Hindi ko na napansin ang mga sumunod na nangyari, gusto kong umiyak.

Inabot sa akin ni William ang isang berdeng kahon, "Merry Christmas, hindi ka iiyak kapag nalaman mo ang laman niyan."

Kinuha ni Catherine ang regalo mula kay William. "S-Salamat!"


⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰


"Rachel? Anong natanggap mo?" Tanong ni Joyce sa kaibigan.

"T-shirt atsaka ballpen na personalise galing kay William, sayo ba?" Balik na tanong niya.

"Ahh ako? CD lang, sinagot ko na si William" Bulong nito sa kaibigan.
"Oh! Really? Paano si Wilson?" Balik na bulong nito habang nag-aayos ng mga gamit.

"Ok lang naman, maganda na din naman ang gusto nilang dalawa." Tumigil ito at nilingon ako. "Catherine ikaw? Ano nakuha mo?"

"Hindi ko pa binubuksan eh, sa bahay na lang." Walang ganang sagot ko.

"Alam mo Catherine," Umupo siya. "Hindi galing kay William ang kahon na 'yan."

"Ha?" Wala sa sarili ko siyang nilingon at binali-baliktad ang regalo na hawak ko.

"Basta," Hindila niya ako at pumunta kami sa gitna. "Mag-enjoy na lang muna tayo!"

"Sige na nga" Sumabay na lang ako sa kaniya.

Nagpatugtog sila at halos lahat kami ay nagsayawan.

Nakita kong lumapit si Damien sa speaker, kinuha niya ang mic at nagsalita. Bago siya magsalita ay tinignan niya muna kami at tinitigan ako.

"Nag-message 'yung mother ni Catherine, pwede raw pumunta sa kanila para sa after party at gusto niya raw kayo makilala lahat." Binaba niya ang mic at umalis agad.

Hahabulin ko sana siya kaso naghiyawan ang mga kaklase namin at pinalibutan ako.

Kinuha ko naman agad ang phone ko at halos thirty message na ang nandoon mula kay mommy.

Anak, sinabi ko kay Damien na mag-after party rito sa bahay.
Ready na kami ni Nanay
Dalhin mo sila lahat

"Yehey! Makikita na namin ang bahay ni Catherine." Sabi ng isa sa kaklase namin.

"Excited na ako!"

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now