CHAPTER FIVE

214 40 2
                                    

Four pa lang nang umaga ay gising na ako, bumaba agad ako para tignan ang ginagawa ng mga tao rito. Panigurado ang iba sa katulong namin ay may ginagawa na, sila mommy at daddy ay tulog pa. Pagbaba ko ay nakita ko ang pinakamatag naming katulong, si Nanay Mildred.

"Good morning po Nanay, kumusta po ang tulog niyo?" Bungad ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin at nagthumbs- up. Ngayon ko lang nakita na meron siyang niluluto kaya hindi na rin ako lumapit sa kaniya.

Dumiretso ako sa sala para buksan ang TV namin, lumapit naman si Nanay. "Kumusta ang tulog mo? Nakapagluto na ako, siguraduhin mong kumain bago umalis ah."

"Opo, ganitong oras na po ako magigising," Abiso ko sa kaniya at hinanap ang remote para malipat ang channel. "Kapag po hindi pa ako bumaba nang 4:30, pwede po kayo umakyat para gisingin o katukin po ako sa kwarto."

"Sige hija, maligo ka muna bago kumain ah!" Inabot niya ang remote sa akin, hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"Salamat po!"

Umakyat ako ng kwarto para kumuha ng mga gamit sa pagligo, hindi na ako nakapaghanda kagabi dahil inaantok na rin ako. Biglang tumunog ang cellphone ko, nagvibrate rin kaya nagulat ako. Ang aga-aga may notification na agad ko!

Good morning, 6:00 ang pasok mo

Agad akong namula nang makita ko kung sino ang nagmessage, si Hector!

I know. 4:20 am pa lang, ang aga mo sir!

Maglalakad n asana ako papuntang cr nang tumunog muli ang cellphone ko, siya pa rin syempre.

Gising ka na pala, ganun talaga. See you

Hindi ko na ito pinansin at baka sa kakareply ko ay pareho kaming malate. Four twenty pa lang pero excited na akong umalis ng bahay, ayoko kasing na-la-late. Pumasok na ako sa CR at sinimulang magbuhos, malamig ang tubig kaya naman nagbuhos lang ako nang nagbuhos. Pagkatapos maligo ay nagbihis muna ako ng maong na short at croptop na pink. Bumaba na rin ako para makakain na, mukhang mabango ang niluto ni Nanay.

"Maupo ka na, nakahanda na ang pagkain mo." Yaya sa akin ni Nanay, "Tulog pa ang mommy't daddy mo."

Umupo naman ako agad at kumuha ng kanin at ulam, bacon pala ito at meron pang spam. "Anong oras na po pala?"

"Four fifty four na hija!" Sagot niya at naghugas ng kamay.

Tahimik na lang akong sumubo ng mga pagkain, pagkatapos ay inilagay sa lababo. Hindi na ako maghuhugas dahil panigurado akong pagagalitan ako ni Nanay, naghuhugas naman ako pero dapat wala siya dahil trabaho niya raw iyon. Nagsipilyo na ako at pumasok muli sa kwarto ko, nakita ko ang plasyado kong uniform kaya naman isa-isa ko na rin itong sinuot. Inuna ko ang palda ko, nakasando naman ako kaya sinunod ko ang sapatos at panghuli naman ang blouse. Umikot ikot ako sa harap ng salamin bago suklayin ang buhok ko, naglagay lang ako ng star na clip at nagpabango na, vanilla milkshake ang pabango ko. Kinuha ko ang bag ko at pinasok lahat ng mga gamit ko pati na rin ang cellphone ko, tinignan ko ang oras at five o' eight na kaya bumaba na agad ako, ang bilis ng oras!

"Nanay, pakisabi na lang po kila mommy na umalis na po ako." Sinamahan niya akong lumabas papunta kay Mang Caloy na gising na gising na, nagkakape ito. "Good morning po Mang Caloy!"

"Good morning ma'am, kumpleto na ba ang gamit mo?" Bungad na tanong niya sa akin.

Nag-isip muna ako bago pumasok sa loob ng kotse at oo, may naiwan nga ako. "Meron po, ballpen, kunin ko—"

"Ako na ang kukuha!" Presinta ni Nanay kaya naman siya na ang pumasok sa loob at paglabas niya ay dala niya na ang tatlong ballpen ko. "Mag-iingat kayo ah!"

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now