"Naku ma'am dito na lang po ako sa labas. hintayin ko na lang po kayo rito sa labas." Binuksan ni Mang Caloy ang ang pintuan ng kotse.
Nakarating na kami sa mall at nagtatalo kami dahil gusto ko siya isama sa loob. Hindi raw siya sasama dahil hindi maayos ang kaniyang suot.
"Madumi po ang suot ko eh, hindi po magandang tignan," Ipinakita niya sa akin ang damit niya, "May mantsya na po ito, nakakahiya naman po sa mga taong nasa loob."
"Naku Mang Caloy, mag-sha-shopping po tayo sa loob, ano naman po kung may sasabihin ang mga tao?" Bumaba ako sa kotse bago ipagpatuloy ang sasabihin ko, "Hindi ka naman po siguro gumawa ng masama para may masabi sila."
Ilang sandal pa at pumayag na rin siya, hindi niya talaga ako matiis. Ang ilang tao ay tumitingin sa amin ngunit hindi na lang naming ito pinansin ni Mang Caloy. Dumiretso kami sa second floor para maghanap ng mga damit.
"Mang Caloy, pili na po kayo ng gusto niyong damit." Sabi ko sa kaniya nang nakangiti.
"Ma'am, nakakahiya naman po."
"Mang Caloy, minsan lang po tayo magsha-shopping ng ganito kaya sige na po."
May lumapit sa amin na sales lady, tinulungan naman kami nitong mamili at nagbigay din siya ng mga tips ssa pagteterno ng mga damit at pantalon. Mukha siyang taga-ibang bansa dahil sa accent niya. Maya-maya pa ay nakapili na si Mang Caloy ng damit, ilan sa hinahawakan niya ay puro mga mura kaya naman kumuha ako ng pantalon at shorts na mukhang babagay sa damit na pinili niya.
"Mang Caloy, mukhang bagay po itong pantalon at shorts na ito sa damit na pinili niyo.' Inangat ko ang mga nakuha kong shorts at inilatag sa harapan niya.
"Ayos na itong damit na ito sa akin ma'am, baka singilin mo na ako kapag dinagdag ko pa 'yan." Pabirong sabi niya sa akin habang winawagayway ang damit na napili niya.
"Mang Caloy—"
"Sige nan ga, alam ko naming hindi ako mananalo sayo." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Ngumiti naman ako sa kaniya at agad na ibinigay sa saled lady ang shorts at pantalon. Dinala kami nito sa counter at nagbayad na.
"Amo mo sir?" Tanong ng saleslady kay Mang Caloy.
Nagtakang tumingin sa akin si Mang Caloy at hinaraop ang saleslady, "Opo!"
Pagkatapos naming magbayad ay dumiretso agad kami sa Things Do na isang store na nagbebenta ng school supplies para bumili ng bagong notebook at iba pang gamit, hindi maganda kung uulitin ko ang mga notebook ko noon dahil may tatak ito ng dati kong school. Hindi na sumama sa akin si Mang Caloy dahil hindi raw siya marunong pumili ng mga gamit.
Pagpasok ko ay nalula ako dahil noong unang punta ko ay sobrang liit lang ng lugar na 'to, sama-sama pa sa iisang lalagyan noon ang notebook at papel. Ngayon magkakaiba na pati ang uri ng notebook, may shelf pa ang mga calculator.
Dumiretso na ako sa lagayan ng mga papel, mukhang ito ang pinakaimportante kong bibilhin dahil iba-iba ang klase ng papel, merong lengthwise, crosswise at one fourth na papel. Binili ko na lahat ng klase at kumuha na rin ng limang notebook, nakakita pa ako ng ballpen na cute kaya naman kinuha ko na rin,
Pagkatapos ko mailagay ang mga kailangan ko sa baset ay dumiretso na agad ako sa counter para magbayad. Umabot ng halos dalawang libo ang pinamili ko, hindi na ako nagulat dahil mabigay ang basket na dala ko.
Kinuha ni Mang Caloy ang mga plastic na dala-dala ko at dumiretso siya sa kotse, nag-usap kaming dalawa at ang sabi ko ay magkita kaming dalawa sa isang fast food na nasa first floor. Ako na ang umorder para sa aming dalawa para hindi rin sayang sa oras, pumila na ako.
Pamilyar ang tao na nasa kabilang linya kaya naman sumilip ako sa kaniya, nagulat siya sa ginawa ko kaya humarap siya. Siya nga, yung lalaking nabunggo ko na parang teacher pero mukha siyang estudyante ngayon dahil nakasuot siya ng uniform din ng mga lalaki sa school na papasukan ko.
"Hi po! Sorry kanina, tumakbo ako agad." Inayos ko ang sarili ko at nginitian siya, "Do you remember me?"
"'I think nabunggo kita kanina, it's okay!" Sabi niya sa akin at pumila na siya nang maayos.
"Sungit!" Bulong ko sa sarili ko.
Hinarap niya mulita ko at kunot noo niyang tinanong, "What is it?"
"Nothing, kinakausap ko lang ang sarili ko." Palusot ko ngunit parang hindi niya rin pinakinggan.
"If you're wondering why I'm wearing uniform imbis na teacher uniform tulad kanina ay dahil estudyante lang din ako, work immersion is hitting my brain." Paliwanag niya, "At hindi ako masungit, umoorder ang mga tao at hindi moa lam kung susunod ka na."
"Ha?" Nagtataka kong sabi dahil hindi ko rin siya maintindihan.
"Hakdog!" Sagot niya sabay tawa.
Nagtinginan ang mga tao dahilan para manahimik siya, tumawa naman ako nang mahina dahil sa nangyari.
"I'm Hector and you—"
"Good Afternooon, ma'am and sir!" Bat isa amin ng mga crew "Ano pong order niyo ma'am at sir?"
"Large fries po dalawa, isang float, isang coke and two spaghetti also!" Sagot ko habang tinuturo ang bawat order ko.
"Mukhang mapapalaban po ang budget niyo sir ah." Pagbibiro ng crew at humarap kay Hector. "Ano pong name niyo ma'am?"
Isinandal ko ang braso ko sa sa counter, "Naku! Hindi po kami magkakilala nito. Just put Catherine po, salamat!"
"Ay, ganoon po ba? Akala ko po boyfriend niyo!" Binawi niya ang tingin kay Hector.
"Ayos lang po, hindi lang po talaga kami magka—"
Pinutol ni Hector ang sasabihin ko, "Ayos lang po, mapupunta rin po kami d'yan!"
Naghiyawan ang mga crew at ibang mga tao na sumunod sa linya naming dahilan pata mamula ang mga pisngi ko at mahiya. Kinuha ko na ang tray at number para sa order ko, tinawag pa ako ni Hector ngunit hindi ko na rin pinansin. Nakita ko si Mang Caloy sa isang upuan kaya naman pinuntahan ko na siya.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang order naming, nagtaka si Mang Caloy dahil sa dami pero siniguro ko sa kaniya na wala siyang babayaran, pasasalamat ko na rin sa kaniya dahil sinamahan niya akong mamili.
"Mang Caloy, kain na po ta—"
"Pwede ba akong makiupo, mukhang kasya naman ako sa tabi ni Mang Caloy." Sabi nito, nagulat si Mang Caloy dahil sa biglang pagtabi ng lalaking 'to. "Mang Caloy?"
"Hijo! Bakit ka nandito? Muntik na kitang hindi makilala dahil sa bagong gupit mo!' Natutuwang hinawi ni Mang Caloy ang buhok nito. "Kumusta ka na?"
"Magkakilala po kayo?" Nagtatakang tanong, sabay silang sumagot ng oo sa akin.
"Magkapitbahay kami nito ni Hector noon, ang laki mo na pa lang bata ka!"
"Bakit hindi pa po kayo kumakain Mang Caloy?" Tanong ni Hector at sumubo na rin ng kanin, umorder siya ng isang medium fries at fried chicken with rice.
"Naku hijo, wala akong pagkain d'ya—"
"Mang Caloy, sinabi ko naman po sa inyo na sa inyo "to." Nilapit ko ang large fries, coke at spaghetti. "Huwag na po kayong tumanggi dahil para sa inyo po talaga 'yan, salamat po sa pagsama sa akin!"
"Ma'am na—"
"Ma'am?!" putol na sabi ng Hector.
"Oo nga pala Toy, ito ang amo ko si Catherine." Binuksan ni Mang Caloy ang palad niya para ipakilala ako.
"Kilala ko na po siya,nabunggo ko po si TOY kanina!" Tumawa ako dahil binigyan ko ng diin ang Toy na nickname niya.
"Stop calling me Toy!" Namumula niyang sabi, "Let's just eat!'
Pinilit naming dalawa si Mang Caloy na kumain at hindi naman kami naabigo dahil kumain na siya. Nagkwentuhan kaming tatlo tungkol sa mga school, sinabihan niya pa ako tungkol sa mga magiging kaklase ko, magaganda naman ang kwento niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223482973-288-k159507.jpg)
YOU ARE READING
Because He is My First Love
أدب المراهقينMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...