PROLOGUE

539 56 6
                                    

Makalipas ang sampung minuto ay may nagdoorbell, ako na ang nagpresinta para magbukas ng gate dahil sigurado naman ako na si Damien ang nasa labas.


"Pasok!" Utos ko sa kaniya at sumunod naman siya agad.

Nagpunta kami sa terrace para walang makarinig sa akin habang umiiyak. Hindi naman siya nagreklamo kaya dumire-deritso na lang kami.

"Bakit ka umiiyak?"

"Si Hector!" Humagulhol ako, natarantang lumapit sa akin si Damien. "Magkasama sila."

"Magkasama?" Nagtataka niyang tanong.

"N-Naghalikan silang dalawa!" Sigaw ko sa kaniya.

"Baka silang dalawa?" Tanong niya sa akin.

"Why you're jumping to conclusions?" Galit ko siyang dinuro. "Wow, itong lalaki na nasa harapan ko kung sino kung makasalita." Hindi ko mapigilan na magalit sa kaniya at gamitin sa kaniya ang mga bagay na ikahihina niya. "Ikaw nga imbis na maging matapang ka, anong ginagawa mo? Hinahayaan mo 'yung taong gusto mo, ikaw nga hindi makaamin eh!"

"Ikaw rin naman ah? Hindi mo mga magawang maamin kay Hector na nahuhulog ka na sa kaniya tapos ngayon iiyak-iyak ka na parang naging kayo kahit ang totoo wala naman, tanga ka lang talaga dahil nahulog ka sa kaniya!"

Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yan, para akong tinutusok ng pako. Bawat salita, parang pako na tumutusok sa katawan ko diretso sa puso ko.

"Sana hindi na lang ako nag-transfer, napakawalang kwenta mong kaibigan!" Alam ko na masasaktan siya sa sinabi ko at tama, umurong siya sa sinabi ko.

"You shouldn't have text me, wala ka naman palang pake sa opinyon ko." Naglakad ito palabas sa terrace.

"Ano bang pake ko sa opinyon mo, kaibigan lang naman kita." Galit na sigaw ko sa kaniya.

Napatigil siya, hinarap niya ako at nilapitan. Malapit ang mukha niya sa mukha ko at halata mo ang galit sa mga mata niya.

"Yeah, I'm just your fucking friend!" Tumigil siya at naglakad palabas. "Hindi kita sinusumbatan pero sana nakita mo na ako 'yung kaibigan mo na laging nand'yan pero iba pa rin pinipili mo."

Kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na "Ano?"

Tuluyan siyang lumabas ng bahay, umiiyak akong tinawag ang pangalan niya. Nakita ko siyang lumabas ng gate at lumiko, hindi siya lumingon o bumalik.

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now