CHAPTER SIXTEEN

112 21 0
                                    

Madalas kaming lumabas nila Hector at Mang Caloy nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maintindihan pero binibigyan niya ako ng mga motibo para magustuhan siya.

Sa kabilang banda mas naging close naman kami nina Anne, Damien, Joyce at Rachel.

We will be having our christmas party, naatasan kaming mag-design ng room para magamit namin kapag nagcelebrate na. Kasama ko si Damien sa gilid na nagdedesign.

"Anong masasabi mo kay Hector?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang gunting at gumawa ng snowflakes sa colored paper.

"Ayos naman siya, feeling ko nga gusto ka niya eh." Walang ganang sagot nito. "Grade twelve pa lang naman siya, senior natin."

Binitawan ko ang gunting na hawak ko at tumawa. "Ikaw ba? Sino ang gusto mo?"

"May ibang gusto ang gusto ko eh." Nilagay niya sa taas ang mga nagawa akong snowflakes.

"Grabe naman 'yang babaeng 'yan?" Angal ko. "Naka-ninety five ka sa Araling Panlilunan tapos sa Math nine-eight tapos hindi ka gusto–"

"May gusto na kasi siyang iba." Matamlay na putol niya sa akin.

"Sino ba 'yan kulupong, ako na pipilit sa kaniya." Tinupi ko ang kwelyo ko at umaktong may sasapakin.

"Pilitin mo mukha mo!" Sinakop niya ang kamay ko at tumawa.

Pareho kaming humalakhak.

Lumapit sa amin si Neryl, "Catherine, may naghahanap sayo sa labas." Itinuro niya ang pinto at umalis.

"Sandali lang ah!" Paalam ko kay Damien. Tumango lang siya kaya naglakad na agad ako palabas.

"Hi!" Bati sa akin ni Hector.

"Kumusta ka?" Hindi ko mapigilang ngumiti dahil nandito siya.

"Ayos naman ako, sa saturday pala hindi ako makakasama sa inyo ni Mang Caloy."

"Okay, no worries! May problema ka ba?" I ask with empathy.

"Wala naman, busy lang talaga."

Hindi muna ako sumagot dahil nakita ko mula sa labas na lumapit si Joyce kay Damien, kinuha pa nito ang gunting at nagtulungan.

"Mauna na ako Catherine ah!" Paalam ni Hector at umalis agad.

Hindi naman siya ganito noon, magpapaalam muna siya ng maayos bago umalis eh. Hindi na rin muna ako pumasok dahil may katulong naman na si Damien, mukhang hindi niya na rin naman kailangan ang tulong ko.

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now