Ang bilis ng araw, bago magchristmas party ay nagdesign kami sa room. Magkasama kami ni Catherine na gumawa ng snowflakes sa gilid. Tinanong niya ako kung ano ang masasabi ko kay Hector, tama naman na ayos lang siya para sa akin at totoo na grade twelve siya. Noong tinanong niya ako kung sino ang gusto ko dahil pipilitin niya raw, intensyon ko talaga na sabihin ang mga salitang "Pilitin mo mukha mo!" kaso hindi niya naman nakuha. Tinawag siya ni Neryl dahil may naghahanap sa kaniya, si Hector pala.
Lumapit naman agad sa akin si Joyce.
"Kailan ka ba kasi aamin?" Tanong niya sa akin at kinuha ang gunting.
"Bakit di mo subukan? Ipaalala mo yung noon, walang masama kung susubukan." Tinapik niya ang balikat ko.
Kinuha ko ang ibang mga gamit. "Pero baka may mawala pag sinubukan ko?"
"Takot ka kasi, ano naman kung may mawawala? At least sinubukan mong umamin." Naggupit na siya.
"Sino nabunot mo?" Luminga-linga ako, tinignan ko sina Catherine at Hector na nag-uusap.
Binuling niya sa akin na si William ang nabunot niya. Matagal na silang may love triangle ng kambal pero halata naman kung sino ang gusto niya.
Ngumiti kami sa isa't isa at sinabi ko sa kaniya na si Catherine ang nabunot ko.
"Chance mo na 'yan!"
⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰
Agad akong nagpunta sa kanila pagkatapos niyang mag-text, nagdala ako ng paborito niyang chips para gumaan ang loob niya. Hindi ko inaasahan na ganoon na lang magtatapos ang pag-uusap namin, nasaktan ako noong sinabi niya na kaibigan niya lang ako pero hindi ko kayang makitang malungkot siya– na umiiyak siya dahil kay Hector.
Paglabas ko ng gate ng subdivision nila ay nakita ko ang kotse ng mommy niya, tumigil ito sa harap ko at kinamusta ako. Kilala niya ako,
"Isko, galing ka ba sa bahay?"
"Ano po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Akala mo siguro hindi ko alam, 'no?" Tumawa siya at bumaba ng kotse niya. "Kilala ko kayo, alam kong hindi alam ni Catherine."
Kwenento ko sa kaniya ang nangyari kay Catherine at nagpaalam na rin na huwag muna ikwento sa kaniya na ako si Isko.
Dumiretso ako sa bahay nila Yssa at sa galit ko noong nakita ko si Damien na naka-upo sa tabi niya at kwenelyohan ko agad ito at sinapak. Hindi niya maintindihan ang nangyayari kaya nagsapakan kaming dalawa sa harap ng pinsan ko.
"Damien, ano bang nangyayari sayo?" Awat niya sa aming dalawa.
Tumigil si Hector noong natamaan niya ako pero hindi pa rin ako tumigil. Napatigil ako dahil tinulak ako ni Yssa, nagkaroon ng sugat si Hector sa kaliwang pisnge at sa noo.
"P-Pasensya na!" Sabi ko at tumayo.
"Walang aalis hangga't hindi 'to naayos, ano bang nangyayari sayo?"
"Is it about Catherine?" Tanong ni Hector at tumayo. "Tell me, what is it?"
"Catherine thought you're giving her hint na you like her." Sagot ko sa kaniya. "Bakit ka ba ganiyan? Meron ka naman nang Yssa, dadagdagan mo pa!"
"You're hitting your student?" Sasampalin na sana ni Yssa si Hector pero pinigilan ko siya.
"Pagpaliwanagin muna natin siya."
"I'm not hitting on her! Magkaibigan kami ng anak ni Mang Caloy, sinabihan niya ako na igala at ilabas si Mang Caloy dahil hindi niya na magawa." Paliwanag niya.
"So, you're hitting Mang Caloy?" Biro ni Yssa sa kaniya.
Tumawa kaming tatlo.
"I know you like her, Damien." Umupo siya sa sofa.
Umalis si Yssa para kumuha ng first aid kit.
"You never like Catherine, you just tease me?" Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa malayo. "You need to explain yourself, nasaktan mo siya."
Tumunog ang cellphone ko, si Catherine nanghihingi ng tawad pero sineen ko lang.
⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰
Araw ng christmas party, halata mong gusto na ako kausapin ni Catherine pero nagmatigas pa rin ako dahil baka may masabi lang akong hindi maganda sa kaniya.
Mali ang ginawa kong pagtapon ng regalo niya pero kinuha ko pa rin ito para tignan ang laman. Madumi na ang wrapper nito pero ayos pa naman ang laman, nakita ko ang isang libro at ballpen, binasa ko rin ang letter na nakalagay.
Para sa kulupong,
It's hard for me to express something through face to face but I want to thank you for keeping me safe and helping me whenever I need it. It's unnecessary to say but you reminded me of my old friend Isko, he's stubborn but he's kind like you. Sometimes I wish that he was you but then again, you're unique in your own ways and I love that. Merry Christmas, I hope this gift can make your heart happy, let's be closer!
Hindi na sana ako a-attend sa after party pero noong nabasa ko ang message niya sa akin, naisipan kong sabihin na rin sa kaniya kung sino ako.
Tumulong na rin ako sa paglilinis pagkatapos, nagpaiwan ako para mag-ikot at sumama naman siya. Natatawa ako dahil hindi ko pa rin alam ang sasabihin sa harap niya, kung aaminin ko ba na ako si Isko tulad sa sulat niya o hayaan siya na lang ang makadiskobre na ako at ang Isko noon ay iisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223482973-288-k159507.jpg)
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Ficção AdolescenteMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...