CHAPTER THIRTEEN

123 26 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, ang sarap ng tulog ko. Kahapon ay dumiretso na agad ako sa kwarto dahil wala na rin akong ganang kumain dahil pagod ako.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago bago magbukas ng cellphone. Pagbukas ko ay pangalan ni Rachel agad ang bumungad sa akin.

Rachel Gomez sent you a friend request.

Agad ko naman itong kinonfirm at may tatlong message na pala siya sa akin.

Catherine, good morning!
Add kita sa gc natin ah.
Tulog ka pa ba?

Wala pang minuto ay nag-pop up naman ang pangalan ni Damien sa screen ko.

Damien Pineda sent you a friend request.

Nataranta ako kaya hindi ko muna ito na-confirm, tumunog ulit ang cellphone ko at galing na ito sa group chat. Binuksan ko ito at binasa.

GROUP PROJECT (AP)

Rachel added you to the group.

Rachel
Good morning guys!

Joyce
Saan pala tayo pwe-pwesto?

Christine
Mukhang maraming tao sa park, hindi tayo

makakapwesto kapag mamaya pa tayong ten magpra-practice!

Catherine
Sa bahay na lang tayo gumawa para may space tayo na malaki.

Jack
Really?

Rachel
Ayos lang kaya sa parents mo?

Catherine
Ayos lang naman sa kanila for sure para hindi tayo mahirapan.

Jack
Saan bahay mo Cath?

Cath
Sa may flower village lang naman, alam ni Damien.

Christine
Alam mo Damien?
Village wow!

Damien
Ako na bahala sa kanila Cath, thank you.

Lumabas agad ako ng kwarto at pumunta sa sala,seven na rin kasi ng umaga baka gising na sila at kumakain. Nilibot ko angbuong baba ng bahay at wala sila doon kaya naman pumunta ako sa kwarto nila,bago pumasok ay kumatok muna ako.

"Good morning po!" Sigaw ko at umupo sa gilid ngkama nila.

Bumangon agad si mommy at niyakap ako, "Goodmorning anak! Mukhang ang aga mo nagising ngayon ah? Sabado ngayon."

"May group project po kami ngayon, ayos lang poba kung dito sa bahay namin gawin?" Takot kong tanong sa kanila.

Bumangon naman agad si daddy, "Ayos lang naman,may mga kailangan ba kayo? May school supplies store doon sa Rose street ah!"

Lumiwanag ang mata ko nang sabihin ni daddyiyon, tinignan ko naman si mommy at nakangiti lang ito.

"Doon na lang kayo bumili para safe rin kayo,hindi na kailangang lumabas ng village." Dugtong naman ni mommy.

Tumayo na silang dalawa sa kama at tinignan angkalendaryo na nasa table nila.

"Anong oras po pala kayo aalis?" Tanong kohabang inaayos ang kama nila.

"Eight ako anak at ang daddy mo naman ay tenthirty pa."

"Hindi po kayo sabay?" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"May dadaanan pa ang mommy mo."

Tumango lang ako, niyaya nila ako pababa.Naunang naglakad si mommy kaya naiwan kaming dalawa ni daddy.

"Anong oras pala ang practice nito?" Tanongnito.

"Ten pa naman po!"

Dumiretso kami ni daddy sa kusina at nakahandana ang mga kakainin namin, hinintay namin si mommy bago kumain dahil naliligona pala ito.

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now